Cuatro: The Announcement

37 1 0
                                    

Cuatro: Gift Giving Project

Hanggang ngayon natutuwa parin ako sa pagkakakita ko sa result ng overall ranking ng students. Kaya heto ako ngayon nagtatatalon ng parang Rabbit habang paakyat ng hagdan pataas.

“Psst!”

Napahinto ako sa pag talon ko dahil may sumitsit. Lumingon ako sa likod ko pero wala namang tao. Baka may nag bibiro sakin, hayaan na nga. Kaya dumaretso na lang ako sa pagtalon.

Ayan naamoy ko na ang sariwang hangin na nanggagaling sa Rooftop. Teka, bakit naka bukas? Kadalasan naman kasi kapag umaakyat ako dito sarado pa at ako pa ang mag bubukas. Hindi kaya may tao? May nauna na sa paborito kong tambayan? Pano yan?

Sumilip muna ako sa may pintuan para inspeksyunin kung may tao nga pero, wala ni anino ang nakita ko. Kaya nag daretso na lang ako palabas para langhapin ang sariwang hangin. Ini Spread ko ang mga kamay ko, yung tipo na parang lilipad ako kahit anong oras. Mas feel ko kasi ang hangin kung ganito ang pwesto ko. Pero nangalay din ako kaya naupo na lang ako at sumandal sa pader. Napapikit na ako dahil nakaramdam na rin ako ng antok sa ganitong lugar kasi masarap umiglip.

“Ma... Pa... Saglit po... Antayin niyo po ako... Saglit po... Ma... Pa.. Wag kayong umalis... wag niyo akong iwan please!... Natatakot akong mag isa... Ma, Pa, Wag niyo ako iwan...”

*Click*

Naputol ang panaganip ko dahil sa isang tunog, kaya dahan dahan kong iminulat ang kanang mata ko sinundan ng kaliwa para maaninagan kung saan galing ang tunog na iyon. Bago ako tumayo ay napansin kong basa ang kanang pisngi ko. Naiyak na pala ako nang hindi ko namamalayan, bakit ba naman kasi ganoon ang napaginipan ko. Si mama at si papa, Ay Erase, Erase, Erase!

Ngunit nang makalipas ang ilang sandali na pag oobserba sa paligid ay wala ni bakas ng kahit na sino ang nakita ko. Kaya nag ayos na lang ako ng sarili at pinulot ang mga gamit na nakalapag sa sahig. Mag ta-time na rin kasi kaya mas mabuti nang bumalik na ako sa classroom dahil baka ma late lang ako.

 

Habang papaba na ako ng hagdan ay napapa isip pa rin ako kung ano o kung sino ang may gawa ng tunog na iyon. Siguro nananaginip lang ako, baka parte lang ng panaginip ko iyon.

“Hay nako.” Napa buntong hininga na lang ako. Dahil nasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung ano iyong nangyari kanina. Pero hindi naman importante iyon kaya siguradong malilimutan ko din naman iyon mamaya. Kaya mas mabuting bilisan ko na lang ang paglalakad para makapasok ako ng maaga.

-:-:-:-

Sa hallway palang ay nakita ko na nagkakagulo ang mga kaklase ko. Parang may nangyari na ganoon ka espesyal para ganoon na lang sila magkumpulan.

Lumapit ako para maki-usisa sa kanila.

Noong makalapit na ako ay bahagya kong hinawi ang lalakeng nasa harapan ko para makita ang kanilang pinagkakaguluhan. Nakita ko na may isang asul at parihabang papel ang naka paskil sa pader ng room namin. Isang announcement para sa gaganaping thank giving project ng school. kaya naman sinimulan ko na itong basahin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Worth Ten PesoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon