Rain's POV
10pm
Tumakbo ako papunta sa likod nung water tank na natumba kanina.
Paulit-ulit akong nag-inhale exhale. Sobrang pagod ang nararamdaman ko ngayon. Pero wala akong pakielam. Isa nalang talaga for today.
Nilagay ko na yung pinakalast na green bullet na dala ko sa #29 Jack gun ko.
Pagkalagay ko nung bullet sa gun ko, huminga ako ng malalim at tumakbo mula sa water tank na bumagsak at hinarap ko siya.
Yung highschool classmate ko dati. Close friend ko. Yung lagi kong pinagkakatiwalaan noon. Isa pala siya sa kanila
Isa siya dun sa mga gustong pumatay sakin.
Di na ko nagdalawang isip. Tinapat ko sa ulo niya yung Jack gun ko at pinutok ito.
Tumumba siya agad. Si George... Yung lagi kong kasabay sa mga kalokohan dati... Nakiisa siya sa mga walang awang peste na yon.
Halos maluha na ko habang inaalala ko yung mga masasayang memories nung normal pa yung pamumuhay ng mga tao.
Pero para san pa yung pag-iyak di ba? Di naman mababalik o maayos ang lahat kung iiyak lang ako.
Binalik ko na yung Jack gun ko dun sa may lalagyan sa bewang ko. Nilapitan ko ang bangkay ni George... "Bakit" napabulong nalang ako sa sarili ko.
Pinagmasdan ko ng mabuti yung nakalupasay na katawan ni George. Unti-unti naging kulay itim ang buong katawan nito kagaya lang ng ibang aliens kapag namamatay. Hanggang sa maglaho na ito ng parang bula.
Bakit ba kumakampi ang ibang mga tao sa mga pesteng aliens na yon. Sa tingin nila maliligtas sila. Nagpapaloko sila sa mga punyetang aliens na yon. Hays.
Konti nalang talaga yung mga matitino mag-isip ngayon. Siguro na rin dahil sa biglaan na pangyayari. Siyempre kakapit agad sa patalim yung mga sobra mag-panic.
Unlike me. And some of my friends and relatives. Buti nalang marunong mag-isip yung mga yun. Hindi yung sobrang kitid mag-isip na kakampi sa kaaway para lang "makaligtas".
Kung hindi lang sana sumanib si George dun sa mga pesteng yun, kasama ko pa rin siya at normal na tao pa rin siya. Pero hindi. Pinili niyang sumali dun. URGH. Ayoko nang maisip yun.
Nakakapagod tong araw na to. And as usual puro pagpatay at pag-hunting lang sa mga pesteng yun ang ginawa ko. Pero kahit gaanong kadami na yung napatay namin ng mga kasama ko, parang hindi sila nababawasan. Parang ngang mas dumadami pa sila eh.
Nakakapunyeta talaga.
Naglalakad na ko pabalik sa Effusion Building. Kung san kami nagsstay ng mga kaibagan at relatives ko. Dun din nakatira yung mga taong nag-volunteer para maging desruc o di kaya maging onix.
Habang naglalakad ako. Nakaramdam ako na parang may sumusunod sakin. Kaya napahawak ako sa Jack gun ko. Nyeta naman kota na ko ngayong araw. Gusto ko na magpahinga. Kung isa sa mga pesteng yun yung sumusunod sakin papatayin ko siya HARDCORE. Brutal na kung brutal. Nakakaasar eh.
Binilisan ko nalang yung paglakad ko. Konti nalang na lakad malapit na ko sa E.B
Mga benteng hakbang nalang. Nakikita ko na nga yung building eh. Pero nararamdaman ko pa rin yung sumusunod sakin. Tapos narinig ko pang parang may gumalaw dun sa mga halaman sa likod ko.
Sht ng sakit na ng ulo ko ah.
Nagpatuloy na lang ako ng lakad hanggang sa may humablot ng kamay ko at may nagtakip ng mata ko gamit ata ang isang panyo tapos tinali ito.
"WHAT THE FCK?!" napasigaw na ko.
Bigla akong may naamoy na weird na amoy ano ba to?
Bago ako tuluyang mawalan ng malay, nakarinig ako ng mga tawa
Aish. Anong nanaman bang trip nila?!
- - - -
At last! May chapter one na tong weirdong story ko lol. Yea ang iksi. But atleast may isang chap na hoho. Sana tuloy tuloy na yung flow nung story sa utak ko para mabilis maka-updateee. Teehee~
BINABASA MO ANG
Green Bullet
خيال علمي"Mas gusto ko ngang mamatay kaysa harapin lahat ng toh eh. Pero eto ako ngayon, I chose to save the world" - Cadiz Rain