Chapter 2

11 0 0
                                    

Chapter 2

Avery's POV

Maaga naman akong nagising, ayaw ko kasing malate dahil baka pagalitan na naman ako ng napakastriktong teacher namin sa first subject.

Humihikab pa ako habang naglalakad patungo sa banyo.

"Ay, anak ka ng nanay mo." gulat na tili ko ng mauntog ang ulo ko sa pinto ng banyo. Sobrang inaantok pa kasi ako.

Agad akong pumasok sa banyo para maligo, sigurado akong tulog pa ang ate ko. Duh, 5 am pa kaya atsaka 8 ang pasok namin.

Pagkatapos ay nagbihis agad ako ng uniporme ko na above the knee ang ikli ng palda.

Bumaba agad sko at pumunta sa kusina para kumuha ng gatas sa ref atsaka tinapay. Di ko kasi feel na mag-almusal pagkatapos ko kumain ay kinuha ko na ang bag ko sa may sofa namin at lumabas agad ng bahay nila.

Nagiwan muna ako ng sulat sa pinto ng kwarto ko, para malaman ng ate ko. na umalis na ako.

Pagkadating ko sa school, wala pang tao habang naglalakad ako papunta sa building ng room namin.

Napadaan sya sa gym kung saan nagpa-practice ang mga basketball player.

"Avery!" napalingon naman ako sa tumawag sakin. Ang kaibigan ko palang si EJ ang tumawag sakin.

"Oh? Diba nagpa-practice kayo pumunta ka na dun." sabi ko bigla naman itong sumimangot. Tsk, di bagay...

"Grabe naman ganyan kana ba sakin bespren? Ang tagal kaya nating di nagkasama tapos itataboy mo ako?" kunwaring iyak nito. Bigla naman akong natawa sa itsura nya. Seriously, muntanga sya.

"Ano ba! Alam na nage-emote ako." inis na sabi nito.

"Osya, bumalik kana sa gym at baka pagalitan ka ng couch nyo. Sige ka." sabi ko tumango naman ito.

"Sige bye Avery."

"Bye."

*

Nasa classroom na ako pero wala pang mga tao isa lang. Yung kaklase kong babae na laging nabubully.

Nagbabasa ito ng libro umupo naman ako sa upuan ko at kinuha ang earphone ko at sinaksak sa tenga ko.

Third Person's POV

Kasalukuyang nakaupo ang binata sa sofa ng biglang may tumawag sakanya. Walang gana nya namang sinagot ito.

"Yes?"

"Hey bro! Meron na akong natanggap na impormasyon sa tinutukoy mong Avery Torres." bungad nito bigla namang gumuhit ang isang ngiti sa labi nito.

Finally...

"Spill it." sagot nito.

"Avery Torres, 18 years old. Nagaaral sa Yugin University. Half korean at half filipina may kapatid sya na nangangalang Alessa Torres." mahabang lintanya ng nasa kabilang linya.

"Okay, thank you nasa bank account muna ang perang kailangan mo." sagot nito.

"Yun oh! Thanks bro-" katulad ng isang chapter binabaan nya na naman ito. Napakawalang respeto nga naman. *facepalm*

Dinial nya naman ang number ng Manager nya gusto nyang lumipat sa school na pinagaaralan ng dalaga. Para makasama ito di na sya makapaghintay.

"Hello Manager paki-transfer ako sa Yugin University bukas. Thanks." utos nito napabuntong hininga naman ang nasa kabilang linya.

"Ok, wag mo kakalimutang may performance ka sa Wednesday." ani nito.

"Ok." sagot nito at binaba na ang tawag.

My Possessive IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon