Chapter 5

9 0 0
                                    

Chapter 5

Avery's POV

Nagising naman ako ng biglang nagbeep ang phone ko. Hudyat na may nagmessage sakin, sino naman ito? Ang aga-aga nagtetext.

Anong oras naba? Napatingin naman ako sa alarm clock ko. 7:00 a.m na tumayo naman ako at di na tiningnan ang phone ko siguro mamaya na sa school.

Dumiretso agad ako sa banyo para maligo pagkatapos ay bumaba na ako para mag-agahan naabutan ko naman ang ate 'kong nanonood ng tv sa sala.

"Oh, gising kana pala pinagluto na pala kita kumain kana dyan." Ani nito ng di paren inaalis ang tingin sa tv. Tiningnan ko naman kung anong pinapanood nya.

Wrestling na naman? Napatawa nalang ako sa isip ko. Kababaeng tao yan ang pinapanood, minsan napapaisip ako kung babae ba talaga itong si Ate.

"Wala ka bang pasok?" Tanong ko at naglakad papuntang kusina malapit lang naman ang kusina sa sala, kaya pwede kami magusap.

"Day off namin ngayon nakalimutan mona ba?" Sagot nito. Oo, nga pala Friday pala ngayon. Tuwing Friday kasi ang Day off nito.

Nagumpisa na akong magsandok ng kanin at ulam at nagumpisa ng kumain. Pagkatapos ay niligpit ko muna ang pinagkainan ko bago umalis.

"Ate, alis na ako." Paalam ko tanging tango lang ang sinagot nito sakin nakatutok kasi ito sa tv. Hay naku!

***

Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor ng school namin ng mapansin ko na namang nagkukumpulan ang mga babaeng estudyante.

Baka may transfer na naman? Lagi naman e.

"Avery!" Biglang bungad ni Lexia sakin pagkarating ko sa room namin. Kaunti palang ang mga estudyante baka nasa corridor ang mga yun? Nagkukumpulan.

Umupo naman ako sa upuan napatingin ako sa katabi kong upuan. Mukhang wala pa sya?

"Uy, nabalitaan mona ba?" Biglang tanong ni Lexia at umupo sa may harapan kong upuan.

"Ang alin?" Tanong ko napahilamos naman ito sa mukha nya. Problema nito?

"Kahit kailan talaga di ka updated e noh?" Inis na sagot nito. Napailing naman ako malay koba? Di naman ako chismosa tulad nya. Na halos pag may issue dito sa school wala pang isang araw alam na nya ito.

"Di ako tulad mo na chismosa noh." Natatawang sabi ko inirapan naman ako nito. Sakto namang nagbell na kaya nagsipasukan na ang mga kaklase ko.

Yung iba mukhang kinikilig pa, Luh? Anong meron?

Pumasok nadin si Steven umupo naman ito sa tabi ko tiningnan nya naman ako. Napaiwas nalang ako ng tingin nakita ko pang ngumiti ito bago tumingin sa harap.

Sakto namang dumating ang first subject teacher namin.

"Good Morning Class" Bati nito tumayo naman kami at bumati din. Pagkatapos ay umupo na napatingin naman ako sa may pintuan may nakita akong lalaki sa labas. Pamilyar yung mukha ng lalaki, parang nakita kona sya?

"Class, may bago nga pala kayong kaklase. Mr. Please come in." Utos nito sa lalaking nasa labas ng pinto pumasok naman ito at pumunta sa harapan.

Shocks! Sya yung lalaking nakabunggo ko sa mall. Bigla naman akong kinalabit ni Lexia na nasa likuran ko nakaupo.

"Diba sya yung nakabunggo mo sa mall kahapon? Shet, kaklase natin sya. Ang gwapo!" Bulong nito habang may patili-tili pa. Di ko nalang ito pinansin at tumingin nalang sa harapan.

Nakita ko naman itong nakatingin sakin medyo nailang ako kaya tumingin ako sa ibang direksyon na pinagsisihan ko dahil kay Steven napadako ang tingin ko.

Nakita ko pang napatiim bagang ito madilim ang aura nito. Na parang kakainin ka ng buhay. Jeez.. Natatakot na ako ah.

Ng mapadako naman ang tingin sakin biglang lumambot ang mukha nito naging malambing. Shemay! Tumingin nalang ulit ako sa harap.

"Doon ka umupo sa kaliwang katabing upuan ni Ms.Torres." Nagulat naman ako ng ituro ako ni Prof tumingin naman ito sakin bago maglakad papunta sa katabing upuan ko. Nginitian naman ako nito ngumiti lang din ako pabalik.

Naalala nya pa kaya ako? Siguro.

Nagsimula naman magturo ang prof namin kaya nakinig nalang ako.

Mga ilang oras lang ng mag-bell hudyat na lunch break na kaya niligpit kona ang gamit ko.

Bigla namang kumapit sa braso ko si Lexia."Hoy! Ang swerte mo, may dalawa kang katabing gwapo." Ngumuso naman ito lalabas na sana kami ng biglang..

"Wait!" Napatingin naman kaming dalawa ni Lexia sa tumawag samin. Sya yung lalaking nakabunggo ko sa mall.

"Hi, diba ikaw yung babaeng nakabunggo ko sa mall. Ako nga pala si Adrian at ikaw si?" Pakilala nito at inilahad ang kamay niya habang nakangiti.

"Avery." Sagot ko at tinanggap ang kamay niya.

Napatigil naman kami ng biglang may narinig kaming ingay nakita ko naman si Steven may hawak itong bote masama ang tingin nito saming dalawa ni Adrian.

Nakakatakot naman sya ngayon?

"Gusto nyo bang maglunch o tutunganga nalang kayo diyan?" Malamig na sabi nito bago iniwan kaming tulala nito.

My Possessive IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon