*Xijan's POV*
Naglalakad ako ngayon sa pathway papunta sa room ko, hanggang ngayon hindi padin ako makamove on sa kinukwento ni Rendail, grabeng laughtrip talaga yun, hindi ko maimagine ang itsura ni Jx nung nangyari yun.
"hoy ! lalaking walang pakelam sa mundo .. " -naatigil ako ng marinig ko yan at alam ko kung kaninong boses nanggaling yan.
"anong balak mo ngayon ?" -ano bang sinasabi netong isang to ?
humarap ako sa kanya, i stared at her blankly.
"so wala ka talagang balak ?"
"ano bang balak pinagsasabi mo ?" -kahit tinatamad ako magsalita, nasabi ko yan.
"panagutan mo ang ginawa mo ! ano ? wala ka man lang gagawin ? alam mo naman siguro ugali ni papa di ba ? kapag nalaman nya ang nangyari sigurado ako magagalit sya" -geez ! i really don't get her ..
"huh?" -sorry tinatamad talaga ako magsalita.
"huh ? just huh ? panagutan mo sabi ang ginawa mo eh ..." -this time sumigaw na sya, at talagang nakuha nya ang atensyon ng mga tao sa paligid namin, kaya hinila ko sya, hindi ko alam kung saan sya pwedeng dalhin kaya dumiretso lang ako sa paghila sa kanya.
"anong pananagutan ?"
"hindi kaya buntis sya ?"
"si Xijan ang tatay ?"
"oh my god ! pano na tayo ?"
"waaaah ... nabawasan na tayo ng isang papa .. magiging ama na sya"
"jesus christ bakit ngayon pa ?"
yan ang mga naririnig ko sa paligid ko habang hila hila si Khina, badtrip kung anu anu na namang chismis ang kakalat dito sa school, mga walang pag asa sa buhay.
agad kaming nakarating sa likod kung san kami lageng nakatambay nila Khaizen, inupo ko sya sa upuan at tumayo sa harap nya.
"kailangan mo ba talagang mag iskandalo ?" -tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya.
"bakit ba kasi parang wala kang pakelam sa nangyari ? akala mo ba hindi ako nahihirapan ? huh ? pano kung malaman ni papa ? anong gagawin ko ?" -geez .. makaarte sya akala mo nabuntis ko talaga sya ..
ang haba masyado ng sinasabi nya at ngayon ko lang naalala kung ano ang tinutukoy nya, well kung naguguluhan kayo kung ano yung pananagutan ko .. remember the dinner date with her family ? oh yes, pumunta ako dun , ayoko na mag flash back tinatamad ako magkwento ..
i just go to the part of pananagutan story, ahh basta . nasira ko kasi yung painting na nasa kwarto niya at sa papa nya yun, alam niyo naman i love to sleep, nahigaan ko yung canvas ng hindi sinasadya, bakit ba kasi ako pumasok sa kwarto na yun eh, gusto ko kasi talagang matulog kaya napilitan ako pumasok hindi ko lang naman napansin kaya ayun , hindi pa tapos yung painting na yun, bakit ba kasi dun nkalagay yun eh , ayun nasira tuloy.
BINABASA MO ANG
A Grand Slam Lovestory
Teen FictionIsang simpleng babae si Fillany Reign Monteverde, mayaman, maganda, mabait, walang problema sa buhay at higit sa lahat No Boyfriend Since Birth, pero sa isang iglap ay nagbago ang takbo ng buhay niya sa isang pangyayaring di inaasahan sa pamilya n...