[Chapter 2]: Co-Detectives

35 10 0
                                    

CATRIONA

A week has passed pero hindi parin ako nakatanggap ng mensahe mula kay papa. He said weeks ago that I will meet my co-detectives. Then it turns out na isang linggo na ang nakalipas pero wala parin.

To kill time, nakahiga ako sa kama habang nagbabasa ng librong binili ko kahapon sa NBS. Lahat na siguro ng mga estudyante ay nagsimula na ang klase. Sino ba naman ang hindi papasok ng paaralan lalo na at first day of school?

Kung dati ay lagi akong nakatambay sa labas ng schoolgate nila, ngayon nagbabasa nalang ako ng libro dito sa kama ko. Nagmumukha kasi akong timang sa labas at naiinitan pa ako. Siguro mamaya nalang ako dadaan doon para hanapin ang clubroom ko, I mean, namin ng mga kamember ko.

"CAT!"

Muntikan na akong mahulog sa kama ng marinig ang napakalakas na sigaw ni Karen mula sa kusina.

"CAT BUMABA KA NA! TAWAG KA NG DADDY MO!"

Sinara ko ang librong binabasa ko at nilapag sa table side. I pulled my phone out at nakitang wala namang missed calls galing kay papa.

"Tsk. Mangmang na babae."

Bumaba na ako at nagtungo sa kusina. Doon ko nakita si Karen na busy sa pagbake ng malaking cake. "Bakit naman ang tagal mong bumaba?" ani nito ng hindi man lang ako nilingon.

Pinakita ko sa kanya ang phone ko. "Sabi mo tumawag si papa. Eh wala naman eh. Timang karin eh noh?"

"Hay jusko po Catriona! Ibang-iba ka talaga sa papa mo!" Sa boses palang ni Karen, nagtitimpi lang siyang huwag ako tapalan ng icing ng cake sa mukha. "Kapag ako nainis sayo, ikaw gagawin kong cake para bukas!"

"Chill, basta chocolate flavor ah? I hate vanilla."

"Ay naku po anak ka ng-,"

Natigil lamang ang walang kwenta naming pag-uusap ng magbukas ang pintuan sa sala. Doon bumungad sa amin ang babaeng nakita ko last week sa may lobby.

"Miss Cat?" Nilingon niyaa ako at tumayo ng tuwid. "Miss Cat, pinapapunta na po tayo ni Sir Smith sa unibersidad. Naroon na rin po ang clubroom natin."

Ano nga uli pangalan niya? Suzzie? Pia?

"Ako po si Krizza Hermoza." Nakangiti niyang pakilala. "Nakalimutan ko nga po palang magpakilala last week."

Kaya naman pala hindi ko alam ang pangalan niya. Akala ko may memory loss na ako pagdating sa mga pangalan. Ayoko rin pumunta sa unibersidad para lang sa clubroom na iyan, pero dahil nabanggit si papa, bahala na.

"Magpapalit lang ako ng damit," tugon ko bago umakyat patungo sa aking kuwarto. Nagsuot ako ng jeans at blue crop top. Bumaba uli ako at nagtungo sa garage para magpasundo.

Kung saan man ang clubroom namin, sana maganda. Ayoko ng masikip tulad ng kabaong.

***

I can say nothing about our clubroom. It was sleek and simple. Pure white with soft couches and transparent circle table. May malaking bintana sa gilid at sa isang gilid naman ay isang flat screen tv.

There were cabinets na pwedeng lagyan ng mga files at important things. Sa gilid nakita kong nakaupo si papa kasama ang isang lalaki na pamilyar sa akin.

"Cat! Nakarating rin kayo ni Krizza," ani ni papa sabay ngiti. He motioned his hands towards the couches. "Here! Maupo kayo,"

Naupo ako sa kabilang couch habang lintang umupo sa tabi ko si Suzzie, este, si Krizza. Why am I forgetting people's names this time?

"Since kilala niyo nang dalawa ang isa't isa, let me introduce to you your last clubmember, Chase Gonzales."

If my dad is in all smiles, siya naman ay parang hindi alam ang definition ng 'smile'. His face is blank at parang wala lang sa kanya na ma-meet kami ni Su- Ugh! Ni Krizza!

"Chase, this is my daughter Catriona Smith," He only stared at me and I blinked. Wala akong balak ngitian ang isang ito.

"Then here is Krizza Hermoza. Your co-detective as well." The latter smiled at him which he refused to offer. Kahit isang smile lang dyan oh.

Tumingin si papa sa kanyang relo bago bumuntong hininga. "Mauuna na ako. Kayo na ang bahala dito ah? At saka Chase, wag mo naman sila i-intimidate sa katahimikan mo. Make yourself comfortable." Ngumiti muna si papa bago umalis at iniwan kami.

Dead silence filled the room. One can say that we are filled with awkwardness. Chase is sitting in the couch, staring at us blankly. Krizza's smile faded habang nakakapit parin sa akin na tila hindi komportable sa titig sa amin ni Chase. While here I am, looking at my nails.

Anong klaseng clubmembers ito? Para kaming nagpunta sa sementeryo at nagdadasal ng rosaryo sa sobrang tahimik. Dinaig pa namin ang chapel ng unibersidad na ito.

Sabay na napabuntong hininga sina Krizza at Chase, which prompted the two to look at each others. Napataas naman ang kilay ko. Bakit parang pang teleserye ito?

"H-Hi?" Awkwaaaard. Nag-hi ka pa Krizza. The latter only stared at us again. Kung naglalaro sila ng Staring Contest, malamang talo na siya.

"Magtititigan lang ba tayo rito?" Since walang gustong magsalita, ako na mismo ang nagboluntaryo. "Kung wala naman tayong gagawin dito, uuwi na ako."

"Wait! Wait!" pigil ni Krizza sa akin. "We can't go home yet! The students are wel aware with our presence, and anytime soon, dudumugin nila tayo para konsultahin sa problema nila,"

"We are detectives. Not problem solvers with what is happening in their love lives." I remarked. "If you want to waste your time in solving their complicated love problems-,"

"-which has thesame essence as helping people will be a great honor." She countered. "At paano ka nakakasigurong love life problems ang ipapakonsulta nila sa atin? Also, hindi naman madalas nangyayare ang mga serial killings."

"Which makes it a lot boring," I retorted. "Kaya nga uuwi ako para magbasa. Then call me if an interesting case appears beforehand."

Tatayo na sana ako ng hilahin na naman ako ni Krizza. Why is she clinging too much to me?

"Nope! Sorry ka nalang, but all of us needs to be here." She said firmly. "Kung aalis ka, we need to inform Sir Smith about it."

I almost rolled my eyes at her. Great. Makakaalis nga ako pero magsusumbong ang linta. Could this day get any lower?

"What's the reason to be all here?" I asked. "Hindi ba pwedeng kahit ako wala muna sa scene?"

She shooked her head. "We co-detectives should always be here to show great teamwork."

I raised my eyebrows in confusion. "Just to show teamwork?" She nodded. "Great. Just to show teamwork but when the client is gone, back to our staring contest game."

Mas hinigpitan pa niya ang pagkakakapit sa braso ko. "Just in case na magbalak kang tumakbo palabas."

I sighed as I pulled out my phone and looked at the time. Ten o' clock palang. Dalawang oras pa bago maglunch so paano na iyan? I'm going to die because of boredom in here.

###

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Patterns of CrimesWhere stories live. Discover now