SHIN POV
Dalawang araw na ang lumipas
kaya ang ibig sabihin nito makakapasok na kami
Excited na ako!!!!Gumising ako ng may ngiti sa mukha dahil ito na ang unang pasok namin ginawa ko na ang morning routine ko at nagbihis ng Uniform ganun din naman sina Kuya John at Kyle ang cute nila sa suot nila nagmakeup ako ng light at kumain na rin kami tsaka kami umalis
Pinuntahan muna namin ang unang klase namin
Pagpasok namin sa Unang klase ay nagsitinginan ang mga kaklase nmin pati si Prof.
Umupo na kmi sa likod
"Oh may mga bago pala kayong Classmates" sabi ni Prof sa mga classmate namin kaya tumingin sila sa amin at nginitian ko nalang sila
"Ipakilala nyo ang mga sarili nyo" utos ni Prof. kaya sumunod nalang kmi
si Kyle ang unang nagpakilala"Hi! I'm Kyle Alex Reyes, 17, Wind Magic" pagpapakilala nya
hindi namin kasama si Kuya ngaun kasi sa iba ang klase nya OmG! Ako na"Hi! I'm Shin Villanueva, 17, Nature Magic" pagpapakilala ko at umupo na ako naririnig ko ang mga bulungan ng iba naming kaklase
"Uuy! Ampogi nung bagong guy oh!"
"Tama ba ang rinig ko may Rare Magic daw yung isa"
"Sana akin nalang sya!!!Kakakilig!!"
Wow kakarating palang namin sa klase may mga bulungan kaagad pero di naman maiiwasan yun hehe....
Nagsimula nang magsalita si Prof.
"Ok class, ang pag aaralan natin ngayon ay tungkol sa mga uri ng Magic, Unahin muna natin ang mga Normal Magic, mag bigay kayo ng isa" sabi ni Prof. at agad nagtaas ang isa naming kaklase "Yes, Ms. Rosales""Wind Magic" sagot nito
"Ano pa?" tanong no Prof.
"Water Magic" sagot nung isa pa naming kaklase
"Bukod dyan meron pang iba at iisa isahin natin iyon, Ang Wind Magic ay kayang kontrolin ang hangin kahit pa ang oxygen ng mga tao kaya nilang gumawa ng malakas na hangin at kunin ang hangin ng isang tao kaya medyo delikado ito,next ang Water Magic kaya nitong kontrolin ano mang tubig ang may Magic ng Water ay pwede silang gumawa ng ispada at panangga gamit lang ang tubig, next is Fire Magic kaya nitong makasunog kahit ano pang uri yan pero mahirap kontrolin ang ganitong kapangyariha. dahil binabase din ito emosyon ng may Magic nito at gaya ng Water Magic ay pwede rin itong maging sandata o panangga,next Ice Magic alam nyo naman ang Ice diba ito ang mas magandang panggawa ng sandata dahil ito ay matigas ang merong Magic ng ganito ay pwede nilang palabasin kahit saang parte ng katawan nila ang Magic na ito" mahabang pagtuturo ni Prof. Andrew
seryoso namang nakikinig ang lahat pati kaming dalwa"Ok bukas nalang natin i discuss ang mga Rare Magic at iba pang di pangkaraniwang Magic, Ok Class Dismiss" sabi ni Prof. Andrew
kung ganon marami pa palang uri ng Magic!Nag pakilala rin kami sa 3 naming klase at natapos naman ang mga klase ng maayos....
******Ring******Ring******
Tunog ng Bell
"Ok Class Dismiss" sabi ng Prof.
lumabas na kaming dalawa ni Kyle at pumunta sa Caffeterià para mag break time pumunta kami sa counter at umorder naghanap kami ng vacant seat at umupo"Kyle, marami pa palang uri ng Magic, yung Magic na nasayo binanggit kanina normal Magic pala pero bakit d binanggit yung akin?" mahabang sambit ko kay Kyle
Kung ganon hindi Normal Magic ang Nature Magic! Bakit kaya?
"Nagtaka rin ako kung bakit di binanggit yung Magic mo baka naman yan yung sinabi na Prof. na Rare Magic" sabi sa akin ni Kyle kaya kumunot noo nalang ako at kumain
maya-maya lang ay dumating si Kuya"Uuy, andito na pala kayo" sabi ni Kuya John sa amin habang may dala dalang pagkain at umupo sa tabi ni Kyle
"How's your day?" tanong ni Kuya saakin
"Ok lang tungkol sa Magic yung tinuro sa amin kanina" sabi ko at kumagat sa kinakain kong donut
"Ahh, anong sabi?" tanong ni Kuya
d ako makapag salita dahil baka mabulunan ako sa kinakain ko kaya si Kyle nalang ang nag salita"Sinabi sa amin isa isa ang mga Normal Magic nabanggit sa Normal Magic yung akin pero yung kay Shin hindi" paliwanag ni Kyle kay Kuya
"Ahh so ibig sabihin hindi pala Normal yung Magic nya kundi Abnormal, ahahahahaa" patawa ni Kuya Sus! anong nakakatawa dunNapatawa din naman si Kyle
Pag katapos namin kumain ay pumunta na kami sa Next class namin******************************
Pumunta na kami sa dorm at nag ayos ng mga gamit
"Hayy! Maganda pala mag aral dito" sabi ni Kuya John
"Maganda nga pero di mo magugustuhan yung ugali ng ibang student" sabi ko kaya kumunot noo ito
"Bakit namn?" tanong ni Kuya sakin
"Wala" sagot ko masyado kasing maingay yung ibang student dito at lagi akong pinag bubulungan HaysssttKumain kami ng Dinner at pagkatapos ko kumain nagpahinga muna ako sa kama ko naalala ko lang yung naging laban ko sa mga student na yun
"Oh, mukhang ang lalim ng iniisip mo dyan ahh" sabi sakin ni Kyle habang naka ngiti
"Hindi naman naalala ko lang yung laban ko dun sa mga student" sabi ko sa kanya nakakapag taka lang parang di ko sila nakikita kahit sa mga klase o sa caffeterià man lang hayysst sino ba sila......???
"Matulog ka nalang dyan" sabi nya sa akin kaya sumunod nalang ako
"Good Night" sabi ko sa kanya
"Good Night din my Queen" mahinang sabi nito pero narinig ko yun umalis na sya, hinayaan ko nalang sya at natulog na ako********************************
Nagising ako pero bakit wala pang araw anong nangyari tumingin ako sa wall clock 6:00 o'clock na pero bakit wala paring araw?
Pumunta ako sa sala nakita ko si Kyle
"Kyle, bakit wala pang araw 6:00 na ng umaga diba?" tanong ko sa kanya
"Yan din ang pinagtataka ko nag ring na yung alarm clock ko pero wala pa ring araw" sabi nya sa akin Teka!! gisingin ko kaya si Kuya?!"Gisingin ko kaya si Kuya?" tanong ko sa kanya
"Cge baka may alam sya tungkol dito" pag sang ayon nya sakin kaya pinuntahan ko si Kuya ansarap ng tulog nya pero emergency toh kaya gigisingin ko na syaJOHN POV
Nagising ako dahil sa pag kakayugyog sakin Sino ba yun???
"Kuya gising" sabi sa akin
Minulat ko ang mata ko si Shin lang pala pero bakit nya ako ginising ng gantong oras?"Bakit? Gabi pa ahh tulog ka pa" sabi ko sa kanya
"Kuya, umaga na pero walang araw" sabi nya sakin na ikinagulat ko
Bakit naman mawawala ang araw?"Imposible naman yang sinasabi mo"
sabi ko sa kanya"Kuya!" sigaw nya sa akin kaya tumayo na ako mula sa pag kakahiga ko at Bigla nya akong hinila ppuntang sala
"Kuya John tingnan mo toh!" sabi sa akin ni Kyle sumilip ako sa bintana may mga student na pero wala pa ring araw tiningnan ko ang orasan at 6:15 na Ano toh??!!
Bakit kaya wala pang araw???To be continued..........
A/N: Hi thank you sa readers ko sana magustuhan nyo don't forget to vote and mag comment lang kayo kung may d kayo gustong part
Sa next chapter nalang po!!!..........
YOU ARE READING
University of Magic
FantasiaHi guys!!! Ito ang kwento sa U.M(University of Magic) dito kamangha mangha ang mga estudyante dahil sa kanilang mga sariling katangian.... Marami sa kanila ang nagnanais makasama sa Rank pero di nila alam ang kakaharapin nila bago makasali sa mga Ra...