PROLOGUE (CFL)
Naguguluhang hinablot ko ang kanyang braso upang pigilan syang umalis. Pagkalito. Takot. Kaba. Galit. Halo-halong emosyon ang aking mga nararamdaman sa tagpong iyon. Isabay pa ang panghihina ng mga tuhod ko. Natatakot ako sa mga maaring mangyari.
"Y-Yhannie, parang awa mo na. Ipaliwanag mo naman sa kin yung mga nangyayari! Nalilito na ako! Parang awa mo na! Itanggi mo naman ung mga sinasabi nila! P-parang a-awa mo na, Itanggi mo, di ko kakayanin." halos lumuhod ako sa pagmamakaawa sa babaeng pinakamamahal ko.
Oo, lalaki ako at alam kong wala dapat sa bukabulakyo namin ang magmakaawa ng ganito. Pero, masisi nyo ba ako? Sya yon, yung babaeng pinakamamahal ko. At hindi ko ikahihiya ang pagmamakaawa ko para lang sa kanya. Maaring tawagin nyo akong Martir, Bakla Masokista, kung ano-ano pa. Wala akong pakialam.
Huminto lang sya sa paglalakad at lumingon sakin gamit ang pina malamig nyang titig. Lumuluha sya dahil sakin. At nasasaktan ako sa ideyang iyon.
Ano bang pagkakamaling nagawa ko? Ayos pa naman kaming naguusap sa mga nagdaang gabi, pero bakit nagkaganito?
"Y-yhan, di naman totoo yong sinasabi nila di ba? M-mahal, sagutin mo ako? Tanggap mo ako diba? M-m-mahal mo ko diba?" Rinig ang panginginig ng boses ko at ang pagsusumamo.
Nagpatuloy lang ang pagtitig nya sakin. Patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha.
Gamit ang kaliwang kamay, kinuha ko ang kanyang kamay at hinawakan ko ito ng mahigpit, ramdam ang pag nanais na di na sya pakawalan pa.Iniangat ko ang aking kanang kamay upang subukang tuyuin ang kanyang basang mga pisngi.
Agad nya itong pinalis pati ang paghawak ko sa kanyang kamay.
"H-hu-huwag mo akong hahawakan, n-na-nandididri ako sayo." halos pabulong nyang sabi sa akin.
Pilit kong tinatatagan ang aking sarili.
"M-Mahal, Ano ba talaga ang nangyayari?"Umaasa ako na sana di to totoo, sana bumalik kami sa dati. May konting pagasa sa puso ko kaya lang gumuho sa kaniyang sumunod na sinabi.
Yumuko sya at pilit inalis ang kanyang tingin sa kin. "A-a-ayoko n-na, itigil na natin to. D-di ko na kaya..."
"Y-yhannie, ba-bakit m-may nagawa ba akong mali? A-ayusin ko, basta wag ka lang mawala sa kin. Alam ko di ako perpekto, h-h-hindi ako yung boyfriend material na hinahanap ng mga babae, di ako yung tipo na pang whole-package ang dating. Na gwapo, mayaman, matalino. W-wala ako ni isa sa mga yon. Ito lang ako, kabaligtaran sa lahat mga hinahanap mo, pero tanggap mo naman ako diba? Alam ko, simula ng makilala kita, malayo ang estado natin sa buhay, kasehodang langit ka at lupa ako, pero pinagtapo pa rin tayo, pagsiskapan kong abutin ka, alam ko namang di totoo yung mga sinasabi ng mga kaibigan ni drake hindi ba? N--na bet lang ang lahat satin? Hindi b-----" Di ko na nayari pa ang sasabihin ng magsalita sya.
"Oo! Frank! B-bet lang lahat ng 'to! H-hindi ko alam kung bakit nagtagal pa lahat ng' to! Tutal inaamin mo na, totoo naman ang sinabi mo na lupa ka at langit ako, dahil kahit kailan di mo ko kayang abutin! Alam mo bang nandidiri ako sa tuwing hahawakan mo ako?! Oo, hindi ka naman talga pang boyfriend material at pang whole-package na tipo ng lalaki! Mahirap ka lang at ako ay mayaman! Prinsesa! Nakukuha ko ang lahat ng gustuhin ko! Ni hindi mo nga ako mailibre sa isang desenteng kainan e! Tapos di man lang kita mai pag mayabang sa mga friends ko! Alam mo kung bakit?! " Huminto pa muna sya. At tiningnan ako habang ako na nangnaka yuko at patuloy ang pag agos ng walang katapusang mga luha.
Nawala lahat ng lakas ko sa mga masasakit na sinasabi nya sakin. Ito pala ang babaeng tunay kong minahal, nagtitiis lang pa sya. Gusto kong patayin ung sa sarili ko sa mga katotohanang sinasabi nya sa akin. Gusto kong ibaon sa lupa ang sarili ko. Hindi ko man lang pala napasaya yung mahal ko ni isang beses. Puro lang pala kasinungalingan ang lahat.
"...Kasi di ikaw yung tipo ng lalaking maari kong gawing trophy! Hindi ka mayaman katulad ng mga exes ko! Hindi ka gwapo, wala kayong mga asset ng pamilya mo! Sa bagay, ampon ka nga lang pala at alila ng kinikilala mong pamilya! Hindi mo ba nakikita ang sarili mo sa salamin? Hindi ka na nga mayaman, hindi. Ka. Pa. Gwapo! Kaya Tingin mo ba masasabi mo pang tanggap kita?! Hindi!! " Patuloy pa rin sa pagluha.
Hindi ko alam kung ba nangyayari to samin. Ngunit ngayong lalo pa akong natatauhan sa mga masasakit na sinabi nya na tila ba asido na unti unting ibinubuhos sa katawan ko.
Pero marami akong pagkukulang sa kanya. At alam ko yon. Isa lamang akong scholar sa aming paaralan, walang pera para sa mga luho at saktong pambaon sa pang aaraw araw, diswasher sa isang fast-food chain. Halos wala na ring oras sa sarili, alila ng pamilya ko.
Tanggap ko na sa sarili ko na di ako gwapo, oo nga't matangkad ako at may saktong katawan para sa edad ko. Katamtaman lang ang kulay ng balat, At kahit papaano ay may katangusan naman ang ilong ko, kaya lang dahil sa pagod at puyat sa pagaaral at pagtratrabaho ay di maiiwasang magkaroon ng tigyawat. Oo, bilang lalaki kinahihiya ko magkaroon nito, pero nung maging kami ni Yhannie ay unti unti nawawala ang mga insecurity ko pero ngayon mukhang unti unti na naman akong nilalamon nito.
Nanatili lamang akong nakayuko at tahimik na lumuluha.
"Ano na? Naintindihan mo na ba ngayon? O kailangan ko pang ulit ulitin? Alam mo kung ngangawa ka lang dyan maghapon, mas mabuti pang umalis na lang ako. Tutal break na naman na tayo..." Nagsimula na syang maglakad palayo sa kin.
'di ko kakayanin.'
Pinigilan ko sya at maghigpit na niyakap sa likod." M-mahal, sorry na. P-pag-usapan natin 'to. Ayusin natin' to, di ba hindi mo ko iiwan? Sabay natin lilibutin ang mundo diba? Sige, kung gusto mo. Pagka-graduate ko, civil engineer na ako non, maghahanap na agad ako ng trabaho. Kada-sweldo ko, kakain tayo sa sosyal na r-restaurant, mamasyal o kahit ano pa. Basta M-mahal, walang iwanan ha? ----" desperado na talaga ako at mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap sa kanya at umiyak. Rinig ang mga hikbi naming dalawa sa gitna ng gabi.
"Wala ka ba talagang utak?! B-bet lang lahat ng 'to! Hindi kita kaylanman minahal, si Drake talaga ang gusto ko! Kaya pwede ba? Lubayan mo na ako,!!" nagpupumiglas sya sa yakap ko at kusang nakalas ang mga bisig ko sa kanya dahil sa panlalambot.
'Ito na ang araw na iyon, ang araw na kinatatakutan ko, yon ang mawala sya...'
Nagpatuloy sya sa pag lalakad, at hindi na lumingon pa...
"Cyanne Laurice, M-mahal..." bulong ko na kahit kailan ay di na nya maririnig.
Labis kong sinisisi ang sarili ko sa lahat ng nangyari samin. Pera. Oras. Dahil sa pera at oras, nawala yung pinamamahal ko.
'Pangako, sa araw na magkita muli tayo, matagumpay na ako. Pagsisihan mo sana na di mo ko hinintay at sumuko ka. At pangakong malilimutan din kita. Maging masaya ka sana sa piling nya...'
CHANGE FOR LOVE
written by:
Maidchuu-imhida©All rights reserved 2018.
A/N:
I dedicated this story to my dearest brother, Christian. Hehe, alam kong di mo to nababasa ehh, sana nga hindi. Ikaw ang naging inspirasyon ko sa paggawa ko ng story nato! Civil engineer kasi course nya, at nagkaroon sya ng crush sa isang magandang dilag*Skl*
Sana magtuloy tuloy na... *cross fingers*
Support nyo sana story ko😘😘Watch out for the first chapter: the present.
Copyright by: Maidchuu-imhida. (ken_chicken🐣)
YOU ARE READING
Change For Love
RomanceChange for love Frank Luigii 'Loui' Seriano III known as "The man who never get tired." Dahil gawa dito, gawa doon. Linis dito, linis doon. Punas dito, punas doon. He never get tired on what-so-ever task giving to him. He doesn't have time for himse...