Tumatakbo ako sa hindi na kilalang gubat na ito, hinahabol ng isang hayop na hindi ko maipaliwanag kasi yung katawan nya ay baboy, at yung katawan naman nya ay isang bubuyog, ang mga paa ay paa ng isang aso nakakatakot! tumatakbo parin ako hanggang sa madapa ako sa isang malaking kahoy, alam ko na papalapit na sya kaya ako ay nagtago doon sa ilalim ng punong kahoy. Laking gulat ko nalang na andyan na sya sa likuran ko kaya napasigaw ako
"aahhh! anong kailangan mo panget na hayop!"
parang mabibingi na ako sa tibok ng aking puso dahil sa kaba.
" ARgghh! nagugutom ako! at tsaka mas panget kapa sakin!
aba, aba! sakalin ko kaya to! pero tama nga si weirdong hayop ang panget panget ko ano ba naman to! parang isisi ko yung mga magulang ko dahil sa pag-aanak sakin hindi kasi ginalingan eh ayan! panget ang lumabas.
" Arrrghh! nagugutom na ako! hindi kona matiiis ito!" lumalapit na si weirdong hayop pero bago pa nun, may isang lalaking pumunta sakin at pinatay nya ang weirdong hayop just for his loud tap of his finger, hindi ko makita yung mukha nya kasi nakatalikod sya. Pero nung oras na yun, biglang tumibok yung puso ko hindi ko maipaliwanag kung bakit ang alam ko lang ito ay dahil sa kanya.
" Oh! my knight and shining armor prince, you save me!" sinubukan kong lumapit sa kanya dahil gusto kong makita yung mukha nya.
" My prince? bakit nakatalikod ka?"
" My princess beautiful of all the world! ayokong magpakita sa iyo"
" Eh bakit naman, my prince?"
" Nahihiya kasi ako sa iyo my princess"
" My prince! eh pano ako magpapasalamat sa iyo kung hindi ka nakaharap sakin? magpakita ka sakin plss.." matagal pa bago sya sumagot
" Sige my princess dahil sa mahal kita, magpapakita ako sayo" ayan na heartu!, malapit kona syang makita! ang gwapo gwapo nya kahit nakatalikod palang siya!. Dahan dahan syang humarap sakin. Malapit na bes! malapit naa!!
wait! bakit ang lamig!??
"waaahhhh!!! ang lamig! ang lamig!"
"HOy! Rhysa! gumising ka nanga dyan! kanina pa kita ginigising!"
" Eh bakit binuhusan mo pa ako ng napakalamig na tubig?!!!"
" Hay nako Rhysa araw araw ko nga yan ginagawa! masanay kana! at kung ayaw mong binubuhusan ka ng malamig na tubig araw araw, gumising ka ng maaga!
yabang naman nito, " oh sige na babangun na ako!"
" Nakahanda na yung pagkain sa baba, maligo kana at sabay na tayong pumasok sa eskwelahan, at mag ayos ka nga ang panget mo"
" Masanay ka na rin Kuya!"
Sya si kuya Lee, ang napakasuplado kong kuya at cold. higit sa lahat, ang gwapo kong kuya sya yung tagabuhos ng malamig na tubig sakin araw araw, minsan galit ako sa kanya pero love ko parin sya kasi, sya ang nag aasikaso sakin araw araw at hindi sya nahihiyang ipagmukha ako sa lahat na kapatid nya ako. Sikat sya sa school namin at one of the member sya sa grupong napakasikat sa school at ito yung Famous star 6 in short, "FS-6" ang mga member dito ay lahat mga badboy at gangster.
" Badtrip naman si kuya oh! nambibitin ng panaginip!"
" Ah! yung knight and shining armor mong prince na nakatalikod! na pumatay sa weirdong hayop na "BBA" baboy na bubuyog na may paang aso!"
" dyan ka na nga kuya ewan ko sayo! ang lapit na eh, yun na yun eh! makikita ko na yung mukha nya kaso may panget na bakulaw ang sumira!"
" Wow! ako pa yung panget? akala ko ba ikaw?!"
" Kuya!! isusumbong kita sa prince ko! alam mo, kahit nakatalikod---
" bla! bla! bla! gwapo parin sya? alam mo panget kong bunso, araw araw mo yang kinukwento sakin memorize ko panga! kulang nalang maging si Maam Georgina ka! paulit ulit! nakakarindi na!"
ah anyway si maam Georgina pala, sya yung prefect of student namin sa school tama nga si kuya dahil tuwing nag aanounce sya paulit ulit.
" Ang sama mo kuya! lumabas kana mag aayos na ako"
" Goodbye! my beautiful princess with knight and shining armor prince!"
"tse!!"
umalis na ako sa aking kama at pumunta sa cr upang maligo. Habang nag aayos ako, tiningnan ko yung sarili ko, " Ang panget ko" nakasuot na mahabang palda, mahabang jacket, at makapal na glasses pero, si prince lang ang nakapagsabi ng maganda, pero mas saklap pa!, panaginip lang pala akala ko reality na!.
bumaba na ako para mag breakfast kasi tinatawag na ako ng bakulaw este! ni kuya
" Wow ha! may plano kapang bumaba eh hindi ka nga makaalis sa salamin nag paganda pa! alam mo kahit anong pag paganda mo panget karin kaya halika na malelate na tayo"
" Ang sama mo kuya!"
kaya sumabay kami ni kuya at pumunta na sa school.
hi Guys!! i hope you enjoy!

BINABASA MO ANG
My Prince
Teen FictionSya si Rhysa. Isang nerd, binubully ng lahat. Pero nagbago ang lahat sa panaginip lamang, ang panaginip na ulit ulit nyang napapaginipan ang weird na hayop, ang kanyang tagapagtanggol. pero pano kung ang night and shining armor nya sa panaginip nya...