"2"

18 1 0
                                    

Habang nagmamaneho si kuya, parang may nararamdaman akong kaba, baka dahil sa pagpasok ko sa school na to kasi dati, ang saya saya ko nung first day of school at nag eexpect pa akong may makikipag kaibigan sakin pero pag step ko palang sa school,

 marami nang tumitingin sakin nandidiri, natatawa, nagagalit kasi hindi sila makapaniwala na may  isang tao palang panget dito sa school kaya simula noon marami nang nambubully sakin.

  ewan ko ba kung binalewala ko lang siguro sanay na ako kasi halos araw araw yung pambubully nila sakin buti na nga may kuya akong mapag mahal at mapagtanggol at kahit na sikat si kuya sa school, madaling napapasunod niya yung mga tao. 

Mahal na mahal ko si kuya kahit masama yung ugali niya.

anyways, yung pangalan ng school namin ay Alchoris Academy.

 School ng mga mayayaman, pasok ka na nga kahit wala nang exam exam, ang may ari ng school nito ay principal namin at meron rin siyang anak, na  dito rin pumapasok pero hindi niya pinapakita yung hitsura niya.

lagi lang siyang  naka mask at naka cap, ewan ko ba. 

ang  weird nya ang alam ko lang na news sa kanya na minsan kong naririnig sa mga tsismosa dyan, ayaw nya raw magpakita kasi baka marami raw ang mag hahabol sa kanya.

 Aba assuming naman to! pero ewan ko ba kung bakit marami pa ring nagkakaibigan sa kanya, Leader rin siya kasi sa grupo ng FS-6.

 Alam mo naman yung ugali nilang mga FS-6 pano pa nga yung lider nila! edi 2x na malupet na, minsan may nag suicide na sa kanya dahil sa pambubully niya tambak rin yung suspended days niya pero ewan ko ba kung bakit walang pake yung papa niya na nagmamay ari ng school na hindi man lang sasabihan na itigil na yung pambubully niya. 

pero feel ko na hindi sila nagpapansinan sa isat isa dahil may mapait at masakit silang nakaraan na naka ukit na sa puso nila kaya ayun hindi maka move on

tsismosa ko no?! hayss!> yan ako eh lalo na sa mga weird people, pero isa na pala ako don'.

" Dito ka nalang mauuna na ako, see you panget!"

"Tse! bakulaaw!"

papasok na nga lang ako, baka malate pa ako dahil kung mangyayari yun, papagalitan ako ni mommy alam mo naman si mommy dapat kailangan kong maging masunurin na bata kasi sa paglaki ko raw madadala ko ito at magkakaroon ng successful life. Ewan ko ba, successful nga pero yung itsura!.

Habang naglalakad, lahat ng mga tao nakatingin sakin. Eh, sino ba naman ako? isang hamak na nerd na binubully ng mga impakta at impakto, este mga estudyante sa school!.

" Buhay pa siya?"

" Ewan ko ba kung bakit siya nalang yung weirdong naka durvive dito. Dahil si Jiro pinapaalis niya yung mga weirdong tao dito sa school, yung iba nga na trauma nasa kanya.

Siya nga pala si Jiro Carlos  Ciro Francisco. Ang anak ni Albert dea francisco na nagmamay ari nitong school na principal namin. Leader ng FS-6 sikat sa school na ito. gangster rin siya  tinatawag ring bully prince and mysterious prince ang pinakamortal enemy ko.

at ako naman si Rhysa Kyle Hera Tuazon. Anak ni Annesley Archer Tuazon, kapatid ni Lee Abner Jade Tuazon Divorce yung parents namin maliit palang kami wala na kaming ama kasi nalaman nalang ni mommy na may kapiling na isang babae yung ama namin kaya nag desisyon siyang mag divorce nalang kay daddy dahil hindi niya na kaya yung sakit na nararamdaman niya. 

Lumaki kami sa piling ni mommy kahit nasasaktan si mommy pinipilit niya paring  asikasuhin kaming dalawa dahil ang pangarap niya ay makapagtapos  kami ng  pag aaral at maging doctor kami balang araw.

 At si daddy? we forget him along time ago nung iniwan niya kami, kaya ganyan nalang si kuya na nagiging cold kundi dahil kay daddy kasi close sila ni daddy at ako naman close ko si mommy.

natauhan nalang ako nung may napansin akong may tatlong babaeng pumunta sa harapan ko,

oh boy! heto nanaman sila same as before, sila  yung tatlong mga bubuyog dito sa school. 

Si kim yung leader na sikat rin sa school, si lesley na magaling sa volleyball sikat rin sa school at si jane ang matalinong suplada sa grupo nila sikat silang tatlo dahil sa angking talento nila pero masasama naman yung mga ugali, akala mo naman kung sinong magagaling tinatawag rin silang "S'TAR".

" Where do you think your going?" sabi nung lider nilang parang kinagat nung bubuyog yung bibig niya dahil sa sobrang laki.

" Sa classroom" matipid kong sagot ayaw kong makikipag away sa kanila dahil lagot ako sa mommy ko.

" Aba natuto kanang sumagot ah! bakit? nandito ba si superhero  mo?" sabi naman ni lesley, yung tinutukoy niyang superhero is, si kuya.

" Well sorry ka nalang, dahil mukhang napapaaga yata si superhero mo nang pasok" pinipigilan ko yung galit ko dahil alam ko na wala naman akong kalaban laban sa kanila.

kinuha ni lesley yung bag ko at itinaas niya ito at  dahil sa volleyball player siya  hindi ko maabot yung bag ko.

" Akin na nga yang bag ko"

" Abutin mo muna" sinubukan kong abutin yung bag ko pero sobrang tangkad ni lesley, marami na ring mga tao yung nanonood sakin at pinagtatawanan ako.

" So sad panget na nga pandak pa!"

"hahahaha" naririnig ko sa mga nanonood parang mga demonyong  tumatawa sakin iplus mo pa kay kim na pinakakontra bida at malakas kung tumawa.

kinuha ni jane yung bag ko kay lesley at inilapit sakin, sign iyon na kunin ko raw pero bago ko pa kunin ito, binuksan niya at binuhos ang laman nito. Ang sama akala ko ibibigay niya eh pano naman niya ibibigay ito sa iyo Rhysa! ang panget mo!.

nag ring na yung bell at senyales na mag uumpisa na ang klase kaya umalis na yung tatlong mga bubuyog.

tiningnan ko nalang yung mga gamit kong nakakalat kahit saan.

Mommy sorry kung malelate ako ngayon, alam mo naman yun. malas lang kasi ako ngayon mommy kasi, nakita ko pa yung tatlong mga bubuyog.

kinuha ko nalang yung mga gamit ko at dali dali akong pumunta sa hallway at tiningnan kung saan yung room ko, matapos kong makita yung room ko tumingin ako sa relo,

"Shoks! I am 5 minutes late na" kaya tumakbo na ako para maabot sa first subject namin pagbukas ko palang ng pintuan, yun nanaman mga mata nanaman na nakatingin sakin.

" Ms. Tuazon your late!"

"I'm sorry po sir fred masakit kasi ulo ko" nag pa lusot ako para hindi malaman ni sir fred na binully nanaman ako.

" Ok  find your seat" kaya tumingin na ako ng mauupuan ko. may napansin akong lalaking natutulog bakante yung tabi niya, kaya dumeretso ako doon para maupo nag dahan dahan akong kumuha ng aking mga gamit sa bag upang hindi siya magising. pero habang nag kakalkal ako ng mga notebook sa  bag ko, napansin ko yung likod ng isang lalaki.

parang pamilyar yung likod niya san ko nga ba to nakita,

hay naku Rhysa baka imagination mo lang yun

habang nagtuturo si sir, hindi ako mapakali sa katabi ko kasi may napamilyaran siya sakin eh sino kaya to??



====authors note====

hi guyss i hope you enjoy my story!. thankyueeee

faceboook; Renelyn Daria



My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon