Final

63 0 0
                                    

Matagal ko nang itinatago

Mga ngiti sa munti kong puso

Ako si Summer, isang 4th year HS student. Tahimik lang ako at hindi din ako mahilig makipag-usap sa mga di ko ka-close. Simple lang ako, kumpara sa iba, average and typical girl-next door ang aking peg! Makulit at maingay ako pag nagging ka-close mo na, sobrang ingay ko din pero may tinatago ako’ng mga sikreto sa aking puso na ako lang may alam.

Batid kong alam mo nang umiibig sa ‘yo.

Akala ko alam na ni Jr na may gusto ako sa kanya, ayun pala hindi pa. Si Jr, isa din siya’ng 4th year HS student, classmate at seatmate ko siya. Ngayon lang kami nagging close ng ganito, hindi ko nga alam kung bakit ako tinamaan sa mokong na to, I mean. Hindi naman siya ganun ka-gwapo, pero may itsura, hindi siya ganun katalino, pero may alam. Lalo na sa Math at Physics, malupet. At hindi din siya boyfriend material. Pero nagging crush ko pa siya. And as time goes by, nadedevelop na ata ako sa kanya.

“ umamin ka na, Summer. Malay mo. Gusto ka din niya. “ sabi ni Jan, bestfriend ko, isang 3rd year HS

“ hindi niya ako gusto! “ sigaw ko

“ eh pa’no mo naman nasabi? Tignan mo nga, analyze mo mga galaw niya, ang sweet niya sayo, minsan iniinis ka niya at minsan nahuhuli mo pa siya’ng nakatitig sayo! So baka may pag-asa ka pa! “ he said and pushed me inside the Lab, kung saan nandun si Jr.

Bakit hindi mo pansin itong aking pagtingin

Ba’t di mo ramdam ang tibok nitong dibdib

Halos madapa ako sa pagkakatulak ni Jan, buti na lang at nahawakan ko ang upuan, causing a loud thud. Napatayo si Jr at tumingin sa akin with that same old brown eyes. Those brown eyes that I really adore and love, I smiled wearily

“ bakit ka nandito? “ tanong niya

“ bawal? “ pamimilosopo ko, he stared at me in annoyance

“ de joke lang. May gusto sana kasi ako’ng sabihin sayo. “ sabi ko at lumapit sa kanya

“ ano yun? “ tanong nito habang nakatalikod, tinatapos niya ata ang experiment niya

“ Jr, m-m-m-mahal k-k-kita... “ pagbulong ko, pero just enough to hear him. I bowed my head in embarrassment di ako makatingin ng maayos sa kanya, please tell me you love me too. Akala ko yan ang sasabihin niya, pero nawasak ang pride at puso ko sa mga sinabi niya

Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin.

“ mahal din kita, kaibigan! “ sabi niya, I sighed

“ you don’t understand. “ sabi ko ulit

“ by the way, sinagot na ako ni June. Wala ba’ng congrats diyan? “ sabi niya, feeling ko tinapak-tapakan niya pa ang puso ko

“ talaga? Congrats! Sige na, may tatapusin muna ako, bye! “ sabi ko, tumalikod na ako bago pa niya Makita ang mga mata ko na may luha na.

I should’ve known si June pa din ang mahal niya. Si June, ang kaibigan ko’ng taga-Japan. Nag-migrate sila ng family niya dun pero bumabalik-balik sila tuwing Summer at Christmas dito. Siya pa din pala ang mahal ni Jr. Ang tanga ko.

Kung ako ba siya, mapapansin mo?

Kung ako ba siya, mamahalin mo?

Ano bang mayro’n siya na wala ako?

Kung ako ba siya, iibigin mo?

Umuwi agad ako sa bahay ko nung day na yun, alam ng mga kaibigan ko ang nangyari, wala din naman sila magagawa eh, iyon ang nararamdaman ni Jr, and that’s it. Nagbuwis puso ako, nasaktan ulit. Masakit sobra.

“ ano ba’ng meron siya? “ tinanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa picture ni June

“ maganda siya, mabaet, matalino, mayaman, matangkad, maputi. Ano pa nga ba ang hahanapin mo? “ sinagot ko din ang tanong ko

“ tanga ka Summer, bakit ka naman niya magugustuhan? Bobo ka, panget. “ sabi ko at naluha na lang. Hatinggabi na no’n at nag-iiyak pa din ako ng patago, hindi pwede’ng malaman ng parents ko to, they will never even understand.

Masakit ko mang isipin

Mahirap mang tanggapin sa damdamin

Pag-ibig mo pala’y hindi sa akin.

Kinabukasan, nagkasalubong kami ni Jr, wala’ng pansinan. Umupo ako sa upuan ko at naluha na lang bigla, ako’ng yumuko at umiyak. Pag naiisip ko na kaibigan lang talaga tingin niya sa’kin. Masakit!

Hindi na ako aasa na magkakagusto pa siya sa’kin, umamin na siya. Wala talaga’ng pag-asa.

Ngunit anong gagawin ng puso

Sa ‘yo lang ibinigay ang pangako

Naalala ko pa yung promise ko sa mga kaibigan ko, pag mag-boyfriend man ako ngayong year, si Jr lang ang sasagutin ko pag nanligaw, ang tanga ko talaga. I assumed. Pero wala’ng nangyari.

Patuloy nga namang aasa sa ‘yo, sinta..

Aasa pa ba ako? Tama ban a umasa pa din ako kahit alam ko’ng siya lang talaga ang tunay na mahal mo? Mahal kita eh, sobrang mahal.

Ikaw lamang ang inibig nang ganito

Sabihin mo kung paano lalayo sa ‘yo.

Ikaw lang ang inibig ko ng ganito, Jr.

My goal today, mag-move on, pa’no ba? Di ko alam eh. Masakit pa masyado.

Pero alam ko namang makakaya ko din to, gabi-gabi, iiyak ko na lang lahat ng sakit.

Araw-araw, I’ll fake a smile to ease the pain, at unti-unti na din ako lalayo sa’yo para kahit papano, di na masyado masakit.

Kaya ko to, tiwala lang. J

-        

Ngayong araw, umamin sa’kin si Summer, mahal daw niya ako.

Pero bakit ganun? Masaya, kasi umamin siya, finally umamin siya pero bakit para’ng di ako makapag-salita? It’s like my tongue is stuck from my throat

Mahal din kita, Summer

Yan ang mga katagang gusto ko’ng sabihin, pag-sigawan ngunit bawal. Dahil ayoko’ng masaktan ka lalo. Mas mabuti na ang masaktan ka ng isang beses kesa masaktan kita pag nagging tayo.

I’m sorry; I’m not the right guy for you, summer. Hindi kita kaya’ng pasayahin eh, hindi pa ako handa. Mahal na mahal kita... please, wag mo ko iyakan. I’m sorry. Mahal na mahal kita.

-      

Not the right one.

All rights reserved

2012-2013

IAmSamsimi. :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I wish I was her.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon