This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
_______________WAVE (One Shot)
by MADAMEBIIK©All rights Reserved
_______________
Wave (One shot story)
2 new notifications
OpenWalter James Montero waved back.
Walter James Montero replied.Walter: Hi Sharra :)
***
"Okay class dismissed." Anunsyo ni ma'am at nagsitayuan na ang mga kaklase ko.
"Guys! Group 5 sa Contemporary Arts, please remain mag memeeting muna tayo para sa project natin." Wika ni Kris kaya kanya-kanyang bayolenteng reaksyon ang mga groupmates niya.
At sa kasamaang palad-- Group 5 ako. Gusto ko ng umuwi! No choice, lumapit nalang kay Kris at umupo nalang sa kung sansang upuan. Ba't ba kasi may project na? More than a month pa bago mag midterms.
But like duh? Ako ba yung teacher? Shut up nalang tayo. Nagsimula na yung meeting. Gagawa raw umano kami ng clay art. Seriously? Junior high lang ang peg? Nakakatamad. Tch, umirap nalang ako sa kawalan at kinuha ang aking phone.
Data mode on.
Open messenger app.
You have 3 notifications.
Puro GC lang, tch. But wait--
Harra Jimenez waved at you. Press to wave back.
Wave? Chaka ng messenger. May pawave-wave pa silang nalalaman. Plus nag wave pa sakin ang kapatid ko, nakain nito? Tch.
Nag wave back nalang ako at sineen ang mga notif sa mga GC. Waste of time. Swinipe ko nalang screen at nag appear ang mgaactive users ng messenger. Scroll lang ako ng scroll hanggang sa namataan ko ang pangalan niya.
Walter James Montero
My crush since elementary. He's my schoolmate ever since. At super duper crush ko sya, as in super. I even think that I like him already, but hanggang doon lang.
Kasi kahit kailan ay 'di niya ako mapapansin. Isa lang akong nobody sa mga mata niya. Magwave kaya ako? Malay mo... Joke! Syempre 'di kaya ng beauty ko yan. Kahit pasulyap-sulyap lang mula sa malayo ay sapat na.
'Di kasi ako kasing ganda, sexy at talino ng mga naging ex girlfriends niya. He will never notice a plain ang boring girl like me. I'm just one of his hopeless admirers.
Classmate ko ba siya? Unfortunately, no. HUMSS ang strand na kinuha ko while si Walter ay STEM. Sad life no? 'Di kasi kaya ng brain cells ko ang STEM.
"Uy Sharra! Tawag ka ni Kris!" Biglang tawag sakin ng classmate ko kaya sobrang nagulat ako. Muntik nahulog yung phone ko buti nalang ay nasalo ko.
Pagtingin ko sa mga groupmates ko ay tinignan nila ako ng masama. Nagpeace sign nalang ako at bilis na ipinasok ang phone ko sa bulsa.
Nagpatuloy ang meeting hanggang sa nagsiuwian na kami. Pagdating ko sa bahay ay nagmano ako kay mama at nakipagharutan ang dalawa kong nakakabatang kapatid.
Makalipas ang ilang minuto ay nakapag desisyon na akong pumasok sa kwarto ko. Inilagay ko ang bag ko sa upuan at kinuha ang phone ko.
Damn. Dead Batt. Naman oh!
Padabog-dabog kong kinuha ang charger ko at sinaksak ito sa outlet.
"Ba't biglang na dead batt? 67% pa 'to kanina ah." Bulong ko sa sarili at maklipas ang ilang minuto ay binuksan ko na ang phone ko.
Nag beep ito ng dalawang beses pero 'di ko ito pinansin, siguradong mga notif lang yan sa mga GC.
Sobrang nabadtrip talaga ako ng malaman kong naka on ang Data Mode. Kaya pala ang bilis ma low batt! Gosh!
No choice, wala na akong magagawa. Nangyari na eh. Binuksan ko nalang ang messenger ko para mamark as read yung notif.
2 new notifications
OpenWalter James Montero waved back.
Walter James Montero replied.You and Walter waved at each other.
Walter: Hi Sharra :)
Himala nag chat si Walter sakin. SI WALTER NAG CHAT?! Muli ko itong binasa.
Walter James Montero waved back.
Walter James Montero replied.You and Walter
Walter: Hi Sharra :)Can someone please kill me now.
I don't know when, I don't know how, but fate just made a way for our paths to cross. At first I may not have the guts to even just wave at him, but now just by accidentally pressing the wave button, my life changed.
It may end here, but this is just the beginning. Our beginning.
It all started with a wave.
END.
_____________
K🖤