~ Saturday ~
Abala ako habang hinahanap ang mga kakailanganing ingredients sa mga iluluto ni mama bukas. Birthday kasi ni Papa bukas, surprise ganern hehe.
Tinignan ko ang listahan ko at nakitang ketchup ang susunod kong hahanapin. Mabilis naman akong naglakad na. Habang tinitignan ang listahan ay may narinig akong... nag-aaway?
Hinanap ko kung san yon nanggaling at nakitang sa kabil--
"...Sera Alexa Gueverro"
O.O!
Wait tama ba yung narinig ko? Ako ba ang pinag-uusapan nila? Obviously..
PERO BAKIT?!
Isang babae at lalaki ang nag-uusap.
Kitang kita ko ang lalaki mula dito pero ang babaeng kausap nito ay hindi, nakatalikod kasi sa'kin. Pero base sa pormahan nila ay, mga mayaman sila.Imbes na magpakita sa kanila at sumigaw ng "Tada!! Ako nga pala ang pinagchichismisan niyo." ay mas minabuti ko nalang makinig nalang.
Wait--- hindi lang naman ako ang may pangalang ganyan dibuhhh. Whatevs.
"Pwede ba sundin mo nalang ang inuutos sa'yo! Kakarating mo lang galing sa Netherlands and I know you spend a lot of your money sa kung ano ano! And you don't want me to tell about it to Dad right?!" pinagtitinginan na sila ng tao pero wapakels sila.
Makaalis na nga, wala naman akong naiintindihan sa mga pinag-uusapan nila. *roll eyes*
"That Sera is so ugly."
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi ng walangyang lalaking 'yon. Bumalik sa kanila ang tingin ko at nakitang may inihaharap na cell phone yung babae sa lalaki."I know. Anyway, she is 16 years old. The same school as mine. Fercil Village, our own village."
Walang duda! Ako talaga ang pinag-uusapan nila! Letse, ang babae ba na yan ang sinasabi nilang si Andrea Venice Fercil?!
I narrowed my eyes and.. Confirmed! The girl is really that Andrea Venice Fercil! At anong karapatan ng lalaking yan na pagsabihan ako ng panget?!! Aba, kung makapanglait eh parang si SungJae ang mukha ah! qiqil nako ha
Naiinis akong naglakad palayo sa kanila at binayaran na ang mga pinamili.
Walangyaa, ako na ba ang susunod na target ng babaeng 'yon? Ha!
Pagkarating sa bahay ay pinagalitan pa ako ni mama dahil may ilan pa akong hindi nabili, eh na badtrip na 'ko. Hindi sa hindi ko kayang labanan ang kung anomang pinaplano ni Andrea pero basta!
Andrea Venice Fercil is known for being the badgirl in our school. Mas mabuti sanang badjao eh pero badgirl! Badgirl!
I remembered nabiktima na niya ang best friend ko at ang best friend ko naman eh parang bata pa 'non. Grade 7 kami?' Di ko sure. Kaya galit na galit kami diyan kay Andrea.Gusto nya nirerespeto siya ng lahat sa school, feeling reyna ganon.
Hindi naman nila pagmamay-ari ang school pero kilala kasi ang pamilya niya at marami ring naitulong ang pamilya niya sa improvement ng school kaya may guts siyang magpabida.
Whatevs.
Nang makapasok ako sa kwarto ay mabilis akong nagbihis at kinuha ang cellphone ko. I must tell this to Shannon, she will surely freak out!
"Naku, dapat sinugod mo Rexa! Seryoso nanginginig ako ngayon. Hindi ko pa nakakalimutan ang pagpapahiya niya sakin ha. Kala mo naman ang ganda ganda talaga niya!"
Mukhang may mababasag na namang cellphone ngayong gabi.
"Ahmm, kalma ka lang muna Sha tingnan nalang natin sa Monday kung ano na namang pakulo ang gagawin niya. And.. ready naman ako! Girls scout kaya ako noh."
"Hindi Rexa eh. Ikaw na yung susunod na target niya! Pero wag kang mag-alala Rex poprotektahan kita."
Hays.
"Sha para namang 5 years old ako niyan, kaya ko ang sarili ko so doncha worry, magkaka wrinkles ka niyan."
"Whatever Rex. Wait lang,
'yes ma! Just a second!' Rex, I'll hang up na ha, we'll have a dinner at my dad's fave resto kasi. Ewan ko kung ano ang meron. See you tomorrow, advance happy bday nalang kay tito ha!""Okay Sha. Ingat."
Hayyy. Tinatanaw ko ang kisame ng kwarto ko, maraming iniisip. Habang nagpapahinga eh biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito.
(Ashton Clint Fercil sent you a friend request.)
I rolled my eyes. Seriously, siya yung lalaki kanina na kausap ni Andrea and probably her brother or cousin or whatever.
Teka, ico-confirm ko ba?
Sige. I decided to confirm his FR.
Napagdesisyunan ko nalang na mag scroll sa newsfeed ko. A few seconds later, ay may nag message sa'kin.Ashton Clint: youre pretty :)
Letse.
Ngayon lang nag sink-in sa utak ko ang posibilidad na baka ginagamit niya ang Ashton na 'to sa kung ano man ang pinaplano niya! I remembered their conversation and they're obviously talking about me!
Ha! Ang lakas talaga ng apog ng lalaking tong sabihan akong maganda, tapos kanina may pa "That Sera is so ugly." walangya!
I immediately unfriended and blocked him. I will not give them the satisfaction.
"Rexa!! Tulungan mo nga 'ko dito!" sigaw ni mama mula sa labas.
"Coming!"~END OF CHAPTER ONE~
----
A/N:
Hehehe.
BINABASA MO ANG
Lost In Love
General FictionTotoo nga kaya na ang sakit ay makapagpapabago ng isang tao?