Chapter Two

6 0 0
                                    

~ Sunday ~

"Ma, asan na ba si Nicole? Baka maabutan tayo ni papa!" aburido kong sabi kay mama.

"On the way na daw siya, may pinuntahan lang saglit."

"Hay nako."

Ngayon na nga ang kaarawan ni Papa, at ready na ang lahat. Pagkain, decorations at lahat lahat na pero ang magaling ko kasing pinsan eh 'on the way' pa!

Jusq nemen.

Kung hindi ko pa nasasabi, meron akong marami raming pinsan at magkakapitbahay lang rin kami, so yun nga nandito na kaming lahat. Pero imbes na si Papa ang hinihintay namin eh si Nicole pa ang hinihintay namin.

Hays..

"Titaaa!" speaking of, andito na siya. May bitbit siyang cake at mabilis niyang niyakap si mama.

Nilagay niya ang cake sa mesa. Nilapitan ko siya at pinagsabihan.

"Sa'n ka ba nanggaling Nicolay? Pa special ka talaga kahit kailan. *roll eyes*."

"Kalma muna couz okay? Bumili pa kasi ako ng cake kay tito noh and I miss you!!!" at niyakap niya ko. Tss.

"H-hoy! Hindi na'ko makahinga!" mabilis siyang umalis sa pagyakap.

"Grabe ka talaga couz! Hindi mo ba na-miss ang mala aphrodite na kagandahan ko?"
Inilingan ko nalang siya.

Tinignan ko si Dave (isa rin sa mga pinsan ko, matanda ako sakanya ng isang taon) na naka assign sa pagmamanman sa labas.

"Guys, i te-text ko na si Papa kung san na siya." nagtanguan naman ang mga pinsan, tiyahin at tiyuhin ko.

Me : Pa! On the way ka na ba?

Siguro nagtatampo na 'yon dahil kaninang umaga may malaking nakaukit sa kanyang mga labi, pero hindi namin binati ni Mama(sa plano rin eh).

After few minutes, i felt my phone vibrated.

Papa : I'm on my way home.

I shrieked. Sinabihan ko na ang lahat na maghanda na at magtago sa kung saan.

Habang nakatago na ang lahat, sinenyasan ko na si Shaina (pinsan ko rin) na ihanda na ang confetti. After ma settle ang lahat ay nagtago na rin ako.

After

1 minute...

2 minutes...

3 minutes...

4 minutes...

5 minutes...

We heard the sound of dad's car. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makalikha ng anumang ingay. Ewan ko ba pero natatawa ako. I can clearly see my favorite tita from here. Sinisiksik niya ang sarili sa ilalim ng maliit na lamesa.

We heard papa's footsteps. Pagkatapos ay narinig na namin ang pagpihit ng pintuan.

"Ba't ang dilim. Tss." at in-on niya ang ilaw. Iyon na ang hudyat para lumabas na kaming lahat.

Tawanan at sigawan ang namutawi sa bahay.

"Maligayang Kaarawan tito!"
"Happy Birthday Franco!"
"Happy birthday!"

Nasorpresa nga talaga si Papa. Pumunta ako sa kanya at niyakap siya.

"Happy Birthday Papa!!" he hugged me back.

"Salamat Rexa!"

Pagkatapos ng lahat ng batian, picture picture syempre ano pa ba, edi KAINAN NA!

-----

"Hi Rexxx!" sinalubong ako ng yakap ni Shannon.

"Oh late ka na. Ubos na ang mga handa." pagbibiro ko sakanya.

She rolled her eyes.
"Okay lang noh! Basta mabati ko lang si Tito e oks na oks na'ko. Ginawa mo naman akong patay gutom."

"Dami mo pang satsat. 'Lika na nga sa loob." pumasok na kami sa loob. She greeted papa at nagbigay na rin ng regalo.

"Naku, nag-abala ka pa hija. Maraming Salamat dito ha. Kain ka."

"Wag po kayong mag-alala tito, hindi naman ako masyadong napagastos."

Lumabas si Mama mula sa kusina.
"Oh Shannon hija, lika na sa kusina nandon yung mga pagkain. San nga pala mga magulang mo ba't 'di mo sinama?"

"They're busy pa po kasi." tumango si mama at pumunta na rin si Shannon sa kusina. Sinundan ko rin siya.

Halos sa labas ang lahat, nagkukwentuhan, kainan. Sina mama at papa ay busy din sa pag-aasikaso ng mga tita o tito kong dumadating.

"Bilisan mong kumain, punta tayo sa kwarto." sabi ko sakanya habang nilalantakan niya ang mga pagkain sa mesa.

"Grabe ka, ninanamnam ko pa nga ang mga pagkain dito." I just rolled my eyes.

Habang hinihintay si Shannon na matapos ay may narinig akong nagkakagulo sa sala. Pumasok sa kusina si Tita Geneviv.

"May bagong dating tita?" tanong ko. Base sa itsura ni tita eh parang natataranta siya.

"Naku, oo Rexa. Tulungan mo muna kaming ihanda ang pagkain do'n sa sala." kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Usually, dito naman namin pinapatuloy ang mga bisita so bakit sa sala pa talaga?

"Sino ba ang bisita tita? Mukhang special ah?" tanong ko ulit kay Tita na hinahanda ang mga pinggan at kung ano ano pa.

Hindi na nasagot ni Tita ang tanong ko dahil pumasok si mama, nagmamadali.

"Gen, bilisan mo diyan. Ako na dito sa mga pagkain." tinignan ako ni mama.

"Rexa, tulungan mo muna kami. Shannon hija tapos ka na?"

"Yes po tita! Thanks po sa yummy na pagkain." nakangiting sambit ni Shannon.

"Naku walang anuman. Rexa, dalhin mo na 'yang mga desserts. Ako na dito sa iba."

At nauna na sa sala si mama.

"Sha, diyan ka muna ha. Ewan, ang o.a naman nila. Tignan ko lang sino ang bisita ha."

"Sure. Mag se-selfie lang ako." at kinuha niya ang cell phone niya. Inilingan ko nalang siya.

"Rexa!" tawag ni mama sa labas. Hays.
"Eto na!"

Bitbit ang mga desserts ay pumunta na'ko sa sala.

Habang papalapit ay naaninag ko ang isang lalaking mukhang nasa 40+ na yata pero halata sa mukha ang kakisigan nito. May kasama siyang bina---

Halos mabitawan ko ang dala ko ng makita na ang kasama ng lalaki ay yung si Ashton!

Nandito ang mga Fercil!

~END OF CHAPTER TWO~

-----

A/N:
Hi! Sa mga readers (kung meron man lol) sana nagustuhan niyo. Hehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon