Simula
May mga araw na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Dumarating at dumarating sa buhay natin ang mga ganoong punto. At first my family has it all, fame, mansion, booming business and all luxuries. I don’t know why we ended like this, but actually I knew it but my mind keep on denying keep on believing that its just a dream or a bluff I don’t know.
“Ang agang pagmumuni niyan Yssa ah.” Kumurap kurap ako at binalik ang tingin sa inaayos na mga antiques na paintings.
“Ang pangit kasi ng panaginip ko kagabi.” Pinagpatuloy ni Feli ang ginagawa, pero alam kong hindi bumenta sa kanya ang sinabi ko.
“Alam mo you need to move on for real. Its not your fault, paano ka pa makakapagmove forward if you always blaming yourself. ” tinikom ko na lang ang bibig ko, ayaw kong magkomento sa kung ano man.
Kunting panahon pa siguro para matanggap ko ang lahat. Iniwan ko si Feli doon na panay pa din ang titig sa akin. Alam kong nagaalala siya, I’m not stressed nor depressed I guess, kaya ko ang sarili ko. Kailangan kong ipakita iyon kay Feli na siyang nagiisang kaibigan ko rito at tanging nakakaalam sa kung ano talaga ang nangyari.
Maaga akong umuwi kinahapunan dahil Martes naman at walang masyadong customer. Buti pumayag naman si Ma’am Anessa na medyo maagang umuwi. Pagkarating ko sa bahay na tinutuluyan ko ay binagsak ko agad ang katawan sa nagiisang sofa sa sala.
Nang mahimasmasan ay dumiretso na ako sa kwarto para maligo nasa kwarto kasi ang CR. Binuksan ko na ang gripo at inantay na mapuno ang balde bago nagsimulang maligo. Habang nasa loob ako ay kusang sinasariwa ng isip ko ang mga pangyayari tatlong taon na ang nakararaan.
“Your Lolo told you to stop your craziness over that man!!” pagalit na duro duro sa akin ni Tita Hilda. Ako naman ay wala ng ginawa kundi yumuko at umiyak na lamang. He’s one of my friend what if I’m gonna be with him, wala naman akong nakikitang masama roon.
“ We will going to transfer you in States as soon as possible. Hindi mo ba nakikita Yssa? He’s just using you para mapasok ang buhay na ganto.” doon na ako tumingala at hinarap si Daddy and Mommy.
“ Dad, hindi po ganoon yun. Mabait po si Aian, actually..- - - “
“NO!! NO!! NO!! He’s not iha, kami na ang bahala dito” natutop ko na lang ang bibig ko at tumahimik na lang at tumakbo sa kwarto para magkulong. Noong unang pasok sa unibersidad na pinapasukan ko ngayon ay siya na ang una kong nakilala. Hindi kami pareho ng kurso at mas matanda din siya sa akin ng tatlong taon, bale graduating na siya.
“Hello Nathan!! Yes nandito na ako. . . Uhh better na din kaysa sa hindi magaral. Of course I will. . . . Ok bye call you later.” Parang mas worried pa ang kaibigan ko kaysa sa akin. Napagdesisyunan kasi nila Mommy and Daddy na dito ako mag-aral, at first ayaw ko pero wala naman akong magagawa. At ngayon nagwoworry ang mga kaibigan ko na naiwan ko sa Maynila. I’ll assure them that I will be fine here, tutal maganda at maluwang naman ang school may malawak silang field may anim na building din na may tigdadalawang palapag.
Naglakad na ako patungo sa maluwang nilang gym, ngayon kasi gaganapin ang orientation. Naiinggit ako sa mga nakakasabay kong maglakad na may kanya kanya ng kasama at kausap patungo din doon. Be patient Yssa, magkakaroon ka din ng kaibigan.
Pagkarating ko doon ay halos mapuno na ito, tumabi ako sa tatlong babae na abala sa pagtitipa sa kanikanilang cellphone. Kahit na gusto ko sanang makipagusap ay nahihiya ako. Nilabas ko na lang din ang cellphone and I check my messenger at ang dami ng senend ng mga kaibgan ko na pictures nila na may caption na “We miss you Yssa”.
“ In a few minutes our program will begin, so may I request to all the freshmens to proceed in our gymnasium right away. Thank you.” nang natapos magsalita ang emcee ay nagsipasukan na ang batalyon ng mga estudyante na nanatili pang nasa labas kanina.
BINABASA MO ANG
Freeing Myself From The Past
RomanceAno ba mas matimbang sa lahat? Ang pagmamahal mo sa iyong sarili, pamilya o sa taong mahal mo? Paano kung isang araw isampal sayo ng tadhana ang lahat ng katotohanang magdadala sayo sa sitwasyon kung saan hindi mo na matutukoy kung alin pa ba sa ta...