Another He

359 14 3
                                    

"Totoo pala talaga na pagmahal ka, kahit ayaw mo magpapaka-tanga ka pa din. Gagawin mo pa rin para sa taong mahal mo. Nakakagago lang talaga."


Seatiel Cabral


Pagkasabi pa lang ni Ma'am na lumabas na. Lumbas na agad siya, dun niya na lang hinintay yung mga kaibigan niya. Napangiti na lang ako, habang tinitignan siya. Muka talaga siyang bata kapag naiirita. Panigurdo gutom na yan.

"Oh ano, tutulungan mo akong maglinis dito, o ipagsisigawan kong may gusto ka dyan kay Amethyst?" bulong ni Chester sa tenga ko. Tinignan ko naman agad siya ng masama.

"Sige lang para malaman na rin nila na ikaw yung naglagay ng patay na daga dito sa room." Sabi ko sa kanya ng nakangisi. Pinandilatan naman niya ako.

"Joke lang naman, 'Pre! Di ka mabiro ah! Shhh na ako, kaya ikaw din. Lika na maglinis na tayo." Sabi niya sabay akbay sa akin. Nag-ayos na kami ng upuan at nagbura ng blackboard. Nung tapos na kami, nakita namin ni Chester na nagwawalis pa rin yung mga kasama naming babae. Nagkatinginan kami sabay kinuha yung mga bag namin ng dahan-dahan, sabay karipas ng takbo.

"HOY!" 'yun na lang yung narinig namin ni Lester pagkalabas namin ng room.

Hingal na hingal kaming nakarating sa canteen. Naglibot yung mata ko at hinanap kung saan nakaupo yung iba pa naming kaibigan. Pero bigla akong napangiwi sa nakita ko. Si Amethyst, nakatingin siya sa table nila Zadkiel. Sa table ng taong mahal niya.

"Huy, dun sila oh." Siko sa akin ni Chester sabay turo sa di kalayuang table.

"Ge" sabi ko, di ko pa rin inaalis yung tingin ko kay Amethyst .

 "Ano ba yang tinitignan...ahhhh" sabi ni Chester.

 "Di ka pa ba sanay 'pre?" tanong niya habang hatak-hatak ako papuntang table ng mga kaibigan naming ugok.

"Sanay pero, alam mo yun. Nakakagago pa rin eh." Sabi ko. Sakto namang pagkadating namin sa table. Napansin naman agad ni Ken at Lucas yung hilatsa ng mukha ko.

"Anong problema nyan, Les?" tanong ni Ken na nilalantakan yung pagkain niya. Baboy talaga ng hayop na 'to.

 "Sino pa ba, eh si Amethyst lang naman ang nagiging dahilan kung bakit nagiging ganyan mukha nyan eh." sabi naman ni Lucas na lumalantak na rin ng pagkain. Gago 'tong dalawang 'to, di man lang nanghihintay. Tinignan ko na lang sila ng masama. At bumuntong hininga naman si Ken.

"Ano na naman bang problema?" tanong ni Ken sa akin.

"Ewan ko din 'pre eh. Totoo pala talaga na pagmahal ka, kahit ayaw mo magpapaka-tanga ka pa din. Gagawin mo pa rin para sa taong mahal mo. Nakakagago lang talaga." sabi ko, napayuko naman ako sa table namin.

"Eh gago ka eh, alam mo namang may mahal na iba yung isa, tinuloy mo pa rin yang katangahan mo."  sabi ni Chester, na kumakain na din ngayon. 

Nangiwi na lang ako sa pinagsasabi ng mga kaibigan ko. Totoo naman kasi. Di na lang ako kumain, nawalan na din ako ng gana eh. Naisipan ko na lang bumili ng Piattos.

 "Bibili lang ako." Sabi ko sa kanila, nagsitanguan na lang sila. Busing lumamon ang mga gago eh.

Naisip kong dumaan sa table nila Amethyst, nagpapansin lang. Tinignan ko siya habang naglalakad ako papunta sa kanila, pero hindi niya ako napapansin. Kailan mo kaya ako mapapansin?

Napatingin na lang siya sa akin nung tinawag ako ng mga kaibigan niya.

"Seatiel! Seatiel!" tawag ni Camilla sa akin. Pumunta naman ako sa kanila, at umupo sa tabi ni Amethyst. Walang nakaupo sa tabi niya, eto na lang ang bakanteng upuan sa table nila, saka gusto ko din tong posisyon na 'to. Feeling ko boyfriend niya ako. Feeling.

He, She and Another HeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon