Habang naglalakad kami papuntang classroom....
"Kakahiya talaga" sabi ko habang nakayuko
"Teka nga! Anong pumasok dyan sa malaki mong utak na ipagtapat kay Irie ang nararamdaman mo? Sa lahat pa naman ng daan sa mismong gate pa natin! And take note MAIN GATE PA!" sabi ni Faith habang nakapamewang at take note din guys UMUULAN. Kayo na ang bahala mag-unawa sa word na "umuulan".
"Gumawa ka pa ng dialogue na "Akala mo Irie susuko na ako? Pwes my HONEY nagkakamali ka! Kasi may bukas pa!" HOY MAEY NABABALIW KA NA DIN NO?!" sabi ni Roda. Nako ano naman tong mga kaibigan ko, palaging HB. Akala mo ba naman wala din sa kanila! Eh kung papatayin ko na kaya yung mga crush nila! Tignan lang natin kung ano ang magiging reaction nila.
"May pa honey honey kapa! Ba't ka ba gumagawa ng mga bagay na nakakasira sa iyo lalo at pati na din kay Irie? Ano nalang ang iisipin ng mga yun!" sabi ni Faith.
"Eh kasi... ano... ahhh" pautal utal kong sabi sa kanila. Eh sa talagang gusto ko siya eh. Masama bang umamin sa taong gusto mo? Masama na ba?
"Alam mo naman siguro na irereject ka lang niya diba?" tanong ni Roda. Sa totoo lang hindi ko din naisip ang bagay na iyon eh. Maganda naman DAW ako sabi ni yaya.
" *iling iling* Hindi.... Pero baka kasi magugustohan din niya ako kasi maganda ako hindi ba? Malay naman natin eh..." sabi ko.
" pfftt... HAHAHAHA" sabay tawa nila. Hala! Anong nakakatawa sa sinabi? Hindi naman ako nagjojoke ah.
"Seriously Maey? Maganda? Saang banda? Sa kilay? Hahaha" tawa ni Roda sabay tulak ng mahina sa akin. (-_-)
"So impossible na magugustuhan ka ni Irie pre. Heaven and Earth? Way to so impossible!A big no chance as in N-O C-H-A-N-C-E" panglalait ni Faith tungkol sa akin at kay Irie.
"Mga kaibigan ko ba kayo? Parang hindi eh!" sabi ko sabay titig sa kanila ng masama. SUPER MASAMA!
"My dear we're just telling the impossible I mean the real truth about you and Irie. If their was a chance that you will be together I think it would be in the next 2000 years baby." sabi ni Roda. Grrrrr wala akong maintindihan sa sinabi niya. Kaya ang ginawa ko binigyan ko siya ng MASAMANG tingin na mararamdaman mo talaga hanggang buto.
"Would you stop?" sabi ni Faith
"Yeah you stop!" sabi ko naman. Sorry "you stop" lang ang naiintindihan ko. Wag na kayung kumontra sa akin!
"Stop what?" sabi ni Roda. Grrrrr bahala na siya dyan!
"EWAN KO SA IYO!" sabay naming sigaw ni Faith.