Chapter 2

182 8 6
                                    

ISINANDAL ni Daryl ang kanyang likod sa tiles na pader habang umaagos ang tubig mula sa shower pababa sa kanyang katawan. Inilagay niya ang dalawang palad sa likod ng ulo at mariing ipinikit ang mga mata habang inaalala ang nangyari kanina.

Nagkita sila. At hindi lamang iyon, nagkamustahan pa. Para bang casual lang ang lahat para sa dalaga. Ni walang bahid na galit, o gulat, o kahit na anong emosyon sa mga mata ni Justine. Binanggit niya ang pangalan ni Daryl na para bang wala lang, isang stranger. Stranger? Bullshit!

Sa inis ng binata ay sinuntok niya ang pader. Naiinis siya, hindi nagagalit siya. Galit na galit siya sa sarili niya dahil hindi iyon ang inaasahan niya. Akala niya, kapag bumalik ni Justine... magiging maayos na ang lahat. Pero bakit parang sobrang layo noon sa iniisip niya? Ibang-iba na ito, nararamdaman niya. Wala nang bahid na anong pakeelaman sa kanya ang dating kasintahan. 

Paulit ulit niyang pinagsusuntok ang pader nang hindi iniinda ang sakit. Nang makakalma na siya ng kaunti ay pinatay niya ang shower at muling sumandal sa pader nang hingal na hingal. Ganoon ba Justine? Sige, I'll chase!

"MAGKWENTO KA, dali!" 

Imbes na magkwento ay nagdive lang sa kama si Justine. Bahala si Ruby, pagod siya at kasalukuyang nakikidigma sa jetlag.

"Justineeeeeee!" pangungulit ng kaibigan at lumapit pa dito upang alugin ang balikat.

"Ruby Macapanas! Maghulos dili ka nga. Okay, saan ako mag-uumpisa aber?" pabalang niyang sagot. Sa loob ng five years, saan siya mag-uumpisa? Isasama niya pa ba ang nangyari kanina sa bus? Nako, siya nga naloka sa nangyari, si Ruby pa kaya? At ano.. pati ba si Daryl?

Simula kasi nang umalis siya ng bansa ay kinalimutan niya lahat ng iniwan niya sa 'pinas. Walang communication, walang paramdam. Noong nakaraang taon nga lang yata ito nagsimulang tumawag sa magulang at kaibigan. Bukod kasi sa sobrang namimiss na niya ang mga ito, may balak rin kasi sana siyang pakiusapan sa kanila noong mga panahong iyon.

"Okay," bumuntong hininga si Ruby. "What happened? My god Jazz, you're so cruel, and bad... and bitch! How could you do this to us? Bakit ka umalis?"

Saglit na napangiti si Justine nang marinig ang dati niyang palayaw. Ngunit napalitan naman iyon ng guilt. Tanging ang mga magulang niya lang kasi ang nakakaalam ng lahat ng dahilan niya.

Betrayed. Iyon ang naramdaman ni Ruby. Iniwan siya ng nag-iisang bestfriend kahit wala naman itong kinalaman sa nangyari sa kanila Daryl noon. Pakiramdam niya eh basta basta na lang siya nabalewala, napag-iwanan. Palibhasa, sarili lang ni Justine ang inisip niya noon. 

"Sorry," nakayukong sabi ni Justine. 

Kinuha naman ni Ruby ang isang unan at malakas na inihampas sa kaibigan. "Ouch!"

"Bleh, buti nga!" 

Hinimas himas ni Justine ang ulo habang pinagmamasdan ang asal bata ngayong si Ruby. "Psh-- hahaha." Unti-unti siyang napatawa hanggang sa sumakit ang tiyan nito. Nakitawa na lang din ang kaibigan.

How to Love Again Your Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon