“HINDI ka ba nahihirapan diyan sa paa mo?” Tanong ni Zayn kay Daryl bago tunggain ang hawak hawak na bote ng beer.
“Alangan, hirap na hirap. Ikaw kaya ang lagyan ko ng benda nang di ka makalakad ng maayos,” sagot agad ni Daryl.
“Balita ko, nagkakamabutihan na kayo ‘nung ex mo ah,” sabi naman ng isa pa nilang kaibigan, si Pierre habang wiling wili sa pinanonood nitong palabas sa tv ng kaibigan.
Napangiti si Daryl sa puri ni Pierre ngunit nasira iyon sa biglaang hirit ni Zayn. “Anong nagkakamabutihan? Sinong nagjoke niyan sayo?”
“Base sa kwento sa’kin ni Daryl.”
“Hahaha! Wag kang maniwala dito sa assuming nating kaibigan. Kung alam mo lang kung gaano siya ipagtabuyan ni Justine.”
Dahil sa inis ay agad na binato ni Daryl si Zayn ng unan na nasa couch ngunit tumama ito sa mukha ni Pierre.
“Mga tarantado.” Napamura si Pierre dahil natapon pa sa mukha niya ang lamang alak ng basong balak niya sanang inuman. Matalim niyang tinignan ang dalawang kaibigan. Nag-peace sign si Zayn samantalang poker face lang si Daryl. Ibinalik na lang niya muli ang atensiyon sa tv pero mas lalo siyang nafrustrate sa nakita.
“Langya! Anong nangyari? Pucha di ko tuloy nakita. Nyemas talaga kayong dalawa oh!”
Natadtad ng mura sina Zayn at Daryl dahil lamang namiss ni Pierre ang scene ng palabas ng pinapanood niya kung saan nagkakasagutan na ang dalawang babaeng bida.
“Pierre ano bang palabas yan at adik na adik ka?” tanong ni Zayn.
“Tsk,” nasabi na lamang niya.
Kinuha ni Daryl ang remote at nilipat ang channel.
“Bakit mo nilipat?” Parang batang pagmamaktol ni Pierre.
“Tapos na eh. Pierre, ano bang meron sa palabas na ‘yun at nagkakaganyan ka? Kung hindi lang kita kilala, baka napaghinalaan pa kitang bakla. Daig mo pa ang babae.”
“Gago!” Lumapit siya sa kaibigan at dinaganan ang kaliwang binti nito. “Araaaaaaay!” Napahiyaw naman sa sakit si Daryl.
“Bakla pa ah. Masama bang manood ng ganoong palabas? Palibhasa di niyo pa napapanood kaya di kayo makarelate.”
“Pre, wala ka pa rin bang girlfriend?” Natahimik naman si Pirre sa biglaang tanong ni Zayn.
Pasimpleng binatukan ni Daryl si Zayn dahil sa tinanong nito. Kilala nila ang kaibigan at basta pagdating sa topic na iyon, wala pang isang minuto ay siguradong babaha na naman ng luha sa pamamahay pa ni Daryl.
“A-alam niyo naming mahal ko pa si J-jasmine...”
Napakamot na lamang ng ulo si Daryl dahil umiiyak na naman si Pierre.
Tang’na naman! Napamura siya sa isip dahil sa mga baliw niyang kaibigan. Niyaya pa naman niya ang dalawa para makipaginuman dahil masaya siyang ngayon kasi pinuntahan siya ni Justine ‘yun nga lang ay hindi niya ito naabutan dahil hapon na siya nagising. Tapos ngayon eeksena pa ang kaibigan niyang nasawi sa pag-ibig.
BINABASA MO ANG
How to Love Again Your Ex?
RomanceBut what if, after all these years, the guy she loved hasn't moved on yet? (book cover made by fl-werhun)