Chapter 4 : Another Mission

144 11 5
                                    

Amber Echo Hunter P.O.V

"*Huff* *Huff*" hinihingal na kami ni Storm pero tuloy pa rin sa pagtakbo

Gabing gabi na halos 12:45 na....may sinusundan kaming lalaki isa ito sa mga ka business ni Joseph Del Rio

Kaya kailangan namin siyang sundan baka may makuha kaming impormasyon

Kumaliwa ung lalaki todo ingat naman kami ni Storm sa bawat kilos namin....

May mga bodyguards kasi ito...kahit na ba may disguise kami ...kilala pa rin kami ng mga ganyang klaseng tao...

Pumasok ito sa isang bodega ...

"Agent K-12 at Agent L-13 ....ibibigay namin sa inyo ang mapa sa mga pasikot sikot dyan....maluwag lang ito at walang dapat alalahanin walang spy cams at madaling pasukin goodluck." sambit ng lider

May mga earphones kami at naka uniform at may dalang kakaibang baril

Long range ang dala dala ko while si Agent K-12 ay short range gun ang dala dala ....dalawang baril iyon

Pumasok na kami nag senyas ako na walang tao sa unang palapag ...medyo madilim kaya maa hindi ako mapapansin dahil mahina ang presensya ko

Hanggang sa pangalwa at pangatlong lapag wala sila....asan kaya ang mga yon?

"L-13? May ideya ka ba?" tanong ni Agent K-12

Nag iisip ako nakapikit naman ako ..... at napatingin sa isang pintuan...

Pinasok namin yun library ito....

"Library huh?" rinig kong sambit ni Agent K-12

"Secret Passage.....kaya may secret button din dito tulungan mo akong hanapin." utos ko

May kinapa kapa kami at maya maya may nahawakan ako at

*Click*

Bigla nalang umandar ung shelves at parang naging pintuan

Tumango si Agent K-12 at pinasok na namin yun

"Ano kamo?!?"

May narinig kaming sumigaw ...ung lalaking sinusundan namin kanina lang

May napansin kaming parang daanan.....hmm pede kaming mag tago dito at parang naka connect ito sa kwartong nandodoon ang mga lalaking sinusundan namin

Umakyat ako at-

"Agent K-12 wag mo nalang pag piyestahan nang tingin ang hindi mo dapat makita.....tsk sumunod ka sa akin." sambit ko tinignan ko siya umiwas siya nang tingin tyaka tumango

Nakalimutan kong naka miniskirt lang ako un kasi ang uniporme tyaka daw para mas makakilos ako

At ayun nakayuko kami at gumagapang... ng dahan dahan

Maya maya...

Sinilip ko naman ang mga kaganapan

Droga pala huh?

Pinicturan ko iyon buti nakasilent ang lahat nang gamit namin

"Tsk manloloko talaga si Joseph Del Rio!" sambit ng lalaki

"Kalma lang.....makakahanap din tayo nang paraaan para mapabagsak yang si Joseph." sambit naman nang isa

"Tsk tsk....malasin sana ang demonyong un!" sambit nito

Nagulat naman ako nang biglang humangin sa loob ng pinagtataguan namin ni Agent K-12

"Oh brad ang init naman! Bulok na yang aircon mo hahahaha!"

Secret AGENT L-13 (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon