IAN'S POV
"Bakit hindi mo inilagay na 'base iyon sa mga totoong pangyayari' ha?!" sigaw ng isang babae habang kaharap ang isang lalake.
"Dahil hindi naman dapat!" mariing sabi ng lalake.
"Dahil hindi naman dapat?!" hindi makapaniwalang pag-uulit ng babae sa sinabi ng lalake.Kasalukuyan akong nag-i'eavesdrop sa dalawang batikang direktor at aktres na ito. Bakit? Dahil curious ako sa pinag-uusapan nila. Like duh? Premiere ng movie nila then I found them here na nagsisigawan dahil lang sa hindi nilagay ni direk Poll yung sinasabi ng aktres na si Divina Grace na 'Based on true story'. I find it int'resting. Hahahaha.
"Di mo ba talaga naiintindihan o sadyang gusto mo lang makaani ng parangal?! The reason why we created this movie, ay para mamulat lahat ng tao na wag magpadalos dalos sa mga desisyon nila! Nakalimutan mo na ba yon ha Divina?!" mariing tanong ni Direk Poll.
"Yah, I do understand that! Pero diba mas maganda kung sinabi mo doon na base iyon sa totoong pangyayari! Na hindi galing sa imahinasyon mo, natin!? Na nangyare talaga yon?" gigil na sabi ni Divina.
"At kung yang sinasabi mo ang gagawin ko, ano sa tingin mo ang mangyayare ha Divina?" malumanay ngunit seryosong ani ni Direk Poll."E di mas marami ang mamumulat na mga manonood sa ganong pangyayare! Sa mga nagtatangka na gawin yung mga ganong gawain, mas magiging aware sila at mas malaki ang posibilidad na mahuli sila ng mga polis!? Di ba yan din yung gusto mo? Can't you get my point Poll?!" nakakunot na sabi ni Divina habang kinukumpas kumpas pa ang kanyang kamay sa ere.
"So you think, kaya ng mga polis ang mga yon?" natatawa ngunit bahid ang seryosong mukha ni Direk Poll.Dun napakunot ang noo ko. What are they talking about? Yung tungkol sa movie? Totoo talaga yon? Hallaaa.
Base sa mga pinagsasasabe nila, talagang totoo. And worst parang sila yung nakaranas! Anooooooo?
No, this cannot be!"GoodAfternoon ladies and gentleman. We are gathered here to witness the premiere of the movie " Den Of Blood". anunsyo ng host sa stage na rinig na rinig namin.
I was about to listen more sa konbersasyon ng dalawang nag-aaway ngunit narinig ko ang malakas na pagtawag ng kaibigan kong bungangera.
"Eyyyy, Ian!!!! Kanina pa kita hinahanap! Magsisimula na yung Movie!" malakas na sigaw nito ngunit natigilan ito dahil sa itsura kong nabubwisit. I'm more than pissed of not because of my bungangerang friend pero dahil sa papalapit ng Divina Grace at Direk Poll sa direksyon namin.
Sh*t nakita ako! Wala akong pinalipas na mili-second dahil dali-dali kong hinablot ang braso ng kaibigan ko papalabas sa isang room at mas mabilis pa sa cheetang tumakbo.
"Hey! Ian, what are you doing? Why are we running? Masisira ang sandal ko!" mariing sigaw nito saken habang tumatakbo kami ngunit di ko s'ya pinansin hanggang sa makapasok na kami sa loob ng 'MovieHouse'.
Prenteng umupo ako sa upuan dito sa bandang pinakalikod right side kapag nakaharap sa bigscreen.
Lumingon-lingon ako sa paligid habang hinihingal to make sure na hindi kami nasundan."And what was that all about Ian Zeal Imperial?" maarteng bulong saken ng kaibigan ko habang pinapagpag ang kanyang Dress at nagpupunas ng pawis.
'Tss, kaartehan!'
"Sino bang may sabing magdress ka kase? Ikaw ba ang pangunahing karakter Yonie Feyth Tejada?" inis na bulyaw ko sa kanya sa pamamagitan ng bulong.
Ngunit inirapan lang ako nito at nagsimulang ayusing ang kanyang sarili. Nilabas nya ang pagkalaki-laking make-up kit nito dahilan upang mailing ako.Ilang sandali ay nagsimula na ang palabas, at napatigil na rin si Yonie sa paglalagay ng kung ano-anong kolorete sa muka.
"This is exciting Iannnn." mahinang tili ni Yonie dala na rin ng eksaytment.
Napailing na lamang ako dahil kinakabahan ako sa mapapanood ko dahil sa narinig ko kanina.