Chapter 2

22.3K 384 0
                                    

Chapter 2



"Thank you sa pagsalo sa akin kanina,Triton."
Walang ganang sabi ko kay Triton na kanina pang kumakain.

Parang nawalan ako ng ganang kumain.Nakakawalang gana na may girlfriend na pala sya.Hindi ako nasalo ni Ivan kasi hinalikan sya ng girlfriend nya na syang bumangga sa akin kanina.Naalala ko yung sinabi sa akin ni Triton kanina.
Alam kong may ibig-sabihin sya don,di ko lang maintindihan.

"Mag-ingat ka naman kasi Yanna.Hayaan mo na yung lalaking yon,marami namang ibang lalaki dyan."
Sabi nya.

Nakakapagtaka dahil dapat binubully nya na ako ngayon.May problema siguro tong taong to.

"Babe,Triton!!!"
Nasamid si Triton sa pag-inom ng tubig dahil sa sigaw ng ex-girlfriend nya.

Naparolled eyes ako.

"Come on,Triton.Naiinis ako sa babaeng yan."
Tamad na sabi ko na syang ikinangisi ni Triton.

"Selosa."
Ngising sabi nya sa akin na syang ikinangisi ko rin.

"Yeah,kasi gusto ko sa akin ka lang..."
Ngising sabi ko na syang ikinapula ng buong mukha nya.

Tsk,tsk.Hindi siguro sya sanay sa ganitong salitaan.

"Hey,Babe!"
Masayang tawag nya kay Triton.

Hindi umimik si Triton at nanatiling nakatulala at namumula ang mukha.

"What happened to your face,Babe?"
Takang tanong nya kay Triton.

Nanatili syang nakatulala.Ngumisi ako at ibinaling ang tingin kay Syrah.

"Hi there,Syrah."
Ngising bati ko sa kanya at nagwave.

Peke syang ngumiti sa akin.

"Hi din,Yanna."
Sarkastikong sabi nya sa akin.

"Can you leave us alone,please?Hindi ka na nga kinakausap,eh.Tsupi na dali!Bago ko pa suntukin yang napakaamo't napakaganda mong mukha."
Ngising sabi ko at dumikit lalo kay Triton.

"Grrr!"
Inis na sabi nya at padabog na umalis.

"Bye bye!"
Sigaw ko at nagwave.

Tss,pikon.

"Triton."
Tawag ko sa pangalan nya.

"A-Ahh,Yanna...P-Pwede bang lumayo ka muna ng k-kaunti?"
Namumulang sabi nya at inilalayo ang katawan nya sa akin.

Hayss...Ang boy bestfriend ko po ay masyadong overacting.Sige pagbigyan naten.Umurong ako ng kaunti tsaka ko itinukod ang isang braso ko sa lamesa at tinitigan ang itsura ni Triton.Pulang pula pa rin ang mukha nya at inom ng inom ng tubig.

"Triton,pulang pula yang mukha mo.Ano bang nangyayari sayo?"
Ngising tanong ko sa kanya na syang ikinainis nya.

"Yanna naman...Hindi nga ako sinasabihan ng mga ganong salita ng mga parents ko tapos sasabihan mo pa ako ng ganon?"
Inis na sabi nya at uminom muli ng tubig.

"Yanna."

Anong ginagawa nya dito?Naiba ang ekspresyon ng mukha ni Triton.Ang kaninang namumulang mukha nya ay seryosong mukha nya na ang nakikita ko.Humarap ako sa kanya at napakagat labi.
Iwasan mong mamula,Yanna.Iwasan mo!
Naiinis ako dahil kahit ganun yung nangyari kanina ay hindi ko pa rin maiwasang kiligin sa tuwing nandyan sya.

"W-What are you d-doing here,Ivan?"
Nahihiyang tanong ko kay Ivan.

"I just want to apologize for what happened before."
Kamot ulong sabi nya sa akin.

Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Triton.

"Apologize accepted.Pwede ka ng umalis."
Kalmadong sabi ni Triton na syang ikinakunot ng noo ni Ivan.

"You're not Yanna."
Kunot noong sabi nito.

"Yes,I'm not Yanna but I am her bestfriend.I'm sorry to say this but she don't need your sorry.Pagpapakatotoo mo ang kaylangan nya."

That Possessive ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon