Chapter 22

6.8K 159 0
                                    

Chapter 22



Napahawak ako sa dibdib ko.Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.Eto na nga kaya yon?Talaga nga bang gusto ko na si Triton?

"Triton,umakyat ka na naman ba sa terrace ko?"
Tanong ko na syang ikinatawa nya.

"Yes,Baby."
Tatawa tawang sagot nya.

Napaisip ako.Ilang beses na kaya syang nagakyat-bahay sa bahay namin?

"Ilang beses ka nang nagakyat-bahay dito sa kwarto ko,Triton?"
Tanong ko.

"Hmm...I don't know...Maybe 6 or 8?"
Nakapikit na sagot nya na syang ikinasinghap ko.

Pinapanood nya pala ako habang natutulog.Gosh!Humarap ako sa kanya na may naniningkit na mga mata.

"Ano namang ginagawa mo pag umaakyat ka sa kwarto ko?"
Tanong ko na syang ikinangisi nya.

Hmm...Isasara ko na nga yung terrace ko tuwing gabi.Iniiwan ko kasing bukas yon kasi hindi naman ako nagai-aircon.

Mas sanay kasi ako sa hangin na nasa labas ng terrace ko.Tsaka tutunog naman ung emergency alarm dun pag may umakyat.

Hindi ko lang alam kung papaanong nakakaakyat tong taong to.Tsaka nakatago naman yun,eh.Hindi yun basta basta mahahanap.

"May emergency alarm ang terrace ko at hindi yun basta basta mahahanap.Paano ka nakakaakyat dito?"
Kunot noong tanong ko sa kanya.

Ngumisi sya at ibinagsak ang katawan nya sa kama ko.

"Simple lang...I ask your parents.At kapag gusto kong umakyat dito,pinapatay ko lang yon."
Nakangising sagot nya sa akin.

Napasinghap ako.Wala talaga akong ideya na magagawa nya yun.Sanay na sanay yata syang magakyat-bahay.

Umupo ako sa tabi nya.Umayos naman sya at humiga sa mga hita ko.Hinaplos ko yung buhok nya at ngumisi.Maasar nga to.

"So...It means...Your a snatcher?"
Ngising tanong ko sa kanya na syang ikinabangon nya.

"What,Yanna?!Me?!Of course,not!Sayo ko nga lang ginagawa yun,eh."
Sagot nya at humiga ulit sa mga hita ko.

"Talaga lang,ah."
Tatawa tawang sabi ko sa kanya.

"Yes.Mayaman ako,Yanna.Bilhin ko pa tong bahay nyo,eh."
Pagmamayabang nya.

Tumayo na sya at inilahad sa akin ang kamay nya.Kumunot ang noo ko.

"Ano namang gagawin ko dyan?"
Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Abutin mo na lang."
Nakangiting sabi nya na sya namang sinunod ko.

Kinuha nya yung cellphone nya at ikinabit dun ang earphone nya.Nilagay nya yun sa isang tenga ko at sa tenga nya din.

What if I never knew?
What if I never found you?
I never had this feeling in my heart...

How did this come to me?
I don't know how you found me

"Pwede bang isayaw kita?"
Nakangiting tanong nya sa akin na syang ikinangiti ko rin.

Tumango ako.

But from the moment I saw you
Deep inside my heart,I'd knew

Marahan syang gumalaw.Ganun din ang ginawa ko.Nakangiti sya habang isinasayaw ako.
Ang saya saya ko at ang swerte ko sa kanya.Sumandal ako sa dibdib nya.He kiss me on my forehead while we dancing.

Ngayon,alam ko na talaga ang nararamdaman ko.Gusto ko si Triton at tingin ko mas malala pa dun ang nararamdaman ko.

Baby you're my destiny
You and I will meant to be

"Triton...Thank you for being part of my life...I'm so thankful that I have you."




That Possessive ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon