Dagli Se1: Dingdong at Dingding

309 1 0
                                    

Title: Dingdong at Dingding
Genre: Anecdote
Author: PenpenDeSarapen06/ Miss Maeliit

》》》

Si Dingdong at Dingding ay mag-asawa. Dahil sa kasalatan sa buhay ay namatay ang una nilang anak. Ipinaampon naman nila ang bunso nilang anak sa kapatid ni Dingdong. Salat man sa buhay ay sama-sama pa rin sila twing Noche Buena. Ang bawat isa sa kanilang pamilya ay may pinahahalagahang bagay. Si Dingdong ay may alagang manok na pinakaiingatan nya sapagkat parati syang nananalo sa sabong dahil sa manok na ito. Si Dingding ay may kwintas na Esmeralda na minana nya sa kanyang lola. At ang bunsong anak naman nila ay may pinakaiingatan na gintong relos, napulot nya ito sa may bangketa noong namamalengke sya kasama ang kanyang tiya. Ang manok,  kwintas na Esmeralda at gintong relos ay pinakamahalaga sa kanila.

Nung gabi ng bisperas ng pasko. Namomoblema si Dingdong, sapagkat wala silang maibigay na panregalo sa kanyang mag-ina.

Nag-isip ng paraan si Dingdong para mabigyan ng regalo ang kanyang mag-ina. Nakita nya ang kanyang manok, kung kaya't napagpasyahan nyang ibenta ito sa katamtamang halaga sa merkado.

Nang sumapit ang Noche Buena, kumpleto silang pamilya sa hapag-kainan. Dumating ang oras upang sila ay magbigayan ng regalo. Laking gulat ni Dingdong sapagkat may mumunting kahon na naihanda ang kanyang mag-ina. Tumikhim si Dingdong at sinimulan ang pagbibigay ng regalo.

Nakatanggap si Dingding ng damit na gawa sa seda. Ang bunso naman nila ay nakatanggap ng itim na sapatos at mukhang mamahalin pa.

Sumunod na nag-abot ng regalo ay si Dingding.  Pilak na relos ang kay Dingdong at bagong t-shirt naman ang sa bunsong anak nya.

Panghuli ay ang bunso nilang anak. Gintong singsing ang natanggap ni Dingding at pantalon naman ang kay Dingdong. 

Nagkaroon pa ng mahabang katahimikan bago nagsalita si Dingdong.  "San nyo nakuha ang pambili ng mga ito?"

Sumagot si Dingding. "Ibinenta ko ang kwintas na Esmeralda ni Lola para mabilhan ko kaya ng mga iyan".

Sumagot ang bunsong anak nila. "Binenta ko yung nakita kong gintong relos sa kalye nung namamalengke kami ni Tiya."

"Kung ganon, wala rin akong maitatago sa inyo. Binenta ko rin ang alaga kong manok panabong, makabili lamang ng regalo ko para sa inyo."

"Naku ang bait mo talaga Dingdong.  Kaya mahal na mahal kta" nakangiting sabi ni Dingding. 

"Ako din po Papa. Thank you po sa regalo nyo!" Masiglang sambit ng bunsong anak nila.

Kumalas naman sa pagkakayakap ang bunso ni Dingding at Dingdong. 

May pagtataka sa mga mata nito ng kumalas sa pagkakayakap. "Papa, pano na ang pangsabong mo? Wala ka nang manok." Tanong ng anak nito.

"Wag ka mag-alala anak, ibebenta ko nalang ang pilak na relos at pantalon upang maibili ko ulet ang manok kong panabong" ngising sagot ni Dingdong. 

"Ang galing mo talaga, Papa!"

"Oo nga, Dingdong"

"Oo naman. Basta para sa manok. Maligayang pasko anak at asawa ko"

"Maligayang pasko din sa iyo"

Dagli SE1Where stories live. Discover now