Platonically...

238 11 0
                                    

vhyun one shot again lol. byebye. enjoy reading. Btw, that edit is one of the best edits ive ever seen. it looks so real and credits to the owner of the picture.

--x

"Hoy Dahyuuuuun! Ano na?!" Nagising naman ako sa lakas ng boses ng tao sa kwarto ko. "Hoy ano ba yon Taehyung? Ang aga aga pa oh?!" Sigaw ko sa kanya pabalik nang makita kong 3am pa lang. Tinakpan ko ang sarili ko ng unan. Antok na antok pa ako kaya babalik na lang ako sa pagtulog.

"Aba?! Hoy Dahyun! Gumising ka naaaa! Fieldtrip natin ngayon kaya bumangon ka naaa!" Sigaw niya at inalog-alog pa ako. Walanjo. Bakit ba kase pinapasok ni mama tong unggoy na to sa kwarto ko. Ang ingay ingay.

"Oo na! Oo na babangon na nga ho!" Tumayo na lang ako at bumusangot sa kaniya. Sya lang naman talaga ang namilit sakin na sumama sa fieldtrip. Ayoko talaga ng ganon since ayoko sa labas. Mas gusto ko sa bahay, Mas komportable ako.

"Ayan. Beri gud Dahyun." Pinakita na naman nya ang rectangular smile niya sakin sabay tulak sakin papasok sa banyo.

"Maligo ka na. Bilis! Baho mo hahaha." Tatawa-tawa nya pang sambit sabay sarado ng pinto. -___- bwisit talagaaa.







"HOY DAHYUN ANO NA?! INABOT KA NA NG ILANG TAON DYAN?" Nagising naman ako sa kalabog ng pinto. Ay sheeeet! Nakatulog ako sa CR huhuhu. Patay ako nito.

"4am na Dahyun baka naman gusto mo nang lumabas dyan?" Kalabog nya uli sa pinto. Luh syet. Lalabas agad e hindi pa nga ako nakakapagsimula.

"Bubuksan ko to sige ka! Di ka ba lalabas dyan?" Sigaw niya ulit. Takte ka Taehyung!

"Heh! Pwede bang lubayan mo muna ako!? Matatapos na ko!" Sigaw ko na lang pabalik para manahimik na lang sya.

"Hay nakoo. Malamang nakatulog ka na naman dyan. Bilisan mo! Malelate na tayo." Badtrip sa lalaking to.

Binilisan ko na lang para matapos na. Mamaya na dyan, mag-away na talaga kami.

Nagtapis na ako ng twalya at lumabas na nang madatnan ko na kumportableng kumportable na nakahiga si Taehyung sa kama ko. "Hoy lalake! Lumabas ka nga! Magbibihis ako!"

Napabangon naman siya at napatitig sakin. Naghead to toe pa na tingin sakin na para bang iniiscan ako. "HOY LABAS!" Sigaw ko kaya naman napaiwas siya ng tingin. "Lalabas na nga e." Bulong niya at lumabas na.

Nagbihis na lang ako agad. Mamaya biglang pumasok yon dito, makakita pa ng hindi dapat makita.

Binuhat ko na lang agad yung gamit ko. Nakaayos na pala, ako lang talaga ang hinihintay. Malamang naman na si Taehyung ang nag ayos nito since hindi ako ganong excited sa fieldtrip, kaya siya na lang nag-ayos. Madali lang naman ayusin dahil puro pagkain dala naming dalawa.

"Hoy tara na." Tawag ko sa kaniya. Nakaupo lang siya sa sofa habang nakatulala. May toyo na naman to. Nasa outer space na naman utak.

"Hoy tara na unggoy." Tawag ko uli sa kaniya. "Okay."

Kinuha niya yung bitbit kong backpack at siya ang nagdala. "Oh? Bat mo kinuha?" Tanong ko sa kaniya.

"Baket? Masama ba? Ayaw mo non, di ka na mahihirapan magdala?" Balik na tanong niya sakin. Napakunot na lang ang noo ko sa kaniya. "Wirdo mo. Tara na nga." Sabi ko na lang at lumabas na kami.

platonic | vhyun ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon