..Not?

131 9 0
                                    

CTTO~

--x

Naglakad-lakad na lang muna ako. Ang korni ni Taehyung, kakarating pa lang namin dito tinotoyo na. Hay nako~

Mamaya ko na lang siya hahanapin. Binabadtrip niya ako e. Maya-maya tinawag na ang mga estudyante ng facilitator. Pinapila kami, may siyam na pila. Nasa ikatlo ako. Hinanap ng mata ko si Taehyung pero hindi ko siya makita. Nasaan kaya yon?

"Okay. Since nakapila na rin naman kayo, kayo na ang magkakagrupo para sa first activity natin." Sabi ng facilitator habang nakatapat sa bibig niya ang megaphone.

Tumingin ako sa linya namin. Wala naman si Taehyung. Bwisit. Edi hindi ko siya kagrupo? Ah bahala na nga. Para namang mamamatay ako kapag hindi ko siya kasama. Tsh.

Kaniya-kaniyang punta sa bawat grupo at gumawa ng bilog dahil iyon ang sabi ng facilitator. Pinagusap-usap niya muna kami para makilala namin ang mga kagrupo namin.

Isa-isa silang nagpakilala pati na rin ako. Wala man lang akong kakilala sa mga naging kagrupo ko. Panay higher year or ibang section. Aish. Bahala na.

Nagpalinga-linga naman ako, baka sakali lang naman makita ko si Taehyung. At ayun nga, nakita ko siya. Katabi niya lang naman at kagrupo si Irene. Magkausap silang dalawa at tumatawa. Seriously? Ano bang pinag-uusapan nila at lagi silang nakatawa? Badtrip ah. Edi sila na masaya.

"Huy Dahyun. Okay ka lang?" Tawag sakin ni Jihyo na higher year. Napalingon na lang ako sa kaniya at ngumiti. "Ah oo."

Bakit ba ako naiinis? Wala naman akong karapatan. Tama na nga pagseselos Dahyun! Waaaaah! Ayoko talaga nung feeling ng nagseselos kasi nakakabwiseeeet! Kahit ayoko, nararamdaman ko parin yung selos. Feeling ko tuloy ang sama-sama ko kasi naiinis ako kay Irene kahit wala naman siyang ginagawang masama sakin.

Platonic kami ni Taehyung! Dapat hindi ako magkagusto sa kaniya kase kaibigan ko siya. Waaaaah! Badtrip talaga. Sinampal-sampal ko na lang sarili ko kasi naiinis talaga ko sa sarili ko. Imposible naman kasi na magustuhan rin ako ng bwisit na yan.  Ah ewan bahala siya. Iiwasan ko na lang siya magmula ngayon para matigil na rin ako sa kahibangan ko.

Nagulat naman ako nang magtayuan na yung mga kagrupo ko kaya napatayo na rin ako. "Anong meron?" Tanong ko kay Momo na kumakain. Napatingin naman siya sakin. "E-ewan ko rin." Clueless niyang sagot. Ayt.

"Magsisimula na yung activity. Makinig kayo kase teamwork to." Sambit ni Jihyo samin. Tumango na lang kaming dalawa at nakinig sa facilitator.






Nagtago ako sa likod ng malaking puno. Yup. May barilan na nagaganap pero paint lang naman yon. I mean, warm up daw muna para sa activity namin mamaya kaya pinaglalaro muna kami. Ang winning team ang swerteng makakaiwas sa gawain mamaya. Kaya naman ayokong matalo no?

Kapag tinamaan ng paint, automatic na out na sa game. May parang armor or jacket na something kaming suot ay kapag natamaan yon or kami, hindi mo na magagamit yung baril na hawak mo since out ka na nga.

Ni-isa wala pa akong natatamaan. Puro tago lang naman ang ginagawa ko. Hindi naman kasi ako sporty type of girl. Since sa bahay lang naman talaga namin ang gusto kong pagstay-an. Mas gusto ko pa magbasa ng stories sa wattpad or maglaro ng games sa computer kaysa lumabas at gumala sa kung saan.

Maya-maya nakakita ako ng lalaking nagtatago sa damuhan at isang babaeng nasa likod rin ng puno. Hindi nila ako nakikita since nasa malayo ako. Lagot. Ayoko na dito.

platonic | vhyun ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon