Ako lang pala yun

3 0 0
                                    

"P******na ka talagang bata ka an..."

"Hoy! Nonoy! Gago ka magbaya..."

"Lintik na! Aida! Nasan na nam..."

 Alarm clock? Di ko na kailangan yan. Sa lugar namin ala sais pa lang ng umaga busog ka na sa mura may instant alarm clock ka pa.

Dahan-dahan akong bumangon ng papag. Nag-inat habang nakangiti. Unang motto ko sa buhay:

"Gumising ng nakatingiti kahit mura ang unang bumati."

 Bumaba ako ng papag at naglakad habang nakapikit pa. Kung saan? Bahala na kung san man ako dalhin ng mga paa ko. Anlalim noh?

 Huminto ako at unti-unting dinilat ang mata ko. Di pa ko nakakadilat ng maayos naaninagan ko na yung babae sa harap ko.

Mahaba ang buhok hanggang balikat na di pa ata nakakatikim ng suklay. Tuyot ang mga labi na halatang uhaw. Naka t-shirt na may print ng spongebob sa harap. Naka-pajama na bulaklakin. At yung mga mata nya...naniningkit o hindi pa ata naimumulat ng maayos?? Di ko sigurado. Lumapit sya at parang ineexamin ako. Palapit ng palapit hanggang sa magtagpo ang mga mata namin...

"Waaaaaaaaaaaa........ "

Napasigaw ako at napaatras hawak ang dibdib ko. Sino to? At bakit andito sya sa... May kumislap sa bandang dibdib nya nung nasinagan ng araw galing sa bintana. Poof!

Gising na ko and that's for sure. Hay naku nababaliw na ata ko. Nakaharap ako sa isang life size mirror na pamana pa ng nanay ko. Oo may pamana sya sakin. Pero di kami mayaman ah. Actually ito lang ang nag-iisang bagay na iniwan nya sakin. Ay hindi pala. Marami pa pala. Maraming utang. tss.

 Lumapit ako sa salamin. Ano kayang meron sa salamin na to at ayaw itapon ng nanay? Lagi kong tanong yan pag nakikita ko to. Panu ba naman anluma na neto. Nilalagyan ko na lang ng barnis to pag kumukupas na yung kulay. Pero infairness malinaw pa yung salamin. Maganda din pagkaka-carve nung wood frame. Di ko nga alam saan napulot ni nanay to. Basta sabi nya mahalaga daw to kaya ingatan ko daw. At take note sinabi nya yun nung naghihingalo sya. Mas pinili nyang ihabilin tong lumang salamin kesa dun sa rice cooker na napanalunan namin sa bingo. Weird.

 Minsan pinagtitripan ko to pag gabi. Yung sinasabi nilang tatapat ka sa salamin na may hawak kang kandila tas lalabas na yung prince charming mo kuno.

FLASHBACK....

"Hoy salamin ilabas mo na yung prince charming ko."

Sabi ko hawak ang kandila sa kabilang kamay na sobrang sakit na dahil sa tulo ng kandila habang sinisipat ko yung salamin. Humangin ng malakas at namatay yung kandila. Nilamig ako bigla. Pinilit kong aninagin yung salamin. Baka eto na yun. May nabuong imahe sa harap ko pero di ko makita ng maayos kasi nga madilim. Lumapit pa ko lalo yung tipong nakadikit na yung ilong ko sa salamin ng biglang.....

"Ayy anak ng tinolang kalabaw ka!!!"

 Napalingon ako ng biglang bumukas yung ilaw. Si Nonoy nakakunot ang noo habang hawak ang switch. Hay pag minamalas ka nga naman.

"Tang**a ka kelan ka ba matututong kumatok? At anong ginagawa mo dito?" Nakapamewang kong tanong.

"Di ba dapat ako nagtatanong nyan? Anong kalokohan yang ginagawa mo? Bat may hawak kang kandila?" Natatawa nyang tanong.

 Bigla kong hinagis yung kandila sa kanya.

"Nonoy!!!" Pasigaw kong sabi kasi nakakahiya talagang makita ka ng bestfriend mo na ganun yung ginagawa mo. tss

"Niknik!!!" Sigaw nya pabalik sabay tawa.

Palayaw ko yun dito sa lugar namin. Kung anong ganda ng pangalan ko syang pangit ng palayaw ko. At ang bestfriend ko lang ang nakakabanggit sa palayaw ko na magiging sobrang pangit sa pandinig. Matinis kasi ang boses nya. Yung tipong nakakapang-init ng ulo. Ganun.

END OF FLASHBACK.

At nag-iinit ang ulo ko ngayon.

"Niknik!!!"

Iniluwa ng pinto ang bestfriend kong nakakapang-init ng ulo. Hawak ang tuhod at hinahabol ang hininga. Si Nonoy. Ang bestfriend kong bading. Normito tunay nyang pangalan pero Nonoy tawag sa kanya dito samen. Minsan Naughty, gay name nya daw kuno. Pero mas gusto ko pa rin syang tawaging Nonoy. Akala ng lahat ng mga kakilala kong di taga dito samin ay lalake si Nonoy. Di lang nila alam mas babae pa yun sakin. Ilang boyfriends ang binreakan ko dahil pinagseselosan si Nonoy. Nakakatawa pero totoo. Panu lagi syang nandito sa bahay. Madalas dito matulog. Ilang beses ng naabutan syang nakahilata sa papag ko. Ang masaklap di typical na bakla si Nonoy. Di sya babae manamit, di din sya nagmemake up. In short, lalaki sya tingnan. Macoconfirm mo lang na bading sya pag nagsalita sya o kaya makita mo sya sa gabi. Nagtatransform kasi sya. Eh ang masakit pag pinakikilala ko sya di sya nagsasalita. BOOM! Wala na kinabukasan break na kami nung boyfriend ko.

"Ano na namang problema mong bakla ka? Ang aga-aga." Napakamot na lang ako ng ulo.

"Te, meron akong good news." Sabi nya gamit ang matinis nyang boses. At dahil good news nga at excited sya, tumaas pa ng isang nota ang boses nya.

"Ano naman yan? Siguraduhin mong good yan kundi babasagin ko yang mukha mo."

"Aray ha! Wit gagamit ng violence te. That's bad." Nakatayo na sya at nakapamewang.

"Bilisan mo na bago tuluyang mag-init ang ulo ko sayo." Lumapit ako sa kanya at nakipaglabanan ng pamewang.

"Kalma ka lang te. Ang aga-aga high blood ka na naman. May raket ako. Easy money to. As in." Abot tenga ang ngiti nya.

 Literal na naghugis pera ang mata ko nung narinig ko yung raket. Sino ba namang di matutuwa magkakapera kami. At easy money pa.

"Ano namang raket yan? Kaya ba natin yan?"

 Naupo sa papag si Nonoy nakatukod ang kamay sa likod.

"Of course, mamah yakang yaka mo to. Sisiw to te. Pang-best actress kaya ang peg mo."

"GO! Kelan yan? San? Sino? Pano? At higit sa lahat magkano?" Tuloy-tuloy kong tanong. Excited e.

"Easy ka lang te. Isa-isa lang." Nakataas ang kamay nyang sabi. "For now, maligo ka na muna at mag-almusal. Babalikan kita maya. Excited lang talaga kong ibalita sayo." Sabi nya habang tumatayo.

"At te..." nakarating na ulit sya sa  pinto "...prepare yourself." Sabay sara ng pinto.

 Naiwan akong nakatanga. Haish pasaway talaga tong si Nonoy. Well, bottom line, may raket ako ngayon at may pera ako mamaya.

 Nakangiti akong bumalik sa harap ng salamin.

"Narinig mo yun? May raket tayo ngayon? Ready ka na ba? Lunukin mo na yang lahat ng konsensya mo at siguraduhin mong wala kang ititira kundi mabubulilyaso tayo. Okay?"

 Ngumiti lang ako hawak ang kwintas na iniwan naman ng tatay ko.

"Tay, sorry na. Kelangan kong mabuhay e. Alangan namang wala kong gawin. Alam mo namang wala kong pinag-aralan diba kasi wala naman kayong pampaaral sakin nun. Masisisi nyo bak kok?"

Nagka-crack ang boses kong litanya dahil sa pagpipigil ng iyak. Kinuha ko na lang yung tuwalya para makaligo na bago pa ko maiyak dahil sa masalimuot na buhay ko.

Hinubad ko yung kwintas at inilapag sa mesa sa tabi ng papag. Nilibot ko yung paningin ko sa buong kwarto. Maliit na mesa sa tabi ng papag na pinaglalagyan ng electric fan, papag na may banig at dalawang unan at isang kumot gawa sa katsa, yung lumang salamin, aparador, orasan at isang frame ang laman ng kwarto ko. Frame na naglalaman ng elementary diploma ko. Elementary lang  natapos ko.

EUNICE M. DIMASWERTE.

Ang dipoma kong to ang isa sa mga patunay na wala talaga kong swerte sa buhay. Pati apelyido ko kakampi ng malas. Ang ganda ng pangalan ko noh? Eunice. Si nanay nagbigay nyan pambawi daw sa pangit na apelyido. Si tatay kasi Niknik ang tawag sakin mas cute daw. Sya nga pala ang may sala kung bakit yun ang palayaw ko. Imbento nya. At dahil wala na si nanay at kakampi ni tatay ang lahat ng tao sa lugar namin, ako na ngayon si

NIKNIK M. DIMASWERTE.

Huling sulyap sa salamin at lumabas na ko para maghanda sa raket naming wala pa kong idea kung anong role ang gagampanan ko...

When Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon