"Ate Niknik, wag kang dadaan dyan. Hinahanap ka ni Miley Cyrus magbayad ka na daw ng utang." Sabi nung batang nakasalubong ko.
Ano nga ba pangalan neto? Naku di ko maalala. Red? Violet? Green ata. tss. Yung mga magulang kasi neto bakit colors yung pinangalan sa mga anak nila. Abnormal. Ah ewan may mas malaki akong problema kesa sa pangalan ng batang to. Si Miley. Arrhhgg... Malas talaga.
"Anong signal?"
Pag si Miley ang pinaguuspan inaalam namin kung anong signal ng galit nya para alam namin kung panu ihahandle.
"Naku! Signal no. 3. Magtago ka na. Hehe. Sila Aling Perly nag-evacuate na."
"Ha? 3? Naloko na. Tsk."
Pag signal no.3 kelangan na talaga ng evacuation. Si Miley Cyrus ang walking bangko dito samin. Malupet pa sa bumbay magbigay ng interes sa pautang yun. At higit sa lahat matindi maningil ng pautang yun. Malate ka lang ng isang araw sa pagbabayad asahan mo yurak na buong pagkatao mo. Ang masaklap pulis ang anak nun. Pero opposite nya yung anak nya. Sobrang bait. Di ko nga alam san nagmana yun e. Ampon ata. Haha.
Well kelangan kong pumunta kila Nonoy at madadaanan ko ang bahay nila Miley pag nagkataon. Walangyang bakla to antagal mag-ayos.
"Sige Red salamat." Ginulo ko yung buhok nya habang nakangiti. Sana tama ako ng hula. (crossed fingers)
"Green. Talaga to si Ate Niknik ulyanin." Napakamot na lang sya ng ulo at umalis.
Aish sayang. Tsk. Yun na yung nasa isip ko kanina e. Kainis. Big deal talaga sakin pag natsatsambahan ko ng tama yung pangalan nung magkakaptid na yun. Dagdag sa thrill ng buhay ko.
Naglakad na ko papunta kila Nonoy. Para kong ninja sa ginagawa ko. Naglalakad ako ng patagilid, nakadikit ang likod sa dingding ng mga bahay. Hindi to dahil nagtatago ako kay Miley ah. Ganito talaga ko maglakad sa lugar namin. Takot kasi kong malaglag sa ilog. Tama! Nasa gilid ng ilog ang lugar namin. Isang dipa lang ang lapad ng daanan dito. Kasya dalawang tao pero halos magkadikit na balikat nyo. Malas mo pag dumaan ka dito ng sabado o linggo kasi may nagbibingo sa gilid kaya mas masikip na yung daan.
Ayan na. Papalapit na ko ng papalapit sa kweba ng karimlan. Ang bahay nila Miley.
Milagros talaga pangalan ni Miley. Tinawag lang syang Miley kasi pag nagpatugtog yun ng radyo puro kanta ni Miley Cyrus. At kala mo may party kasi abot hanggang dun sa main road yung volume ng radyo nya. Uso nickname sa lugar namin. Depende sa kung anong tumatak sa tao at nagtrending yun na nickname mo. Meron nga kaming tatlong Mang Boy dito. Si Mang Boy Sunog dahil sa sunog nya sa mukha. Si Mang Boy Bugnot kasi laging mainit ulo nun. At si Mang Boy Panot. Malamang kasi panot sya. Yung palayaw ko pinatrending lang ng tatay ko. Trip nya e.
Okay. Huminga ko ng malalim. Tatakbo na lang ako pag nakita ako ni Miley. Pag nalaglag ako sa ilog tatanggapin ko ng malas talaga ko. Eto na. Nagready akong parang runner nung biglang bumukas yung pinto nila Miley. Waaaahhhh. It's now or never. Tumakbo ako ng nakayuko. Full force.
BANG!!
Takte malas talaga bumangga pa ata ako sa pader. Hinimas ko ang noo ko habang tumitingala kung sang dingding ba ko ng bahay bumangga. Kahit kelan talaga hindi ako direcho tumakbo kahit nga maglakad. Hoy wag kayong mapanghusga hindi ako lasing noh. May sapak lang talaga yung mga paa ko. Inborn. Hehe.
Nagulat ako ng makita kong hindi pader ang nabangga ko kundi ang matigas na abs ni Xander. Si Xander yung anak ni Miley na pulis. Aish naloko na. Mas okay pa sana kung nalaglag na lang ako sa ilog. De, joke lang mas okay na pala to. Hehe.
"Eunice, anong ginagawa mo?"
Shocks ang sexy ng boses. Bagay na bagay sa gwapo nyang mukha. Maliban sa nanay ko, si Xander lang ang tumatawag sakin sa tunay kong pangalan. Sweet noh? Pero wag kayong assuming. Friends lang kami. As if papatulan ako neto. Tss.
"Shhhh...wag kang maingay."
"Ha? Ay syanga pala hinahanap ka ni Nanay." Sabay sigaw ng...
"Nay, hinahanap mo si Eunice diba?"
Reflex na lang siguro pero bigla kong sinakmal yung bibig nya bago pa maging sanhi ng kamatayan ko yun.
"Shhh..wag ka ngang maingay. Wala pa kong pambayad."
Halatang nagulat sya sa ginawa ko kasi di sya nakagalaw. Tumango lang sya nang bigla naming narinig ang boses ng demonyo.
"Bakit, anak nakita mo ba?"
Pasigaw na tanong ni Miley mula sa loob ng bahay. Naririnig kong palapit ng palapit ang boses nya.
"Naku talaga yang Niknik na yan susugurin ko na yan sa bahay nya. Kung di lang yan anak ni Milagros."
Oo si Milagros ang nanay ko na bestfriend ni Miley. Katukayo daw e. Babaw noh? Pero kahit bestfriend sila wala pa rin akong kawala sa utang ko. Matindi talaga si Miley wag na kayong umasa, mabibigo lang kayo.
Literal na paluhod na ko sa harap ni Xander para humingi ng awa. Lululunin ko muna pride ko mabait naman sya e.
Pinigilan nya ko at hinila ako sa dalawang braso pataas saka sumigaw ng...
"Nay, nakaalis na si Eunice tumatakbo papuntang main road. Pakikuha na lang po nung chapa ko naiwan ko pala sa kwarto."
Sinasabi nya yun habang nakatitig sakin. Ang gwapo talaga. Naka-uniform na sya ng pampulis at ang bango nya. Nalimutan ko tuloy na nasa tapat pala ko ng bahay ni Miley. Narinig ko na lang ang papalayong yabag nya.
"Wag ka na munang uuwi senyo susugurin ka ni Nanay." Nakangiti nyang sabi.
Nahimasmasan na ko. Kelangan mag-focus.
"Naku salamat Boss." Pabulong kong sabi. Nag-iingat lang baka marinig ako ni Miley. Natawa tuloy si Xander.
Takte to tinatawanan ako. tss.
"Wala din naman ako sa bahay buong araw. May raket kami ni Nonoy."
Biglang kumunot ang noo nya. Naku paktay nadulas na naman ako. Dahil illegal ang gagawin namin ni Nonoy inililihim namin kay Xander yun kasi nga pulis sya at alam nya kung anong raket ang ginagawa namin.
"Raraket ka na naman Eunice? Siguraduhin mo lang na hindi sa presinto namin ang bagsak nyo ah. Lagi na lang kitang pinalulusot pinagagalitan na ko ni Chief."
"Hehe. Oo promise." Nakataas ang kanang kamay ko pang sabi. "Pag nahuli kami sa ibang presinto kami magpapadala." Biro ko pa.
Mabilis ang mga pangyayari. Naramdaman ko na lang ang sakit ng noo ko. Hinampas pala ko ng mokong.
"Awww..."
"Ayusin mo lang Eunice. Di porket kaibigan kita pagbibigyan kita lagi."
Maganda man sa pandinig pag binabanggit ni Xander yung pangalan ko wala ako sa mood pakinggan ang sermon nya.
"Oo na. Osya pupuntahan ko na si Nonoy." Nagready na kong umalis at baka lumabas na si Miley ng biglang...
"Niknik!"
Ang nakakapang-init ng ulo na boses ng bestfriend ko. Papalapit na sya hawak ang isang malaking bag na sure akong naglalaman ng costume namin ngayong araw. Patay na.
"Xander! Nandyan pa si Niknik?"
Iniluwa ng pinto si Miley sakto paglapit ni Nonoy.
"TAKBO!!!"
Hinila ko si Nonoy at kumaripas ng takbo. Nagpadala naman si bakla ng walang pag-aaklas. Narinig ko pang sinermunan ni Miley si Xander. Kawawang bata. Tss.
Kung ipinagtataka nyo kung panu ko nagawa ang tumakbo sa daang natatakot akong maglakad...yan ang nagagawa ng adrenaline rush. Yup! Pag nasa life and death situation ako nalilimutan ko ang takot ko. At isa sa mga situation na yun ang harapin si Miley.