Chapter 2.5
"Pasok" Mukhang galit sa akin si Claudi.
Tsk. Tsk. Tsk. Tsk.
"Lagot ka" bulong sa akin ni Hayze kaya binigyan ko siya ng aking so famous deadly glare.
"Hindi ba sinabi sayo ni Hayze na wag kang mag-iingay?" Galit na tanong sa akin ni Claudi.
"Sinabi" bored kong sagot.
"Eh ba-" Pinutol ko na ang sinasabi niya.
"Hindi ako nag-ingay. At kung itatanong mo kung bakit nila ako nakita. Eh di sa kanila mo itanong. Sila ang nakakaalam nun hindi ako" Kapag inaantok ako wag niyo akong bubwisiten. Baka mapatay ko kayo.
"Burnnnn!!/Pfft-hahahahaha" sabay na sigaw ni Hayze at ni di ko alam ang pangalan niya.
"Matulog ka na lang muna dun sa kwarto ko. It's already 2:00 am. Baka mapahamak ka pa" Nag-aalalang sabi sa akin Claudi. Mukhang napakalma na niya ang sarili niya.
"Saan ka matutulog?" Wag mong sabihing tabi tayo.
"Dito sa sofa" Whuttt???
"Dito ako sa sofa dun ka sa kwarto mo" mabilis kong kinuha yung kumot at unan na hawak ni Hayzi at tsaka ako humiga sa sofa. Nakakahiya naman kung dito siya sa sofa matutulog.
"O sige na nga. Goodnight, Ezy. Sweet dreams" I just roll my eyes on him and close my eyes. And let the darkness eat me.
BINABASA MO ANG
Perilous Academy (SLOW UPDATE)
ActionDate Started: Dec. 2, 2018 (Draft) Dec. 23, 2018 (Publish) Date Ended: **** Language: Taglish Book Cover made by: Suhoberrie