Sam's POVPinagpapawisan ako ng malamig at yumuko lang
Ang tanga tanga mo kasi sam! Gusto ko yan isigaw sa sarili ko
"A-ano pong kailangan niyo Sir?" Nauutal kong tanong
May tinanong siyang libro na The Abbey
"N-nasa First section po sa may right." Sabi ko habang nakayuko parin, tumango siya at nagtungo roon
Pagbalik niya dala na niya yung libro at nagbigay ng 1000 bill
"I receive 1000 your change is 680 Sir t-thank you c-come again sir." Nakayukong sabi ko at iniabot ang sukli
"You look familiar." Aniya kaya nabahala ako
"H-ho?" Tanong ko
"Parang---" pinutol ko yung sinabi niya
"Ah hindi po ako yung babae sa Cafeteria na umakusa sayo na nanakit ng damdamin ng babae." Hindi ako nahuli diba? Diba?
Napatingin ako sakanya at nakita ko siyang ngumisi saka lumabas ng shop.
Napabuntong hininga ako at napasentido, wheww muntik na yun ah buti nalang ang galing ko magpalusot.
Well gwapo naman siya kamukha niya si V ng bts
May mga costumers naman kaya naging abala ako at naisantabi muna yung iniisip tungkol sa ginawa kong kaguluhan sa school.
Napatingin ako sa wrist watch ko at 7:30 na pala, saktong nakita ko si Ms. Riza na patungo sakin
"Pwede na tayong magsara Sam." Aniya kaya tumango ako at nagpasalamat sakanya nauna na siyang umuwi at naiwan kaming dalawa ni tita sa Lucky Bookstore
Naglinis muna kaming dalawa ni tita at clinose ang LB
"Tita mauna na po kayo sa bahay, bibili lang ako ng hapunan natin."
"Sige iha, mag-ingat ka."
"Opo."
Naglakad ako sa kabilang kanto at natanaw ang karinderya, bumili ako ng menudo at adobong sitaw.
Naglakad ako at medyo madilim ang dinadaanan ko kaya medyo natakot ako
Napatingin ako sa likod dahil naramdaman ko na may sumusunod sakin pero pagtingin ko wala naman.
Siguro napaparanoid lang ako kaya mas binilisan ko ang maglakad pero napahinto ako ng may maramdamang matalim at malamig na bagay na nakatutok sa leeg ko.
Halos pigil hininga ako at bahagyang napalingon sa lalaki na may sumbrero at napahawak ng mahigpit sa bag at binili kong ulam
"Akin na ang bag mo." Malamig na sabi niya kaya napalunok ako
"W-wala po akong pera, maawa po kayo sakin." Kinakabahan na sabi ko at sinipa siya sa sensitive part niya bago tumakbo pero nahabol niya ako at pagtingin ko dead end na. Patay
"Wala ka ng tatakbuhan." Napalunok ako at napapikit ng itapat niya sakin yung patalim. Siguro katapusan ko nato
Makalipas ang minuto pero hindi ko pa nararamdaman yung patalim kaya napamulat ako at nakita na nakahandusay na sa sahig yung holdapper
"Okay ka lang ba miss?" Tanong ng lalake na naka v-neck black shirt at jeans, kamukha niya si jungkook ng BTS
Hindi ko sinagot kaya hinila niya ako palayo sa holdapper at ako tahimik lang
"Miss okay ka lang ba?" Tanong niya
"A-ahh oo thank you nga pala." Ngumiti ako at ngumiti siya pabalik
YOU ARE READING
"Dealing with this Guy"
Lãng mạnPaano kung mapunta siya sa isang sitwasyon na hindi niya kailan man aakalain na mangyayari. Will she end up in a good way or in the exact opposite way?