★Three★

1 0 0
                                    

Sam's POV

Pagkatapos ng subject ko ay dumiretso ako sa bench sa likod ng building namin, nag-text kasi sakin si Aubree eh.

Naabutan ko siya doon na nakatalikod at nakayuko.

"Hi----" natigilan ako ng mapansin na humihikbi siya

"Shemmss okay ka lang?" Tanong ko at naupo at hinagod ang likod niya.

Ngayon ko lang napansin na umiiyak siya "Ano bang nangyari, heto oh" tanong ko at iniabot ang pink kong panyo

"I saw him again with another girl and what's worse is she's my best friend ex-best friend to be exact!" She said between her sobs at pinunasan ang walang humpay na pagtulo ng luha niya, mabuti nalang walang tao.

Niyakap ko nalang siya

"He's not worth your tears Aubree, may darating pa sa buhay mo na mamahalin ka ng buong buo okay? Kaya tahan na." Inalo ko siya at bahagyang huminto ang pag-iyak niya

"Ang sakit lang eh, I can't stand seeing hi with someone else, knowing that we just broke up parang kahapon lang kami pa tapos ngayon may iba na siya leaving me with a broken heart." Iyak niya pa

"Yung akala ko mahal ako yun pala sasaktan din ako." Hikbi niya at hindi ko mapigilan na maawa kay Aubree

"Sige lang Aubree iiyak mo lang yan, nandito lang ako." Alo ko sa kanya at ibinuhos niya sakin lahat ng hinanakit niya.

"Ano okay ka na?" Natatawang tanong ko dahil mukhang na-black eye si Aubree dahil kumalat ang mascara sa mukha niya

"Oo, hahaha" nakitawa narin siya sakin nag-usap pa kami sa bench sandali

"Thank you nga pala ah Shantal ah." Sabi niya at niyakap ako

"Naku wala yon, ano pa at naging kaibigan mo ko." Aniko at niyakap rin siya.

Nag-usap muna kami bago magpaalam sa isa't isa

"Tita, nandito na po ako!" Sigaw ko sa may pintuan

"Oh, late ka ata ngayon ah" ani tita at binigyan ako ng yakap

"Opo eh, yung bagong friend ko po kasi humingi ng tulong kaya ayun." Sabi ko, nagusap kami saglit ni tita bago ako pumanhik sa taas at nagpalit.

Tinawag ako ni tita kaya bumaba ako para kumain, naghugas ako ng pinggan at ginawa ang mga gawaing bahay bago matulog, nag-good night muna ako kay tita bago umakyat ulit.

Buti nalang wala pang binibigay na homeworks ang mga Prof namin.

Humiga agad ako sa kama at tinitigan ang pics ng mga Idol ko at nila mama, Kamusta na kaya sila? Sana okay lang sila, Haay ang hirap malayo sa pamilya mo perp okay lang yakang yaka ko to ako pa eh Ako si Shantal Astrid Maureen Diaz ewan ko ba kay mama ba't ang haba ng pangalan ko, tinanong ko nga bakit hindi Sam Diaz nalang pero binatukan lang ako hahaha.

Napagdesisyunan ko na manuod muna ng Music Videos ng K-pops at K-dramas uwaahh ang gwapo talaga ni Lee Min Ho at Lee Jung Suk, dahil sa kakapanuod ko hindi ko namalayan na Dis oras na ng gabi kaya natulog na ako at nagdasal muna.

"Sheemmmsss late na ako!" Sigaw ko at halos liparin ko ang school

"Hindi ka ba muna kakain?" Tanong ni tita

"Hindi na po, sa school nalang babye ingat po!" Sabi ko at tumakbo na

Hingal na hingal ako pagkarating sa Classroom at salamat sa diyis wala pa yung prof

"Oh mukha kang nakisali sa marathon ah." Natatawang sabi ni Aubree at tinabihan ko siya

"Oo eh, nalate nagising buti nga nakaabot ako kung hindi late ako, wa-poise nga ako kanina eh pinagtitinginan ba naman ako ng ibang students." Hingal na sabi ko

"Dealing with this Guy"Where stories live. Discover now