IV.It's Official.My bestfriend is now my Boyfriend...eto na talaga 'to.22o na.

30 0 0
                                    

[Mane’s Pov]

Tumayo ulet si Louie at isinara ang bintana. Tapos pinatay ang ilaw.

Omo.??!!!! (@_@)

Nakalock ang pinto?! Pati bintana sarado?! Patay ang ilaw?!  Kami lang dalawa ni Louie?! Anak ng? Anong gagawin ko?! Anong gagawin namin dito?

Bakit ba naman kasi may palock-lock pa ng pintong nalalaman ‘tong lalaking ‘to eh.

Kung ano-ano ang naiisip ko…

Pano kung??!!

Omo…(0_0) hindi yun pwede.

Hindi ko talaga keri yun.

Hindi ngayon.

At mas lalong hindi dito.

Hello?!! Nandito kami sa bahay ng may bahay…

Ayoko. Ayoko talaga.!!!

Naku napo-pollute ang utak ko ng dahil sa madilim na kwartong ito eh.

Erase. Erase. Erase.

Wag ka mag-isip ng kung ano-ano.

Ayun na nga, nandito kami sa kwarto na sarado at patay ang ilaw.

[Paulit-ulit??? Unli ka???!!! Ahahaha umeepal naman si peanut-butter-jelly sa istorya ni Manilyn..hehe]

Basta ayun nga.

Ang tahimik ko pa rin. Nakaharap lang dun sa may dingding.

Sya nakaupo dun sa may bandang paanan.

“Ui Manilyn. Usap tayo.”

Hala nagsalita ang luko-luko. At buong buo naman talaga ang pangalan ko. Baka gusto mo din lagyan ng apelyido…Martinez…ahehehe (^_^)

 Bigla bigla naman nagsasalita, tapos napakahina pa. Alam na bingi ako eh. hehe

“Sige.” I said blankly.

Muntik na akong pumiyok. Buti na lang nasabi ko ng maayos.

Maya-maya humiga sya dun sa may katabi ko.

Medyo malayo.

“Dismayado?!!! Yung totoo?! Gusto malapit?!”

ahehehe obvious ba ako?!!!

“Ay hindi ‘te. Obvious na obvious lang.”

Uy sobra ka naman. Hindi kaya.

Ayan na naman yung conversation sa utak ko… ang lakas makabaliw ‘te!!…

Ang tahimik namin.

“Gising ka pa?” tanong nya.

“Oo naman. Hindi ako makakatulog.”

“Bakit kasi pinabayaan mo eh.” He said na para bang naiinis sya o nabubwisit.

Yung dating sa’kin nung sinabi nya eh ganito. Bakit kasi pinabayaan mo….na mahulog ka sa’kin..

Yun yung dating sa’kin.

Para bang kasalanan ko.

Yung tipong parang ayaw nya ako masaktan pero parang hindi nya kayang tumbasan yung pagkagusto ko sa kanya.

Kasi naman may pamahal mahal pa akong nalalaman.

I feel so pathetic… parang ang kawawa ko talaga.

Naiiyak na ako. I almost feel the tears in my eyes.

Hindi pa naman ako umiiyak.

Nanggigilid pa lang yung luha ko.

when my bestfriend becomes my boyfriend...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon