II. Those awkward moments and his unlimited Revelations...

54 0 0
                                    

II. Those Awkward Moments plus His unlimited Revelations…

[Mane’s Pov]

After nung sulat na yun. Sobrang awkward talaga ang lahat. Hindi kami nag- uusap na kagaya dati. Magkasabay pa rin naman kami lagi kumain with tropa. Magkatabi pa rin sa classroom, sa jeep., pero alam mo na may something wrong.

A-W-K-W-A-R-D . . .

Nasa classroom kami. Wala pa naman kaming klase. Breaktime pa. Chikahan sila ng chikahan. Ako? Nakaupo lang. Tahimik. I’m not on my usual self. Yun lang ang masasabi ko.

Tulala lang ako. Nagulat ako umupo si Louie sa tabi ko. Sabay  kiniliti yung tagiliran ko. The way he always do pag kinukulit ako, o kapag naglalambing.

“Tss. Wag ka nga jan.” sabi ko sabay umiwas sa pagkiliti nya. Awkward lang talaga.

“Bakit ba ang tahimik mo? Wag mo na muna isipin yun, para normal lang ulet tayo. Hindi ako sanay na ganyan ka. Tahimik. Pakiramdam ko tuloy may kasalanan ako.” He sounds nagtatampo.

Alam ko he’s doing it para maiwasan yung awkwardness. Kinakausap nya ako to bring back our old set-up.

“Para normal na lang ulet tayo.” I don’t know but it brings a little hint of pain sa puso ko. Parang may kumirot bigla. Eto yung iniiwasan ko eh. Bakit ba kasi naitanong ko pa? Sana hindi ko na lang binanggit. Tsaka bakit ba ako nasasaktan? Do I like him that much? No. it can’t be.

“Masanay ka na, na tahimik ako. Basta. Oo naman we can be like the old days.”

“Yun naman. Eh di tutulungan mo ako sa project natin?” (^^,)

“NICE TRY Martinez.” Hes really doing his best para magmukhang walang nangyari, I must do the same na ginagawa nya. “Forget about it Manilyn.”

“Tss… ano pa nga ba? Alin bang project yun? Ang tamad tamad mo talaga.” Sabay ngiti ko (^_^) “wow Manilyn, ikaw na. ikaw na ang trying-hard.”

“Yes ang swerte ko naman talaga. Yung project natin na webpage. Ipaggawa mo ako ha. Sa computer shop tayo mamaya.”

“Oo na, pagkatapos ko gawin yung sa’kin.” Sabay buntong-hininga ko. At ngumiti ulet.

“Yah its better this way.”

“Yah right Manilyn. It’s better this way.”

[Louie’s Pov]

Wow may Pov ako. (^___^)

Simula nung nabasa ko yung sulat nya. Hindi na ako pinatahimik nun. Hindi ko naman talaga sinasadya yun eh, I just found myself being in that situation, at hindi ko alam kung bakit parang ang saya ko nung time na ‘yon. Ewan ko ba. Hindi ko naman masabi na gusto ko sya. Pero sigurado ako espesyal sya, the way na alam ko na espesyal ako sa kanya. Sya na nga ang pinaka-close ko sa lahat ng tropa. Sya ang lagi kong kasama. Nadedevelop na nga kaya ako sa kanya? Hindi ko sigurado, at hindi ko rin alam kung kaya kong i-risk yung friendship naming kung sakali.

Nakita ko sya tahimik na naman. Hindi ako sanay. Napaka-masayahin nya kasi. Hindi ako sanay na hindi sya nagsasalita.

Lumapit ako. Kiniliti ko sya sa tagiliran nya. Naglalambing. Para iwas ilang. Lumayo naman sya agad. Sabagay hindi mko sya masisisi, pagkatapos nung sulat nya ang tagal ko din hindi nagsalita. Ayoko ng ganito. Gusto ko kagaya pa rin kami ng dati.

 “Bakit ba ang tahimik mo? Wag mo na muna isipin yun, para normal lang ulet tayo. Hindi ako sanay na ganyan ka. Tahimik. Pakiramdam ko tuloy may kasalanan ako.” Sinabi ko yun sa tonong nagtatampo.

when my bestfriend becomes my boyfriend...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon