Dumating ka na ba sa puntong gusto mo na lang sumuko dahil sobrang gulo na?
Yung panahon na paulit ulit mo nang sinasambit ang salitang "Ayoko na" o kaya'y "Tama na"...
Lito at hilo dahil sa magulong takbo ng bawat eksena kung saan hindi mo malaman kung ikaw ba ang bida o kontrabida.
Pagkakataong konting konti na lang ay bibitaw ka na dahil wala ka ng makapitan pa...
Pini-pilit na lumaban hanggang sa maubos ang natitirang pag-asang magiging maayos din ang lahat.
at...
Minsa'y hiniling mo nlang ba na maglaho na lamang na parang isang bula para matakasan ang sakit dulot ng mga pasanin sa buhay.
Marahil oo, pero pwede rin namang hindi pa.
Kung naranasan mo na, o mararanasan pa lang..
isa lang lang masasabi ko.."Welcome to the club kapatid!"Ngunit huwag kang mabahala dahil hindi ka nag-iisa... Kasama mo ako..kami.. pero sa totoo lang, lahat tayo. Walang exception. Walang paborito, walang mayaman o mahirap, bata o matanda, may ngipin o wala. Ikaw, ako, tayo walang kawala sa hagupit ng mundo.
Magkakaiba man ng tagpo dala ng iba't ibang mabibigat na senaryong tunay na hahamon sa iyong katatagan, dedikasyon at determinasyon.
Tandaan mo lang ang bagay na ito..
Matuto kang sumuko....Sumuko hindi dahil natatakot ka,
hindi dahil talo ka na..
hindi dahil mahina ka..
hindi dahil wala kang kwenta..Kundi pagpapakumbabang isuko ang laban sa Diyos dahil alam mong siya lang ang tanging makakatulong sayong mapagtagumpayan ang hamon ng buhay.
Isang pangako para sayo't sa akin....
Hindi pa man nagsisimula ang pakikipagsagupaan kampante ka ng tapos na ang pakikipagdigmaan. Iyan ang assurance na dapat mong panghawakan.'di sa paraang alam mo,
lalong hindi dahil sa kakayahan at lakas mo,
kundi sa pagmamahal at pag-asang nanggagaling mula kay Cristo.Sabi nga isang leader sa aming ministry...
"It is when you're in the end of the rope you'll find God"Siguro nagtataka ka kung bakit sa dulo pa, bakit hindi sa unahan o gitna para konting aray at pagsisisi lang..
Ito ang tanong ko sayo..
Anong mas masarap na ulam yung hilaw o luto?Syempre yung luto, dahil siguradong malinamnam dahil sa iba't ibang rekados na hinalo at dumaan sa mahabang proseso para masiguradong masarap at talagang gaganahan kang kumain.
Katulad na lamang sa ating buhay, minsan ina-allow tayo ni Lord na dumaan sa isang pagsubok dahil may mabuti siyang hangarin at plano sa buhay ng bawat isa.
Tandaan mo din na may tiwala ang Panginoon sayo. Hindi niya hahayaang dumaan ka sa pagsubok kong hindi mo kaya.
- Nais niya marahil na para sayo na matutong pahalagahan ang mga bagay na nasa paligid mo,
- maging responsable,
- maging matatag at malakas,
- Unti unting baguhin ang pagkatao mo sa paraang nakakalugod saKanya.Sa madaling salita, mahal ka ng Panginoon at ayaw ka niyang maging half bake lang. Gusto niya yung buong buo ka.
Kaya't sa panahong hindi mo na kaya at sukong suko ka na nandiyan Siya para sabihing.. "Tahan na..Ako ng bahala"
Ang sarap sa feeling na alam mong hindi ka nag-iisa at alam mong may nagmamahal sayo ng higit pa sa kayang ibigay ninuman.
Lahat ng bagay nangyayari dahil may mabuting dahilan- magandang plano. Marahil hindi mo alam sa ngayon pero darating ang panahon na magpapasalamat ka dahil binigyan ka ng pagkakataong maranasan ang lahat kasama ang Panginoon.
God bless ü
BINABASA MO ANG
Anything Unspoken
SonstigesHi, this is just nothing. I just want to express my sentiments thru writing. Please, don't expect too much, darling. Coz this is just a random thing. hart.hart