BG10

17 1 0
                                    


CHAPTER10- Coin

Briana Guillory Pov'

9:30 nang kumilos ako para sa mission. Humarap ako sa salamin, suot suot ko na ang uniform na ibinigay saakin ni King. Tama nga ang hinala ko na magiging fitted ito saakin, talagang sinakto ng gumawa. Minabuti kong itali ang ginger red na kulay kong buhok, baka kasi mainitan ako dahil dito sa cover na cover na uniform.

Nang mag 9:50 na ay lumabas na ako. Minabuti kong ilock ang pintuan kahit alam kong kaya namang buksan iyan ng mga tao dito. Habang nag lalakad patungong field tanaw na tanaw ko ang malaking helicopter doon na saktong sakto saamin.

Nang makita ko sila doon ay agad akong lumapit. Nag tataka kong hinanap si Harley. Asan siya at wala siya dito?

"Nice Briana" singit ni King. Lahat naman ay napatingin saakin.

"Asan si Harley?" Tanong ko.

"Nag bakasyon siya sa Japan" sabi ni Phoenix na ngayon ay nakasuot narin ng uniform. Ang sakanila ay jeans lang na itim na pinaresan ng itim na t shirt na pinatungan ng jacket na may logo ng SDFU

"Bakit hindi manlang siya nag paalam?" Tanong ko. Mga nakaraang araw kasi pansin ko ang pag iwas ni Harley. Hindi ko alam ang problema niya pero sana ay masolusyunan niya na iyon.

"It's urgent. And our mission is likewise" sabi ni Phoenix at kinibit ang balikat bago una ng pumasok sa helicopter.

"Come on Briana. Harley is fine don't you worry about her" singit naman ni Kace at sumunod na din. Hinawakan naman ni King ang bewang ko bago ako inangat at sumunod naman siya.

"Oo nga pala Kace. Anong nangyari noong sumugod ang mga Cazador dito?" Tanong ko nang lumipad na ang helicopter.

"Innocent human,lobo and vampire are been slaughtered by them." Sagot niya. Malungkot naman akong napatingin.

"Because of me they've been killed aren't they?" Tanong ko pag katapos ng mahabang katahimikan. Umiling naman siya.

"Don't think of that Briana. They're already in heaven. Isipin mo nalang na namatay sila dahil pinag tanggol nila ang iba pang nabubuhay. Besides the SDFU already fond farewell to the parents of the victims. Don't think too much" maingat niyang sabi at ngumiti saakin. Napatingin naman ako sa katabi kong si King, tumango lang siya at ngumiti

"Matulog kana. You need some rest" sabi niya at iginaya ang aking ulo sa balikat niya.

Ngunit bago ako pumikit. I saw Phoenix yellow eye that is staring at me intimidating. And with that my heart beat fast like I was just finished from a marathon.

I'm scared of this. Who isn't

Third Person Pov'

5am ng umaga naka lapag ang helicopter na sinasakyan nila. Lumabas na sila at sinalubong naman sila ng mga tauhan na pinadala ni Sr.Benon.

"Sir, Sr.Benon is already in the conference room. Our one of the attendants will lead you there" pormal na salubong ni Liam. Ang pinag kakatiwalaan ng Genius sa lahat ng nag tatrabaho sakanila.

Tinanguan siya ni Phoenix na nangunguna sa kanilang lahat. Nasa likod niya sila Kace na pinapalibutan si Briana. Sa kanan ni Briana ay si King sa kaliwa naman ay si Kace at sa likod ay si Titus at Axel.

Sabay sabay nilang sinundan ang inassign na attendant paalis sa helipad at patungo sa conference room.

Lahat ng nadadaanan nila ay may manghang tingin sa pito. Unang tingin palang ay masasabing makapangyarihan ito.

Briana GuilloryWhere stories live. Discover now