01

11 4 0
                                    

Chapter 1

*Pak*

" Ano bang ginagawa mo sa buhay mo Alex!?" nanggagalaiting sigaw ni dad pagkatapos niya akong sampalin.

Well, wala naman akong magagawa kahit na sampalin ako ni dad. To be honest It's partly my fault too.

Nandito kami ngayon sa loob ng office ni dad and as you can see pinapagalitan na naman niya ako. Halos ilang beses na niya akong pinapagalitan, hindi ba siya napapagod? Nagsasawa? Edi kung sana na pinayagan niya ako sa gusto ko edi walang ganitong mangyayari. Walang away. Walang sigaw.

" I did what I thought was right dad " walang ganang sabi ko habang nakatingin sakanya.

Lalong dumilim ang aura ni dad pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Kung kanina mukha siyang pusa na inagawan ng isda ngayon naman para na siyang tigre na handang pumaslang.

" You did what you thought was right? " tanong niya pero hindi ako sumagot. Mahina lang ang pagkasabi niya pero mararamdaman mo talagang galit na galit siya.

" You freaking punch the daughter of the Principal Alex! Tama ba yon? Huh?! Tignan mo dinala pa siya hospital dahil hanggang ngayon hindi pa siya gumigising! Pati yung mga kasama niyang mga kaibigan niya na halos anak ng mga nasa senado ang pinagbuhatan mo ng kamay! Ngayon sabihin mo saakin yang You did what you thought was right na sinasabi mo! " nagulat ako ng lumakas pa ang sigaw niya kesa kanina. Damn father nandito lang ako sa harap mo oh? Lakas makasigaw parang ilang metro layo ko ah!

" Sila ang nauna. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko." pahayag ko.

Aba sila naman talaga ang nauna. Kumain ako ng tahimik at matiwasay sa cafeteria nang bigla silang dumating.

*Flashback*

Pumasok ako sa cafeteria ng tahimik. Walang bumalak na tumingin sa akin dahil narin siguro natatakot sila. Well, ano bang magagawa ko kung sa isang linggo kong pagpasok dito ay kalat na ang tsismis tungkol sakin. Alam ko naman na may mga kaibigan ang mga estudyante dito sa labas at ibang eskwelahan. Feel ko na sakanila nila nalaman dahil as you know napasukan ko na ata lahat-lahat ng school dito.  Hindi rin ako magtataka kung mamaya o sa susunod na araw expelled na ako sa eskwelahan na 'to.

Pinagsawalang bahala ko ang tsismis na pinagsasabi nila sakin at umorder nalang ng makakain ko.

Buti pa ang pagkain hindi ako jina-judge, pinapabusog pa!

Pagkatapos ibigay ang order ko ay nag-hanap na ako ng mauupuan ko. Nang may nakita ako ay bigla nalang ako napamura dahil sa gitna mismo ng cafeteria nakapwesto ito. VIP ang lagay ko ah. Nice.

Oh well, no choice alangan naman na kumain ako ng nakatayo dito diba?

Agad kong inilapag ang tray na hawak ko at umupo. Nag-order lang ako ng  my favorite na pineapple flavored cake at isang cold water.

Agad kong nilantakan ang inorder at ng panghuling subo ko na ay may narinig akong pagtipa ng sapatos na parang naiinip. Tinignan ko kung saan yon nanggaling at nakitang ko na nasa harapan ko lang pala. Sinundan ko magmula paa hanggang ulo at napakunot ang noo ko ng makita ko ang babaeng ito sa harap ko.
Ano nanaman bang pinuputok ng butsi nito at nag-iingay sa cafeteria? Tsk.

Bago ko kinain ang cake ko ay tinignan ko muna siya at sabay sabing...

" Wag mong paingayin yang last seasoned na sapatos mo sa cafeteria" sabay kain ng natitirang cake na nasa plato ko.

God! Kung makikita niyo lang kung anong itsura niya nung sinabi ko yon haha! Damn that face.

Pano ba naman nagmukha siyang toro na nakakita ng pulang bagay. Umuusok ang ilong at namumula narin siya.

VRIXILLE UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon