F2

6 0 0
                                    

Mileah's POV

Nasa tindahan kami ngayon sa harap ng school may 30 minutes pa naman bago mag time ee. Tambay muna kami.

Habang si Haliet at Yves naninigarilyo!

Mga ugok talaga !

"Kamusta kana?" Tanong ni Reiyn.

"Okay na wala na yun!"

Nag smile naman sya.
Yiee. Paborito ko talaga yung ngiti yan e.

"Bogs? Penge nyan!" Sabi ko sa chicharon na kinakain ni Yves.

"Bili ka!"

"Damot mo naman aga aga chumichibog ka!Kaya di ka pumapayat e!" Asar ko.

Damot nitp taba taba na ngaa.

Hinagis nya sakin yung pagkain yummmm .

"Regs?kamusta kayo ni shem?" Tanong ko kay Gift

Short for REGALO!

Napansin ko kasi na kanina pa sya hindi umiimik sigurado ako kinarate nanaman to ni Shem ..yung girlfriend nyang karate kid. Bigla nalang mananakit pag nag aaway sila ! Hays

Ngumiti lang sya sakin tsaka hindi na nagsalita alam ko naman na malungkot ang mga mata nya.

"Bat di mo pa kasi bitawan bogs?" Tanong sakanya ni Reiyn

"Mahal ko eh!" Tipid nyang sagot

Kawawa naman tong tropa ko.

Saming magbabarkada sya nga lang yung taken complicated pa.

"Tep? Naalala mo yung pinagawa ni Sir nakaraan?"
Tanong ni Haliet

"Yeah. Bakit?"

"Pakopya ah. Nabasa kasi yung akin ng ulan! sayang tama pa naman sana lahat ng sagot ko dun!" Sabay tawa nya.

Tsss.Kalaokohan!

Wala kaya umulan buong linggo. Baluga e.

"Mamamo nabasa!! Kamo wala ka talaga.puro babae kasi inaatupag mo! Hilig hilig mambabae! Tch." Pangaral ni Teptep

Totoo naman kasi itong si Haliet walang balak mag seryoso.

Babaero.

"Hindi ako mahilig sa babae. Ang babae ang mahilig sakin" sabay tawa nya.."Palibahasa wala kalang lovelife eh! Puro aral di ka nag sasawa?" nang asar pa to.

Nagtawanan nalang kaming lahat

Hindi nalang sya pinansin ni Teptep.

Since mga bata kami kami na magkakaibigan ..
Sobrang tagal ng pagsasama namin kilalang kilala na namin ang isat isa .

Lumaki kami sa skwater maliban kay Reiyn ! Yayamanin kasi yan :>

Yung papa ko nagtatrabaho sakanila bilang hardinero, yung mama ni Gift naman secretary ng papa nya, yung mama ni Haliet katulong nila, at yung Papa ni Yves driver ng papa nya.

Oh diba bongga!

Si Teptep naman pinsan ko sya samin na sya nakatira para ko nading kapatid.

Kaya kami nagkakilala kilala..

Pero ewan kung bat umabot sa ganito kami ni Reiyn.

Basta bigla nalang ganito answeet namin. Kahit noon naman daw sabi ni Papa. Hahaha.
Minsan nga andami nilang kinikwento nung bata pa kami na di ko na maalala. Sa tagal na din siguro.

Tekaaa may naalala akoo.....

"Mga bogs? Anong itsura ko kanina nung inaatake ako ng Migraine?"

Nagtinginan muna sila bago nag salita.

"Creepy!" si Yves

"Parang baliw?" Si Teptep

"Parang narape!haha" si Haliet

Sarap kaltusan nito e.

"Para kang humihingi ka ng tulong." Sagot ni Gift

Malamang! Inaatake ako e!

Tiningnan ko si Reiyn baka may masagot na syang matino.

"Halatang natatakot ka na may halong pagtataka tas naka sara mga kamao mo!"

Sa wakassss....

"Normal lang ba yun mga bogs?"tanong ko sakanila

"Oo. malay mo stage 4 na migraine diba?" sagot ni Teptep

Meron bang ganun? anuyun? Cancer?

Tsk.

"Di bale pag may time ipapa check up kita. wag muna isipin yun!" si reiyn tsaka ginulo yung buhok ko.

"Kinabahan lang kasi ako kanina napanaginipan ko na tinulak daw ako ng batang lalaki sa tulay!"

Huminga naman si Reiyn ng malalim bago nagsalita..

"Alam mo tol. Tayo yun nung bata pa tayo.." pagpapaintindi nya

Ha???

Tinulak nya ako?

"Hindi kita tinulak O.A ng panaginip mo! Mahilig kasi tayo mag laro ng kunwaring tulak tulakan sa bangin nun ! Ang kyut mo kasi matakot!" paliwanag nya tsaka tumawa.

Peste!

"Totoo?" pagtatakang tanong ko.

Para kasinggg....

"Hindi mo maalala? Ulyanin kana talaga. siguro sobrang tagal nadin.Diba mga bogs?" tanong nya sa apat.

"Ah oo" sagot ni Yves

"Tama tama yung sa bangin!Haha" si Haliet

Ngumiti nalang si Gift,Si teptep naman busy sa pag rereview.

Hays. Baka nga sa sobrang tagal na.

"Pasok na nga tayo. 10 minutes nalang mag t-time na!" yaya ni Tep.

Nag ayos na kami para tuluyang pumasok ng School. Ito namang si Reiyn hawak yung ulo ko habang naglalakad !

Porke matangkad! -____'

FADEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon