As usual daldal doon daldal dito si Sir Varos -_-
Kaantok!
Nakikinig nalang ako kahit wala naman talaga akong maintindihan!
History banaman -_-
"Bogs!"
Lumingon naman ako sa likod kung sino yung tumawag ng pabulong.
"Oh?" sagot ko kay Yves
Langya talaga to!
"Labas tayo!"
Anong trip nito?May klase kaya.
Binigyan ko nalang sya ng "bakit" look.
"Basta labas tayo! Dali n--"
"TALAGANG LALABAS KAYONG DALAWA MR. VELASCO AT MS. MEDINA! GET OUT IN MY CLASS NOW!" sigaw ni sir na halatang galit na galit.
Nyemassssssssss -_-
At ayun third subject palang pinalayas na ang ante nyo kasama ng baboy nyaaaa!
Yari kang baboy ka saken!
Dirediretsyo kaming lumabas at saktong paglabas ng pinto hinila ko yung tenga nya!
"ARAY ! BOGS TAMA NAAAA"
Nanggigil talaga ako ehh!
"Anong trip mo ha?Patawag tawag kapa ? ha? Pahamak ka eh!" nakahawak padin ako sa tenga nya mas hinigpitan ko pa.
"A-R-agay bogs! tamaa naa! Nagugutom k-asi ako!" maiyak iyak nyang sagot!
Baluga talaga!
Gutom?At idadamay nya ako?Tanga lang?
Binitawan ko ng yung tenga nya at binigyan sya ng isang malakas na batok!
"MASAKIT NA YUN BOGSSSS!TAMA NAAA !" Pag mamakaawa nya.
"Gusto mo dagdagan ko pa ha?Ugok ka talagang baboy ka! bat kailangang idamay mo pa ako kung gutom ka ha? Nasaakin ba yung KAKAININ MO?"
GIGIL TALAGA!
"Wala! Pero nasayo mga baon naming pera!" sagot nya.
Pokshet!Oo nga pala!
Nalunok ko nalang yung sarili kong laway. Tae bat di ko ba naisip yun? Balugaaaaaaa!
"Tara sa Canteen!" yaya ko saka dire diretsyong naglakad.
At ito na nga ang ugok...
Lamon here lamon there! Hays.
Hindi panaman break time kaya wala pang masyadong tao dito sa canteen."Bogs? Gusto mo?"saka alok sakin ng sandwich na may bawas na.
"Hindi na.Hiyang hiya naman ako sa mga bulati mo noh?"
Tinarayan ko nalang sya.
At tuloy tuloy naman sa pagkain ang baluga!"Ahemm."
Tila napatigil ako sa paghinga ng narinig ko yung boses sa likod.
"Bat nasa labas kayo?" tanong ni Reiyn
"Ah hehe. Ano ka-si..." di ko na natuloy ang sasabihin ko.
"Ano kasi bogs. Pinalabas kami kasi ang ingay ni ninay. Binato nya ako ng papel kasi puntahan ka daw namin sa room nyo!Miss kana daw kasi nya!"walang hiyang sagot ng baboy.
Shedaahhhhhhh -_-
Tumaas lang ang isang kilay ni Reiyn para bang nagtatanong sakin kung totoo ba yung sinabi ng baboy nato -_-
Sinabunutan ko nalang yung sarili kong buhok.
Di ko pwedeng isabi yung kalokohan ni Baboyyy!
May rules kasi sila...
Pag may kalokohan kang ginawa sa school utusan ka ng tropa buong isang linggo.
Oh diba pauso? Tch. Syempre di ako kasama dun! PRINSESA TO ERP. PRINSESA !Nag nod nalang ako kay Reiyn para sa kaligtasan ng baboy na to bago ko sya letchonin!
Bwesit..
"Ano palang ginagawa mo dito?tapos na ba klase nyo?" pag iiba ko ng topic.
"Hindi pa. Pinapatawag ka kasi sakin ni Maam. Oliveros punta kadaw ng Student Council Office. Papunta na sana ako ng room nyo kaso nakita ko kayo dito."
Ahhhhhhh.
Nu nanaman kaya kailangan ng tanda na yun -_-
Nagpaalam na ako kay Yves hinatid naman ako ni Reiyn papunta dito sa Student Council Office.
"Miss Medina? Goodmorning." bati ni maam.
Nag nod lang ako wala ako sa mood makipag plastikan dito.
"Kamusta ang pinaplano nyong mga projects para sa school?Nasisimulan nyo naba?"tanong nya ulit.
Aba malay ko!
"Di ko papo alam maam!" taas noo kong sagot!
Okay medyo nag iba ang simoy ng sariwang hangin...
Naging masama."Are you out of your mind Ms.Medina? YOU ARE THE STUDENT COUNCIL PRESIDENT! And yet sasagutin mo ko ng "Diko papo alam?" Seryoso kaba ? Natatandaan mo paba ang bawat gampanin sa paaralang ito?" ayunnn naaaaa.
Hindi ko muna sya sinagot baka madampalan ako e.
Aba aba malay ko ba na mananalo akong President trip lang kaya namin na magsali sali ako sa mga kandidato.
Bwesit naman kasi ee."Ms.Medina im so dissapointed! Kung pwede kalang palitan kaso labag yun sa School Regulations!" sabay pakawala ng malalim na hininga "Another one, i will like you to guide our new student from Canada! Take him to your room. magiging classmate mo sya. That person is so very important to be part of our school! Isa sila sa nag presinta na maging stock holder ng school! Understand?" paliwanag nya .
Canada?? English speaking yun.
Aba aba! Medyo mahirap ata yun."Kailan sya daratin---"
~Tok~Tok~
Biglang bumukas yung pintuan at bumungad ang isang napaka gandang lalaki sa balat ng lupa!
Ay shettt wag ganun!
"Ohhh. There you are Mr.Vega please have a sit."
~~~~~~~~~~~
A/N : Hey yow mga erpapips ♥ Hindi po muna ako makaka U.D ha?
Sorry ^^ Busy busyhan muna ako sa school please support my story po salamatttt ♥
