I belong with you

3 0 0
                                    

-----
[CHAPTER 4]

“At bagay ka rin sa akin.” Seryosong turan ni Levi sa akin habang titig na titig siya sa mukha ko. Halos ilang dangkal lamang ang layo ng mukha niya sa akin kaya bahagya akong napalunok. Napansin kong bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at akmang hahalikan niya ako kaya sinampal ko ‘yong pisngi niya. “Aray ko naman!”

“Anong plano mo?” Mataray kong tanong sa kanya habang salubong ‘yong mga kilay ko.

“Ang sakit mo namang manampal. Ang bigat-bigat naman ng kamay mo.”

“Hindi lang ‘yan ang matitikman mo kapag inulit mo pa ‘yon.”

“Wala naman akong ginawa, ah.” Natatawang sabi niya habang namumula ‘yong pisngi n’yang nilapatan ng palad ko. Napalakas nga yata ‘yong pagkakasampal ko sa kanya.

“Wala kang ginawa kasi sinampal kita, pero kung hindi kita sinampal ay malamang na may nagawa ka na.”

“Akala ko kasi’y ready ka nang patunayan ko sa’yo na hindi ako bakla.”

“Tigilan mo nga ako, Levi. Style mo bulok.” Tumawa siya dahil sa tinuran ko. “Hindi mo ako maiisahan.”

“Mahahalikan ko rin ‘yang labi mo.”

“Asa ka?” Humagalpak siya ng tawa. “Alam mo, akala ko dati’y si Dylan lang ang makulit at pasaway, isa ka rin pala.” Seryosong tao kasi si Levi. ‘Yong tipong hindi mo aakalain na marunong din pala s’yang magbiro. ‘Yong kapag hindi mo siya makikilala ng lubusa’y iisipin mong boring s’yang kasama.

“Hindi mo lang kasi ako kilala ng lubusan dati kaya gano’n. Kumbaga’y ngayon mo lang kasi nakilala ‘yong ‘other side of me’.”

“Dami mong alam.”

“Totoo.” Nangingiti n’yang sabi.

“Okay, sabi mo, eh.”

“Pero seryoso ‘to, p’wede ba kitang ligawan, Faith?”

“Nagpapatawa ka ba?” Walang karea-reaksiyong mababakas sa mukha ko nang tingnan ko siya, pero ang totoo’y nagulat ako sa tanong niya.

“Hindi. Seryoso ako.” Nakangiti n’yang tugon. Saglit ko s’yang pinagmasdan para tiyakin kung totoo nga bang seryoso siya o baka nanti-trip lang, pero mukhang hindi naman siya ‘yong gano’ng tipo ng tao. Mukha naman talaga s’yang seryoso.

“Bakit mo ako gustong ligawan? To prove me that you’re not a gay?” Tanong ko. “Levi, alam ko namang hindi ka bakla, eh. Pinagti-tripan lang kita.”

“Alam ko naman ‘yon.”

“So, bakit mo biglang naisipang ligawan ako?”

“I want to know more about you. Sa tingin ko’y gusto na kita.”

I cleared my throat. Pakiramdam ko’y biglang may bumara sa lalamunan ko ng mga sandaling iyon dahil sa sinabi ni Levi. Ano ba ‘yon? Instant confession? Napaka-straight to the point naman ng lalaking ito, wala man lang liguy-ligoy. Sa isip-isip ko.

“Gusto agad? Kailan lang tayo nagkakilala, ah.”

“Correction, Ms. Buencamino, matagal na tayong magkakilala.”

“Yeah, what I mean is kailan lang tayo nagkalapit, ‘diba?”

“Athena, hindi naman sukatan ‘yong tagal ng pagkakakilala para masabi mong gusto mo ang isang tao.” Giit niya sa sinserong tinig. “Kaya nga may tinatawag na ‘love at first sight’, ‘diba? Kasi may mga taong dumarating sa ating buhay na kahit sa unang beses pa lang natin itong nakita’y may kakaiba na tayong nararamdaman.”

I belong with youWhere stories live. Discover now