Alam Mo na ang Sagot Diyan

8 0 0
                                    

"Anime o ako? Mamili ka."

"Kung mahal mo ako hindi ko na kailangang mamili."

"Fine. Sana lang tumino ka na kapag na realize mo kung anong
nawala sa'yo."

Pakasabi niya nun, umalis na agad siya. Okay. Siya na ang namili, huwag siyang magsisisi.

I am Justine Dela Vega. A typical student at hindi tulad ng ibang bida na perpekto. I'm just me. May katabaan, pero maputi.

Maputing maputi. Walang talent at tamad. Nakakapasa at nag
ta top. Isang bagay na kinaiinisan nila ng sobra. Bakit? Sikretong
malupit.

***

"Ano bang pinagsusuhol niyang Justine na yan sa mga teachers?

Wala namang ibang ginawa yan kundi ang manoon ng anime ah."

Yan, sige, bulungan pa kayo. As if naman magkakalaman ang utak niyo kapag pinag tsismisan niyo ako.

"Justine, congrats. Highest ka nanaman sa exam mo. Keep it up."

Pakasabi noon ni Sir, lumabas na agad siya. May meeting daw kasi ang lahat ng faculty members kaya ibinigay lang sa'min yung
test papers namin at umalis na agad.

"Siguro nakipag sex yan kay sir, noh? Paano naman siya magiging
palaging highest sa lahat ng exam eh hindi naman yan nag
aaral?"

Sex? Eh siya pa nga yung mukhang hobby ang pakikipag sex eh.

Pero tulad ng palagi kong ginagawa, hindi ko nalang sila
pinatulan. Tatapusin ko nalang ang panonood ng anime na to.

mas mabuti pa tong kasama kesa sa mga taong hindi rin naman
ako maiintindihan.

"Oy, Justine, busy ka?" Tanong sa'kin nung babaeng kani-kanilang
eh ginagawa akong pagkain sa piyesta. "Hindi, tao." Natulala siya
sa sagot ko at parang nag-iisip kung ano bang ibig kong sabihin.

LG pala to eh. Pakatapos ng ilang segundo niyang pagkatulala,
parang na gets niya naman na yung sagot ko at bigla na lang
akong hinampas sa balikat. Aray ha! Sakit kaya.

"Ikaw talaga Justine. Anyway, favor naman oh. Hindi kasi ako
makakauwi mamaya kasi-"

"Ayaw."

Pakasabi ko nun agad na akong tumayo at lumabas ng
classroom. Pakatapos akong pag tsismisan tapos ngayon gagawin
naman akong katulong?

***

Elisa's

"Bwiset yun ah! Hmmp. Walangya!" Paulit-ulit kong ginupit gupit
yung papel ng hawak ko. Pakatapos ni Justine na lumabas sa
room na hindi man lang ako pinapatapos sa pagsasalita, tuloy
tuloy na akong nabadtrip. Humanda talaga siya. may araw din
siya sakin. "Ano ka ba girl, nung isang linggo pa nangyari yun ah.
Move on din pag may time." Sabi sakin ni Janet na iiling iling pa.

"Anong move on ka jan. Hinding hindi ko makakalimutan yun no.

First time kayang may gumawa sa'kin nun." Naiinis kong sagot.

Arrgh. Humanda talaga siya. "Pero girl, natatandaan mo ba?

Mabait naman yun dati eh. Simula lang talaga nung mag fourth
year tayo eh naging ganun na yun." Oo nga no. Ngayon ko lang
natandaan. Bakit kaya naging ganun siya? Ano kayang
nangyari? Nakonsensya naman daw tuloy ako.

"Janet, Janet, Janet!" sigaw ko habang pinaghahampas ko ang
braso ni Janet. "Ano ba Elisa, ang sakit ah!" sabi niya habang
hinihimas ang braso niya. "Di ba si Ken yun? Yung lalaki sa CEA
department na ang talino?" Sabi ko sakanya habang kinikilig
kilig. "Ano ngayon? Balita ko ayaw niyan sa babae. Atsaka adik
sa computer games. Tapos..." Kung anu-ano pa ang sinabi niya
pero hindi ko na yun pinakinggan kasi lumapit na ako kay Ken.

Alam Mo na ang Sagot DiyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon