Hello po! :)) Ito na po ang 2nd Chapter ng My Otaku Wife! >_< Please support my first story. Comment or Vote lang po ang aking tanging hiling. Kailangan o po kasi ng advice. :)) Thanks in Advance sa kung sino man ang magcocomment or magvovote. Dinededicate ko po pala toh sa 2nd na nagvote sa story ko. Si KulelatNgBayan. :)) So here it is and I hope you guys like it. :D
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Renier's POV:
"Anong ibig sabihin mong isa kang Otaku? Ano yun?" tanong ko ng mahinahon kay Laila.
"Uhm.. Yung, adik---" pinutol ko agad ang sasabihin niya.
"Isa kag adik?!?!"
Toingksss*! Aray. Batukan ba naman ako.
"Patapusin mo naman ako.!" sabi ni Laila.
"Sabi ko nga!" sabi ko na lang habang hinamas himas ang batok ko. Ngayon naniniwala na akong 'Maraming namamatay sa MALING AKALA'. Sakit kaya mambatok nitong Hon ko.
"Isa akong adik sa Anime. Ang tawag dun Otaku." sabi ni Laila..
Teka. Anime? Yun ba yung cartoon? Sus! Yun lang pala. Akala ko kung ano na. Haaisshh.
"Sus! Yun lang naman pala eh. Akala ko kung ano na. Hmmph." napabuntong hininga ako. Akala ko talaga isa syang adik sa drugs. Di naman pala. Huuhaay!
"Hindi mo ba napapansin nung istudyante mo pa ako? Wala akong kaibigan ni isa.?" sabi ni Laila
Hmm? Walang kaibigan ni isa? Ewan ko. Di ko napapansin yung social life niya eh. Siya lang talaga mismo yung napapansin ko. Haha. Stalker ba? Ayy mali, Secret Admirer pala. XD
"Bakit naman wala kang kaibigan kahit isa?" tanong ko.
"Ayaw kasi nila sa isang Otaku. Lahat sila pana'y nobela ang mga gusto. Pero ako, *sigh* sabi nila ang wierd ko daw. Akala ko nga maraming Otaku sa klase yun pala, ako lang. Ayaw nilang lumapit sa akin. Kesho daw pambata ang mga gusto ko, mga bata lang daw ang may gusto sa mga ganon. Naalala mo ba nung nililigawan mo ako at tinanong mo kung anong trabaho ko? Hindi ako sumagot nun. Ang trabaho ko kasi eh isang mangaka, o manga artist. Yung nagdadrawing nung mga anime comics. Hindi kita sinagot kung anong trabaho ko nun, kasi, ikaw ang unang nanligaw sa akin. Masaya nga ako nun nung lagi kitang kasama kahit teacher pa kita. Pero di ko sinabi sayo ang tungkol sa pagkaOtaku ko kasi, ayoko nang mag isa." sabi ni Laila habang nakatingin sa malayo.
Siguro ito na yung 'One Thing' na sinasabi ko. Ito na yung something na kakaibang kombinasyon sa ugali niya. Matagal na pala niyang tinatago yun. Nakakapagtaka lang kasi hindi ako nagalit. Syempre Hon ko yan noh. Tsaka, tinago lang naman niya yun. Kasi mag isa lang siya. Haay, wawa naman ng Hon ko. :((
Tiningnan ko siya. Nakatingin pa rin siya sa malayo. Inihip ng hangin ang mahaba niyang buhok. Namula ako. Tsk. Kung bakit ba naman kasi may fly effect pa tong buhok niya. Parang sa commercial lang. Lalo tuloy siyang gumanda.
"Huy," tawag sa akin ni Laila, "Ano na? Anong sasabihin mo? Magpapadivorce ka ba? Kung oo, maiintindihan ko nama---- Aray!"
Binatukan ko nga. Ano ba yan! Divorce agad ang nasa isip! Loka lokang toh!
"Shunga! Divorce agad? Bakit mo naman naisip na magdidivorce agad tayo?!" galit kong tanong sa kanya. >_< Kasal pa lang namin eh divorce agad. Shunga talaga tong babaeng toh.
BINABASA MO ANG
My OTAKU Wife
RomanceShe's My Otaku Wife! Hindi ko yun nalaman nung kinasal kami hanggang sa HoneyMoon namin. Pinagtapat niyang isa siyang Otaku at Ang trabaho niya ay pagiging isang Manga Artist o 'Mangaka'. Sabi nga nila, "So What?". So What? She's got that 'One Thing...