Written by: Missblackskull
Prompt: Jacket---
Simula nung araw na makilala ko siya, hindi ko na siya nakalimutan pa. Nasaan na kaya siya? Makikita ko pa kaya ulit siya?Dear Santa,
Isang taon na ang nakakalipas nung makilala ko siya. Sabi niya sa akin noon, isa daw siya sa mga regalo mo sa akin at totoong masaya ako. Santa, baka naman puwedeng iregalo mo ulit siya ngayon? Hehe. Baka lang naman.
--
December 24, 2017. Tandang-tanda pa ni Marydale ang araw na iyon. Malamig na simoy ng hangin dahil na rin sa mga nahuhulog na niyebe sa daan, maingay at nagsasayahang mga tao sa paligid na kanyang nadadaanan. Desperas ng pasko at heto, may trabaho siya."Kawawa naman tayo nito fren! Kung nasa Pinas tayo aba'y haggardo na dapat tayo sa paghahanda ng noche buena eh! Hindi ganitong, haggardo tayo dahil sa trabaho." Ani Elsa, ang kaibigang kapwa pinoy ni Marydale na nagtatrabaho rin sa isang bar sa Japan bilang waiter.
"Wala eh, kapos tayo kaya wala tayong choice! Tsaka, 'di ba nga, aattend tayo sa Christmas party nila Juliana? Nakabili ka naman ng regalo, diba?" tanong ni Marydale sa kaibigan habang pinupunasan ang mga babasaging baso.
"Oo naman fren, pero alam mo naman masiyadong demanding ng mga butanding dun! Kung makaasta akala mo dami nating datong eh! Kung alam ko lang talaga na demanding iyon, aba'y sana tayo na lang dalawa ng exchange gift no!" sabay irap ni Elsa sa kawalan.
Napalingong natatawa si Marydale sa kaibigan,"Alam mo ikaw talaga, napakaplastic mo! Kapag kaharap mo sila Juliana ang babaita mo pero ayan, pagnakatalikod-"
"Ay teh, waitsung naman! Judger ka sa akin! Slight lang naman akong evil no!" natawa si Elsa at gayun na rin si Marydale.
Dahil nga sa desperas ng pasko ay sobrang busy ng dalawang magkaibigan sa bar. Maraming customers at talagang pakiramdam nila'y bumabaha ito.
"Jusko! Wala na bang mas hahaggard sa gabing ito?!" reklamo ni Elsa nang pansamantalang nakapagpahinga na sila.
Alas nuwebe na ng gabi at may natitirang dalawang oras pa sila bago sila tuluyang mag out sa trabaho.
"Parang gusto ko na rin talagang humilata na lang!" sabay buntong hininga si Marydale, pagod na pagod siya.
Kumakain ng hapunan ang dalawa nang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot dahil sa ang Nanay niya ang tumatawag.
"Nay?" sagot ni Marydale
"Anak, kamusta? Merry Christmas!" bati nito, "May trabaho ka pa rin ba?"
"Ah, opo Nay! Dinner break lang namin, babalik na rin kami maya-maya. Napatawag po kayo Nay? Merry Christmas din sa inyong lahat diyan!"
"Salamat anak, merry christmas din saiyo diyan! Maraming salamat sa pinadala mong pera nung nakaraan at kahit papaano ay may handa kami ngayon sa pasko." anito
Napangiti naman si Marydale sa narinig mula sa kanyang ina, "Pasensya na po kayo sa liit ng napadala ko Nay ha? Hayaan niyo, dadagdagan ko po iyon kapag natanggap ko na po iyong bonus ko." tugon ni Marydale.
"Maraming salamat anak. Huwag mo kalimutan iyong mga nailista nila budong ha? Iyong bagong sapatos daw. Sabi rin ni Tekla sira na iyong cellphone niya baka daw puwedeng makahirit." natatawang tugon ng kanyang ina
"Ate, iyong sapatos ha!"
"Ate, iyong sinasabi ko sa'yong bayarin namin sa outing namin, at pambili ng bagong damit. Please? Malapit na iyon!"