Prologue

1.3K 12 8
                                    

"Wag mo naman akong iwan Jhake please, handa akong magbago 'wag mk lang akong iwan please." Hindi ko na maaninag ang mukha niya dahil sa mga luhang tumutulo mula saaking mata. Handa akong gawin lahat wag niya lang akong iwan.

"Nilinaw ko na 'to diba Liz? Please para rin sayo 'to."

Inaalis na niya ako kamay ko sa kanyang bewang, nakatalikod siya saakin at unti unting lumalayo.

"Bakit?! Bakit mo ko kailangan iwan?! Akala ko ba ako ang gusto mong pakasalan?!" Humarap ito and I see mix emotions in his eyes. He hold my shoulders and "Hindi na kita mahal yun na yon, tama na please pakawalan mo na ako."

"Bakit Jhake?! May iba na ba ha?! Buong relasyon natin sobrang saya tapos isang araw bigla ka nalang manlalamig saakin! Bakit may ib---"

"OO ELIZABETH MERON NG IBA KAYA PWEDE BA TIGILAN MO NA AKO!" Pagkasabi niya ay naglakad na ito ng mabilis at sumakay sa sasakyan niya. Napaupo ako sa damuhan haha, leche akala ko sa movie lang nangyayari 'to pero saktong umaambon. Fuck!

- - -

"Ano ba naman yan Beth?! Ilang beses ko ng inulit na gawin mo na yung mga payroll ng mga workers! Nasaan na?!" Napayuko na lamang ako habang sinisigawan ng supervisor ko. Halos dalawang buwan na akong ganto. Wala sa sarili simula ng iwan niya pero ngayon wala ng pagmamahal kundi galit. Galit nalang nararamdaman ko sa kanya!

"DALHIN MO ANG PAYROLL LIST MAMAYA SA OFFICE KO KUNG HINDI UMALIS KANA!"

Napabuntong hininga nalang ako at saka lumapit ang co worker ko na si Laiza. "Ay nako teh ayos ayos ng sarili! Dalawang buwan ka ng mukhang losyang!"

"Hanggang ngayon hindi ko pa din maisip bakit niya ako iniwan. Bakit niya ko pinagpalit sa iba at higit sa lahat sino yung iba na yon?!"

"Hindi ako manghuhula okay? Kalimutan mo na siya nagawa ka nga niyang iwan eh, tama na teh. Alam mo mamaya may blind date group ako. Sumama ka ng makahanap ka na ng bagong papa mo!" Sabi ni Laiza habang  nagpopowder.  Alam ni Laiza ang love story namin ni Jhake at simula noon ay lagi na niya akong pinapayuhan.

Bago kami magbreak eh, sinabi niya saakin ang location kung saan magaganap ang DATE na tinutukoy niya. Hindi ko alam if kaya kong makipagdate sa lagay kong ito pero sa ngayon gusto ko lang sumaya.

Habang nag-aayos ako ng sarili ko para sa date ko mamaya ay biglang tumunog ang cellphone ko.

From: Ariah
I'm back here in the PH. I hope pwede tatong mag-usap bukas sa dati nating tambayan. Labyu girl! Miss you!

His Pleasure (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon