"HE or SHE"

131 4 0
                                    

Prologue:

Sumaya ako ng dumating sa buhay ko ang isang babae na nagpatunay sa akin ng kung anong ibig-sabihin ng pagmamahal. Siya ang nagparamdam sa akin na kung nabigo ka sa una mong pag-ibig hindi na iyon susundan pa ng pangalawa.

Sa tuwing umaga, siya ang lagi kong kasama, at palaging nagpapangiti sa akin. At kung may problema man sa amin ang isa, sabay namin tong nilulutasan.

Pero sa isang malagim na trahedya, nawala ang lahat ng pinag-samahan namin, nauwi sa napakalaking WALA.

Akala ko ordinaryong tao lang ako na mahuhulog lamang dapat sa isang babae, pero bakit ngayon, na INLOVE ako sa isang BAKLA! Ibig bang sabihin non? BAKLA din ako.. NO!!!!!!!!!!!!!!!!!! Wait, hindi, dahil sa kanya palang naman ako nagkagusto at wala ng iba.

Bernard Reyes, isang lalaking;

Gwapo✔

Matalino✔

Mabait✔

Mapagmahal✔

Sa babae?✔

Sa BAKLA?✔

Ang lalaking iniwan ng kanyang kasintahan dahil sa isang trahedya at ginamit ang bakla para mag-moveon.

Intensyon niya bang itong gamtin?✖

Tama bang turuan ang puso kapag ito'y tinamaan na.✖

Hindi niya inakalang magkakaroon siya ng relasyon sa isang bakla.

"Sh*t ka Bernard. Sagad."

"Huwag ka ngang maingay Miko. Hindi ka nakakatulong."

"Paanong?.. Huh." napabuntong-hininga siya. "Kailan ka pa na inlove sa isang bakla!" galit na talagang sabi niya.

"Hindi ko alam. Puso ko ang dumidikta na mahalin siya hindi ang utak ko." naguguluhan kong sabi.

"Ngayon at bumalik na si Rona. Mamili ka. "Is HE or SHE.."

---Inspired by: YortZekai

"HE or SHE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon