HOS.Chapter 3

37 1 0
  • Dedicated kay Rona Jean Santos
                                    

RONA's POV

Tok! tok! tok! tok!

"Nah. Gumising ka na."

Ang aga-aga nambubulabog nanaman to.

"Ano ba naman Tere. I hate you. Anong oras palang? 11:30am pa pasok natin." pagrereklamo ko.

"Ano ka ba? May pupuntahan tayo. Tara na."

"O sige na. Antayin mo ako sa baba Tere."

"And don't you ever call me that. Yun din ang nickname ng classmate nating pinagkalooban ng noo. Pwede ng gamitin sa panghula ni Auring.." pagpoprotesta niya.

"Ang arti mo ah? Inpernes."

"Bilisan mo diyan!!" sigaw pa neto bago ko naramdaman ang mga yabag niyang papaalis sa tapat ng kwarto ko.

Pumunta agad ako sa closet at tumingin ng isusuot ko. Di ko alam kung saan kami pupunta pero pumili ako ng damit na nababagay sa lahat. Pwera nalang kung party yun.

Party? Seriously. Umaga.

Pagbaba ko sa kwarto, naririnig ko pang nagtatawanan si Mama at Therese.

"Oo nga po tita. Si mama nga, kapag natutulog sila ni Papa, naririnig ko pa kung paano magdabog si Mama sa lakas ng hilik ni Papa." atsaka siya, tumawa ng tumawa. Halos maluha na siya, pati din si Mama.

"Ang tito mo naman, saka lang humihilik kapag lasing."

"E buti si Tit---"

"Ma," saka ako lumapit sa kanila. "Mauna na kami. At baka tanghaliin pa bago kami makaalis." saka ako nagbeso beso kay Mama.

"Kahit kailan talaga. Ang KJ mo nah." pagrereklamo ni Therese. "Tita balik ako dito pag may time. May puntahan lang kami." at nakipag beso din.

"O sige anak. O ikaw Nah. Uwi ka ng maaga, diba may pasok pa kayong dalawa."

"Opo ma. Good girl kami."

Bago kami umalis ay nagpaalam pa ulit kami kay mama.

Nang makalabas kami sa Village. May dumaan agad na jeep kaya sumakay na kami. Agad nag salpak ng earphone ang bruhildang Therese.

Ako nakalingon lang sa dinadaanan namin. Magkatapat kasi kami netong babae na 'to.

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang may kumanta.

Come baby baby, come come baby, come come baby baby, come come ♬

Ala sey.

Tumingin ako kay Therese nagbabasakaling narinig niya iyon, pero mali ako.

Ang bruhilda, siya pala ang kumakanta. May pa headbang-headbang, pero siyempre slight lang. At baka pag lumakas, maloloka ang mga katabi niya.

Tinapik ko siya sa tuhod. Naramdaman niya kaya napatanggal siya ng earphone.

"Bakit?" inosenteng tanong nito.

"Anong bakit ka diyan? Ang lakas ng pagkanta mo. Tingnan mo sila." sabay turo ko dun sa tatlong beki na estudyante. "Pinagtatawanan ka nila."

⊙﹏⊙

Kung nakikita niyo lang ang reaksyon niya ngayon, malamang sa malamang mapipilitan kayong bumaba ng jeep.

"Hoy!" sigaw nito sa mga beki. "Anong tinatawa tawa niyo diyan. Ihulog ko kayo dito e!!" naasar na sabi niya.

Yung tatlong beki naman ay napahiya kaya naman nakayuko.

"HE or SHE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon