-Her- First Signs

34 0 0
                                    

- HER -

Nasa labas ako ng bahay. Nakatingin ako sa langit. Para nga akong tanga na naghihintay ng shootingstar. Hihilingin ko lang naman na itext niya ako. Praning na ba ako? Sobra! Wag niyo akong sisisihin kung nauso ang PBB Teens. WAHAHAHAHAHA.

Ayun! Nakita niyo yun? Yung shooting star! :)

Hiling na din kayo.

Alam niyo anong susunod na nangyari?!

UMILAW YUNG PHONE KO! GOOOOSHHHH!  Siguradong siya na nga to! Thank you shooting star!

Gusto niyong makita yung text?! NAKAKAKILIG!

From: 8888

"Hey, I just met you and this is crazy so where's your unli! I'll cut it maybe *sirang plaka* Paasa me maybe?"

Wooh! Alam niyo yung feeling na andun na eh! Kikiligin na ako kaso si 8888 lang pala. Di na nga niya ako tinext, nacut pa unli ko. BUHAY NGA NAMAN! Parang life.

Masara na nga phone ko. Wala din namang kwenta eh.

Pumasok na nun ako at natulog. Hinahanap na din ako ng mama ko nun eh.

*tiktilaok!* (MANOK PO YAN MGA KABABAYAN. XD)

May pasok nanaman! Makikita ko nanaman siya. Masyado na yata akong obsess sa kanya? Di ko ba alam kung anong meron sa mokong na yun. Makaligo na nga. Pumasok ako sa banyo (Malamang kaysa naman pumasok ako sa Kitchen para maligo diba, beyond abnormal na yun! At least ako abnormal lang. Nahiya naman daw ako.)

"Lord, maghihingi ulit ako ng sign. Kung nakita ko po siyang nakawhite mamaya since ngayong araw na'to ay wash day, ibig sabihin crush niya din ako. Sige na Lord oh?"

Nagayos na ako at pumasok na.  At alam niyo ba anong kulay ng damit niya??

PINK.

Bakit pa nga ba ako naniniwala sa sign na yan.

-> Fast Forward

Pauwi na ako at nakasakay sa Jeep. Medyo nalate nga ako ng uwi ngayon eh. 7 na. May ginawa pa kasi ako sa school.

"Lord, Kung may umupo sa harap ko na naka-red, crush nga po talaga niya ako!" sabi ko sa sarili ko habang nandito sa Jeep.

Naghihintay ako sa Jeep na may umupo na nakared shirt sa harap ko. Pero syempre, pano ba naman matutupad yun eh may nakaupo na sa harap ko. Haay. Ang dali na nga lang ng hinihingi kong sign eh. 

SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon