- HER -
"Lord, Kung may umupo sa harap ko na naka-red, crush nga po talaga niya ako!" sabi ko sa sarili ko habang nandito sa Jeep.
Naghihintay ako sa Jeep na may umupo na nakared shirt sa harap ko. Pero syempre, pano ba naman matutupad yun eh may nakaupo na sa harap ko.
Nagulat ako sa nakita ko. Siksikan na kasi sa Jeep at nakita kong may sumakay nakita kong umusog na yung nasa harapan ko at ngayon si "RED" na mismo ang nasa harapan ko.
Napangiti ako. Sana di niya napansin.
---
Ako si Xy.
Hindi Cy!
Shy yung pagkabigkas nun.
Ughh-- Whatever.
Call me na lang LAST.
May gusto ako sa isang mysterious na guy na si RED TAN
Ako si XY LAST DIZON.
- HIM -
Habang naghihintay ako sa Jeep
Naghingi ako ng sign kay Lord, sabi ko.. "Lord, Pangilan na ba si Xy sa buhay ko? Baka mamaya mabusted at mareject nanaman ako ah.."
Biglang sumigaw yung katabi ko..
"LAST! OY! Sakay ka na dito! Sabay na tayo."
Nagulat ako. Si Xy yun :)
Si Xy Last Dizon.
---
Ako si Red.
Red Tan, actually.
Ang weird ng name ko noh?
Red na nga, TAN pa! San ka pa? Haha!
Corny ko na.
Pero ako si Red Tan.
May gusto ako kay Xy.
Liligawan ko siya, promise.
Pero bago yun, sisiguraduhin kong nasa tamang panahon. Yung panahon na:
- Hindi na ako TORPE.
- Nakamove on na ako sa Ex ko.
- Di ko siya sasaktan.
- dahil mamahalin ko siya habang buhay.
Siya na nga yung LAST ko.