♥ Ano ang RomancePH?

521 17 2
                                    


ANO ANG ROMANCEPH?

ANO ANG ROMANCEPH?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mahilig ka ba sa mga sweet at cute na kuwento? O sa mga istoryang puno ng kilig? Paano naman ang tungkol sa mga CEO at gangsters? Gaya ka rin ba namin na paborito ang mga kuwento tungkol sa pag-ibig? Kung ganoon, ito na ang profile para sa 'yo!

Kung pamilyar ka sa @Romance profile ng Wattpad, malamang ay malawak na ang iyong kaalaman tungkol sa aming layunin - kami ang Pinoy edition! Nais ng WattpadRomancePH na mabigyang pansin ang mga kuwento ng pag-big ng mga Pilipinong manunulat sa Tagalog o Taglish. Tumatanggap ang profile na ito ng iba't ibang kuwento ng pag-ibig magmula sa mga maiiksi at cute na one-shots, nobela, LGBTQ+, at maging ang mga kuwento na nakalaan para sa mga 18+ na mga mambabasa.

Mayroon kaming mga reading list na naglalaman ng iba't ibang klase ng mga love story, at kung sakaling kailanganin mo ng suhestiyon, maaari ka lamang na sumilip sa aming profile upang tingnan kung mayroon kaming mga prompt o katanungan linggo-linggo na maaari mong sagutin o salihan, o interactive books tungkol sa pag-ibig!

Huwag mag-atubliling sumali at magbigay ng pagmamahal!

Handa ka na ba? Sapagkat ang RomancePH ay handa na para sa 'yo! ♥

Alam mo bang mayroon kaming Wattpad Creators Newsletter? Huwag palampasin ito. Ang mga bagong update, balita, at resources para sa mga manunulat ay direktang inihahatid sa iyong inbox. Mag-sign up dito: 


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Hopeless) Romantic Tips 101: A GuidebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon