Chapter 7: Feel me.

30 0 0
                                    

SAB’S POV

Ang boring naman dito sa kwarto. Gusto ko nang umuwi. Ano bang sakit meron ako at ang tagal tagal ko dito? Sarili kong katawan di ko alam nangyayari sakin. Nakakatawa no? Ang tagal ni Terry, sabi niya magpapa load lang siya jusko isang oras ba aabutin niya para mag paload? Napaka wrong timing netong babae na to. If I know, nakipag kita nanaman siguro to kay Webb.

Habang nanonood ako ng tv, naalala ko na miss ko na din palang pumasok sa school.  Ilang araw na din akong hindi pumapasok simula nung may nangyari. Which is yun nga yung kay Adrian. I don’t know what’s going on with my life. Feeling ko bawat galaw ko about sa love may mangyayaring masama.

Tinignan ko ang orasan, gabi na wala pa din si Terry? Hay loka loka talaga yung babaeng yun. Nakakainip talaga. Gusto ko lumabas. Tutal wala naman yung dextrose sa kamay ko dahil mamaya pang 8 ilalagay. Pag labas ko napaka tahimik lang sa hallway. Walang ka tao tao. Bihira lang na may umakyat sa floor na to dahil nabanggit sakin ni Terry na mga special patients lang ang dinadala dito. Sumakay ako ng elevator pero may kasabay ako na matandang babae, matangkad siya dahil naka heels at naka red dress. Kahawig niya si Imelda Marcos. Hehehe. Ang sosyal niya tignan.

“Hija, ilang taon ka na?”

“Ay hello po. 17 na po ako.”

“Ako nga pala si Lola Constancia. Constancia Agustin ang buong pangalan ko.”

“Ako po si—“ “Summer Isabella Malabanan” banggit ni lola, hala. Pano niya nalaman pangalan ko?

“P pano niyo po alam buong pangalan ko?

“Andyan sa wrist tag mo hija.”

“Ay hehehe..” Oo nga pala.

“My lovelife?”

“Nako wala po.”

“Nakita kitang hinatid ka ni Zac. Hindi mo ba siya boyfriend?”

Napalunok ako ng laway ng de oras at napadilat ng malaki. Jusko gano ba ka sikat tong si Zac at pati si lola kilala niya yung monggoloid na yun?!

“Ay lola, hindi ko po siya boyfriend, kaibigan ko lang po yun.”

“Buksan mo na kasi yang puso mo. Para hindi na kayo mahirapan.”

*TINGGGGGGGGGGGGGGG*

Bumukas na yung elevator at napatingin ako sa mga naghihintay para makapasok. Pag tingin ko kay lola Constancia ay bigla siyang nawala na parang bula. Multo kausap ko kanina pa? Okay lang. Hindi naman ako takot sa multo. Nag simula na akong gumala gala at nag ikot, naisipan kong pumunta sa Nurse station at nagtanong.

“Excuse me, nurse..”

“Yes po ma’am?

“Do you know Constancia Agustin?”

“Ahh, si lola po ba yung tinutukoy niyo?”

“Oo. Siya nga, naka heels and red dress siya kanina sa elevator kasabay ko.”

“Ah ma’am nagbibiro po ba kayo?”

My face got serious. “I’m asking you in a serious face, so ofcourse seryoso din ako sa sinasabi ko.”

“Ah okay po ma’am. Lola Constancia died yesterday ma’am, car accident po ang nangyari habang papunta siya sa kasal ng kanyang anak. Kaso hindi po na control nung driver yung van na minamaneho niya kaya nahulog po sila sa bangin.”

“So. Wala na si Lola Constancia?”

“Opo ma’am.”

“Okay okay. Salamat.”

How do I unlove you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon