AMA

129 0 0
                                    

Ugong ng sasakyan

Pinipihit na pintoan

Nadidinig ko ang mga yabag ni Ama

Ngunit nanatiling tikom ang aking mga mata

Naghihintay sa yakap

Sa boses niyang singlambot ng ulap

Nangungulila sa pagmamahal

Umaasang makasama pa siya ng matagal

Sa pagmulat ng mata

Bumungad ang nakangiti niyang mukha

Puno ng pang uunawa

Dahilan upang kumawala ang aking luha

"Di kita pababayaan kahit ako'y mawala,"

ang siyang naging turan ni Ama.

Umalpas ang hikbi sa aking labi.

Habang yakap-yakap ang katabi.

Lamig ng hangin na dumampi saking balat

Sa realidad ako'y namulat

Bakane ang katabi

At sa pangako niyang di mababali

AMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon